You are on page 1of 3

PAGGUNITA SA DALAWANG NATIONAL ARTIST

Posted by Online Balita on Apr 2nd, 2012


SA Angono, Rizal, ang kinikilalang Art Capital ng Pilipinas, isinilang ang dalawang lalaking natatangi
ang talino sa sining ng pagguhit at pagpipinta at sining ng musika. Sila ay sina CARLOS BOTONG
FRANCISCO at Maestro LUCIO D. SAN PEDRO -ang mga Pambansang Alagad ng Sining na sina. Ang
mga nagawa nilay nagtampok sa buhay, kasaysayan at tradisyon ng ating bayan. Sila ay mga henyo ng
musika at pagpipinta na malaki ang naimbag sa pagyabong ng pambansang sining at kultura.
Noong Sabado, Marso 31, magkasabaynaginunitaanganibersaryo ng kamatayan ng dalawang National
Artist ng Angono. Pinangunahan ni Mayor GERRY CALDERON at ng Tanggapan ng Turismo, Musika,
Sining at Kultura ang kanilang mga libingan sa Saint Clement Cemetery at Mountain of Eternal Peace.
Naging bahagi ng paggunita ang pag-aalay ng mga bulaklak sa libingan ng dalawang National Artist sa
pamumuno ni Mayor Gerry Calderon, mga miyembro ng Sanggunian Bayan, mga opisyal ng barangay,
mag-aaral at business establishment. Tinugtog ng Saint Clement Symphonic Band ang Himno ng Angono
na kinatha ni Maestro Lucio San Pedro. Sinundan ito ng pambungad na pananalita ni Councilor Janover
Tiamson, tagapangulo ng Komite sa Turismo, Musika, Sining at Kultura at ng sayaw at awit ng mga magaaral sa Carlos Botong Francisco National High School.
Sa mensahe ni Mayor GERRY CALDERON, para sa mga tagaAngono at mga taga-Rizal at ng mga
nagmamahal sa sining, isang karangalan ng Angono na nagkaroon ng dalawang National Artist sa isang
bayansina CARLOS BOTONG FRANCISCO at Maestro LUCIO SAN PEDRO. Sana, ang mga nagawa
nilay maging inspirasyon pagmamahal sa bayan ng kabataan at ng susunod na alagad ng sining. Gawing
positibo tulad ng pagmamahal sa kalikasan, kapaligiran at kapayapaan sa pamamahalang lokal,
nakaangkla ang art tourism
Nagpasalamat naman sina Gng. Cristy San Pedro Salita, anak ni Maestro Lucio San Pedro, at Carlos
Totong Francisco II, apo ni Botong Francico, sa pamahalaang bayan ng Angono at sa lahat ng mga
dumalo sa paggunita sa anibersaryo ng kamatayan ng kanilang mga kamag-anak na hindi nalilimot na
bigyan ng pagpapahalaga.

ANG PHILIPPINE ECONOMIC GROWTH FORECASTS


Posted by Online Balita on Sep 16th, 2013 /

ITINAAS ng financial analysts ang kanilang growth forecast para sa Pilipinas matapos ang mas maganda
kaysa inasahan na Gross Domestic Product (GDP) growth na 7.5% sa 2nd quarter ng 2013, naungusan
ang mga kalapit na bansa sa Southeast Asia, dahil sa pagbangon ng export, mas mataas na remittance, at
matalinong monetary policy.
Dalawang banyagang bansa na may operasyon sa Pilipinas ang HSBC ng London at Citigroup ng New
York ay itinaas ang kanilang growth projection para sa 2013 matapos ang 2nd quarters expansion. Ang
Pilipinas ay isa sa worlds bright economic post, sinabi ng HSBC, sa pagtataas ng kanyang 2013 GDP
forecast sa 7.1% mula sa 6.4%. Itinaas naman ng Citi ang kanyang 2013 GDP forecast sa 7.3% mula sa
7%, natatanaw ang paglago sa 2014 sa 6.9%.
Sinabi ng New York Times na ang Pilipinas ay isang economic bright spot sa Asia, tinukoy ang bata,
lumalagong populasyon at good governance bilang mga dahilan ng paglago. Binigyang diin nito na 61%
ng populasyon ng Pilipinas ay working age. Sinabi nitong ang ekonomiya ay pinalakas ng confidence
vote mula sa global ratings agencies, investors at financial institutions. Ang ekonomiya ng Pilipinas ay
inaasahang lalago ng mahigit 7% ngayong taon, sinabi ng GlobalSource Partners ng New York City.
Ang Bank of the Philippine Islands (BPI) na pinamumunuan ng Ayala ay tinayang ang paglago ng GDP
ay papalo sa 7.2% ngayong taon, mas mataas kaysa nauna nitong forecast na 6-6.5%. Pinanatili naman ng
Metrobank Research ang kanyang forecast na 7% full year growth sa taong 2013, nakikita ang expansion
sa investment spending at manufacturing.
Ang Manila Bulletin sa pangunguna ni Chairman of the Board Dr. Emilio T. Yap, President and Publisher
Atty. Hermogenes P. Pobre, Executive Vice President Dr. Emilio C. Yap III, Editorin-Chief Dr. Cris J.
Icban Jr., Business Editor Loreto D. Cabaes, iba pang opisyal at kawanihan, ay binabati ang mga kasapi
ng economic team ng Administrasyon sina Department of Finance Secretary Cesar V. Purisima, Bangko
Sentral ng Pilipinas Amando M. Tetangco Jr., Department of Budget and Management Secretary
Florencio B. Abad, National Economic and Development Authority Director-General Arsenio M.
Balisacan at Department of Trade and Industry Secretary Gregory L. Domingo, at hangad namin ang
pinakamabuti at tagumpay sa lahat ng kanilang mga pagsisikap. CONGRATULATIONS AT MABUHAY!

Walang Methane sa Mars?


(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN Ni Ramon M. Bernardo (Pang-Masa) | Updated September
22, 2013 - 12:00am

Walang natagpuang Methane sa Mars ang robotic spacecract ng National Aeronautics Space
Administration na Curiosity na nagsasaliksik sa naturang planeta mula pa noong Agosto 2012, ayon sa
kumalat na ulat nitong linggong ito.
Sinasabing nalusaw rito ang isang pag-asa na merong nabubuhay na organism sa Mars dahil na rin sa mga
hibla ng Methane na nasilip ng mga telescope mula sa Daigdig at ng mga Orbiter ng Nasa sa atmospera
ng pulang planeta.
Ang Methane na lubhang sagana sa Daigdig ay sinasabing isang palatandaan ng buhay sa isang planeta
kaya inaasahan sana ng mga scientist na maraming matatagpuang methane kapag nakarating sa Mars ang
Curiosity pero hindi ito ang nangyari.
Isa ito sa kahirapan o problema na umaasa lang sa mga computer, robot, telescope, litrato at iba pang
makabagong aparato ang mga dalubhasa sa astronomiya sa pananaliksik at pag-aaral sa kalawakan o sa
ibang mga planeta. Iba pa rin talaga na merong tao na aktuwal na makapunta sa Mars para matiyak na
puwedeng mabuhay dito ang sino man o kung merong nabubuhay na nilalang dito. Pero hindi nga
madaling gawin ito kaya nga kadalasang mga robotic spacecraft na lang muna ang ipinapadala roon.
Ano ngayon ang magiging sitwasyon ng mga tao na kinakalap at sinasanay ng ilang pribadong
organisasyon o kumpanya sa ibang mauunlad na bansa? Sila ang ipapadala at magtatayo ng unang
kolonya ng tao sa Mars. Wala na nga itong balikan. Permanente na sila roon at iyon ay kung makakatagal
sila sa mahabang biyahe at matiwasay silang makakarating sa Mars. Kung totoo ang report na walang
methane sa Mars, nadagdagan ang implikasyon sa kakaharapin ng sino man na makakapunta roon. Pero,
ayon naman sa lead researcher na si Christopher Webster ng Jet Propulsion Laboratory ng NASA sa
Pasadena, California (USA), baka naman wala lang methane sa isang bahagi ng Mars na unang nilapagan
ng Curiosity. Magpapatuloy pa rin anya ang pananaliksik nito.

You might also like