You are on page 1of 4

Rex Angelo Marcial Jusayan

2014-81828

Filipino 25
Prof. Reuel Aguila

Ang Nakakatawang Si Juan


Wrong speling, wrong.
Napapikit ako sa nakakangilong tunog na bumalot sa buong silid habang isinusulat
ng aking guro ang mga katagang ito. Napaiyak naman sa kakatawa ang aking mga
kaklase matapos ang pagingit ng lumang pisara sanhi ng pagkiskis ng pudpod na chalk.
Hindi ko alam kung bakit sila tumatawa gayong hindi naman nakakatawa na may
pagsusulit sa pinaka-ayaw naming asignatura, ang Araling Panlipunan. Nalaman ko na
lang ang dahilan nang idilat ko ang aking mga mata at makita kung ano ba ang nakasulat
sa pisara.
Hindi ba dapat spelling at hindi speling? Hinayaan ko na lang, baka naman kasi
sabaw lang ang aking guro sapagkat alam kong marami siyang kailangang gawin lalo
pat papalapit na ang Agosto noon, papalapit na ang Buwan ng Wika. Ang mga Practice
Teacher (mga estudyante sa kolehiyo) kasi ang inaatasang magasikaso sa mga
pagdiriwang sa paaralan ko noong elementarya.
Ay, sorry class. Nagkamali ang chalk. Double e pala. paumanhin ng aming guro
sabay tawanan naman ulit ng iba kong mga kaklase.
Hindi ko alam kung bakit ganoon sila makapanglait. Oo, may mga kaklase akong
spoken-in-dollars talaga. Ngunit kung tutuusin, ang karamihan sa kanilay hindi rin naman
gaanong bihasa sa Ingles at napipilitan lang ding magsalita sa wikang ito. Palibhasay
may multang isang piso sa tuwing may lalabas na salitang Filipino mula sa aming bibig.
Bukod pa rooy sino ba ang hindi mapipilitang mag-Ingles gayong kahit saang kanto man
ng aming paaralan ay may nakapaskil na This is an English-Speaking Zone na para
bang multong umaali-aligid at naninindak. Kung kaya halmbaway may napauotot, imbes
na Hindi ako yun! ang sabihin, ay excuse me na lang at baka, bukod sa makabayad

pa sila ng piso, ay mas lalo pa silang pagtawanan kapag nagkabalubaluktot pa ang


Ingles.
Bakit ba para kay Juan ay nakakatawa ang mga taong mali-mali ang Ingles gayong
kung tutuusin, mas nakakatawa yaong hindi marunong magsalita sa Filipino? Bakit ba
humahakot ng milyong likes sa Youtube ang nakakatawang mga sagot ng mga
kandidata sa pageants tulad nina Nikko Santos (sa Ms. Fitrum ng Wowowee) at Janina
San Miguel (sa Bb. Pilipinas 2008)? Bakit ba naging sikat na komedyante si Jimmy
Santos gayong ang ginagamit lang naman niya sa pagpapatawa ay ang kanyang
pagkabano sa Ingles?
Simple lang - dahil nakakatawa lang talaga. Nakakatawa para kay Juan ang mga
mangmang. Palibhasay isa sa mga nangungunang English-speaking country kuno ang
Pilipinas at nakakahiya naman na kung pati sa natatanging bagay na ito, na sinasabing
siya ay mahusay raw (bukod sa panlalait), ay mapag-alamang siya pala ay bobo rin
naman. Kung kayay kapag may nagkakamali sa pagi-Ingles ay kanyang pinagtatawanan
sa pagnanais na ipakita na alam niya ang wastong pagbaybay, ang tamang gramatika o
kayay ang tamang pagbigkas sa mga salita.
Tuwing sasapit lang ang Agosto nawawala ang ganitong mentalidad. Tuwing
Agosto, kung kailan ang mga nakapaskil na This is an English-Speaking Zone ay
napapalitan ng mga maalikabok na tarpaulin na may nakasulat na Mabuhay ang Ating
Wikang Pambansa! Mabuhay ang Wikang Filipino!. Tuwing Agosto, kung kailan ang mga
Ingliserot Inglisera ay naghuhubad ng malansang hasang at nagsusuot ng Barong
Tagalog o Filipiniana at nagpapaligsahan pa sa balagtasan o kayay sa deklamasyon
hinggil sa kagandahan at kahalagahan kuno ng ating Wikang Pambansa. Tuwing Agosto
kung kaialan walang nakakatawa, pagkat ang lahat ay pare-pareho nang tanga.
Tanga hindi dahil baluktot ang Ingles kundi tanga sapagkat Filipino lang ang
lumalabas mula sa bunganga. Oo, hindi pa nakuntento si Juan. Bukod sa pagsamba sa
wikang Ingles na umaabot pa minsan sa pangiinsulto sa mga hindi marunong nito, ay
nilalait pa niya ang kanyang sariling wika. Ayon nga kay James Soriano, isang huwarang

Juan dela Cruz, ang Filipino raw ay the language we used to speak to the people who
washed our dishes", not the language of learning, not the language of the classroom
and the laboratory, not the language of the privilege. Talaga namang nakakakulo ng
hematologic fluid at nakakainit ng cerebral hemispheres ang ganitong pag-iisip.
Pinpalabas na ang wikang Filipino ay wika ng mga mangmang o walang pinag-aralan at
ang wikang Ingles naman ang wika ng mga matatalino at nakaaangat sa buhay.
Tanong pa nga ni Marian Rivera noong minsay laitin siya ng netizens nang sabihin
niyang siya daw ay isang Psychology: Kapag hindi magaling mag-English, bobo na?
Nakakatawa at ganito nga magisip si Juan. Eh wala namang pag-aaral na
nagsasabing nakakahasa ng pag-iisip ang Ingles at wala pa rin ni isang siyentistang
nakapagpatunay na nakababawas ng brain cells ang pagsasalita sa Filipino. Dahil kung
gayon, dapat ay si Brad Pitt ang nakaimbento sa mahigit sa tatlumpung aparato sa
eroplano at hindi si Gregorio Zara; dapat ay si Justin Bieber ang nakagawa ng Sing-Along
System o Karaoke at hindi si Roberto Del Rosario; at dapat ay si Donald Trump ang
nakabuo ng imbudo ng fluorescent light tube at hindi si Agapito Flores.
Gayumpaman, pilit pa ring nilalait ni Juan ang wikang mayroon siya (maliban na
lang tuwing buwan ng Wika). Pilit niyang ipinamumukha sa kanyang kapwa na ito ay
wikang pang-kalye lang. Pagkat sabi pa nga rin ng iba, paano bang magiging wika ito ng
intelihenteng tao gayong hindi naman ito magamit-gamit sa pagtuturo? Argumento nilay
paano daw ba masasalin sa Filipino ang mga tanong sa Agham o Matematika gaya na
lamang ng What is the square root of 9? Ano ang parisukat ugat ng siyam ba? Kung
gayoy mauuwi nanaman daw ito sa katatawanan. Ayon sa aking nabasay katulad lang
daw ito sa pagpupumilit nating gamitin ang salumpuwit para sa chair at salung-suso
naman sa bra. Ano pa raw kaya ang magiging katumbas sa Filipino ng panty at brief?
Salung-titi? Salung-puki?
Para kay Juan, talaga ngang nakakatawa ang Wikang Filipino. Palibhasay chore
lang naman ito at tanging ang mga drayber ng dyip, mga katulong, mga labandera, at
mga palengkera lang naman ang gumagamit nito. Kung gayon, maaring isipin na kaya

ginawang buwanan at hindi lingguhan ang selebrasyon sa wikang pambansa, ayon sa


proklamasyon ni Pangulong Fidel Ramos, ay dahil gusto nating mapahaba-haba ang
ating pagiging tanga, ang ating pagiging katawa-tawa.
Sa sumunod na araw ng pagkikita namin ng aming guro ay may dala siyang mga
ribbon para sa mga lalahok at mananalo sa mga patimpalak sa Buwan ng Wika.
Maam, how do you spell ribbon, double o or double n? Nangaasar na
itinanong ng isa kong Ingliserang kaklase. Nagsitawanan ang iba ko pang mga kaklase
ngunit hindi na lang iyon pinansin ng aming guro.
Nakakapagpabagabag
Napapikit muli ako sa nakakangilong tunog na bumalot sa buong silid habang
isinusulat ng aking guro ang mga katagang ito. Napaimik naman at napalunok ang iba
kong mga kaklase matapos ang pagingit ng lumang pisara sanhi ng pagkiskis ng pudpod
na chalk.
Kung sino man ang makakabasa nito ng tatlong beses at hindi magkakamali ay
siyang isasali ko sa patimpalak sa Buwan ng Wika at maaring makapag-uwi ng R-I-B-BO-N
Sapagkat walang nangahas sumubok ay tinawag niya yaong Inglisera kong
kaklaseng nagmaliit sa kanya.
Nakakapag Nakapagkabag Naka bag
Hay naku! Talaga ngang nakakatawa itong si Juan.

You might also like