Professional Documents
Culture Documents
KALAYAAN AT PAGIISA
ni Patrocino Villafuerte
Bawat buhay, masaya't malungkot, magulo't makulay
ay nakalimbag sa pahina ng kasaysayan;
mula sa pagkakasilang patungo sa kamusmusan
maging sa paglaki hanggang sa kamatayan.
Isa-isahin ang buhay ng mga dakilang tao sa
daigdig:
ng mga paham, syentipiko, mananaliksik,
o ng mga guro, doktor, abogado, mangingisda't
magbubukid
bawat isa, may mithiin, may pangarap na nais
makamit:
ang mailuklok ang pangalan na kasintayog ng langit
at isama sa mga bituing di-masungkit-sungkit.
Iisa ang diwang kanilang pinapanday
iisa ang mithiing sa puso nila'y bumubukal
iisa rin ang himig na kanilang hinihiyaw:
kami'y palayain o bayan kong minamahal.
A, oo nga pala
bilanggo sila ng sariling bayan, may piring ang mata
may busal ang bibig, may gapos-tanikala
Sila'y mga buhay ngunit di-humihinga
sila ang larawan ng masang hinahamak, lumuluha,
nagdurusa.
Sa bawat panahon, sa bawat kasaysayan, sa bawat
henerasyon
may palawakan ng isip, may palitan ng paniniwala
may tagisan ng matuwid,
maging ito'y magbunga ng tuwa, ng lungkot, ng
galit.
Sila-sila'y nagtatagpo, kayu-kayo'y nagpapangkat
tayu-tayo'y nag-iisip, nagsusuri, bumabalangkas.
Isang diwa ang nagpasya, isang wika ang ginamit
wikang Filipino! Wikang maka-Diyos, makabayan,
makatao.
wikang naglalagos sa isipang makabansa
wikang nanunuot sa damdaming makalupa.
At,
paisa-isang dila, parami-raming labi, sama-samang
tinig
bumubulong, sumasatsat, humihiyaw, nagngangalit