You are on page 1of 1

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

I.

Paksa: Kahulugan, Katangian, Kahalagahan at Mga Teorya ng Wika


A. Kahulugan ng Wika
Ang wika ang pangunahin at pinakakumplikadong anyo ng simbolikong
gawaing pantao. (Archibald Hill)
Ang wika ay isang sistematikong balangkas ng sinasalitang tunog na pinili
at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong may isang
kultura. (Henry Gleason)
Ag wika ang tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang anuang
minimithi o pangangailangan ng tao. (Paz, et al., 2003)
Wika ang siyang tagapagpahayag ng mga ideya, sakali mang hindi
mapangalagaan ang identidad nito, tiyak na mawawalan din ng saysay ang
ideyang nakapaloob dito. (Noah Webster)
Ang wika ay daan o komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa isang bansa
at kapwa bansa. (Webster)
Ang pasulat na anyo ng wika ay isa lamang sekundaryong representasyon.
(Fries)
May magkakatulad na katangiang linggwistik ang lahat ng mga wika.
(Chomsky, 1957)
Ang wika katulad ng mundo ay may mitologi ng pagkakalika. (W.F
Ballon)
B. Panlahat na Katangian ng Wika
Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay isang sistematikong balangkas ng
sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong may isang kultura.
o Ang wika ay arbitaryo- bawat bansang may sariling wika ay may
napagkasunduang sistema ng paggamit ng wika- paano ito
bibigkasin, ilang titik ang bubuuin ng alfabeto, at ang sistema ng
panghihiram ng wika.
o Ang wika ay isang sistematikong balangkas- May apat na
balangkas kung paano tayo nakakabuo ng wika. Ponema- ang
pinakamaliit na yunit ng tunog o palatunugan, Morpema- ang
pagkakabuo ng titik, Sintaksis- ang paggamit ng tunog at titik sa
pagbuo ng pangungusap, Semantiks- ang kahulugan ng nabuong
pangungusap at Diskurso- ang paggamit nito sa pagpapahayag ng
ideya o pakikipagkomunikasyon.
o Ang wika ay sinasalitang tunog-

You might also like