You are on page 1of 1

Margaret Antonio

Beatrice Rivera
WIKAKUL

1. Pareho kaming hindi naniniwala sa konseptong "Aswang" dahil hindi pa namin


nararanasan o' nakikita ang sinasabing "Aswang" na ito. Higit pa doon, ang konsepto na
ito ay wala pang konkretong ebidensya na ipinapakita. At tsaka, pagnaniwala kami sa
mga Aswang, baka maging biktima lang kami ng kasamaan at katakutan na idinadala
nito
2. Ang salitang aswang ay galing sa kombinasyon ng "Asin" at "Bawang". Kinuhkuha ang
'AS" at "ANG" sa dalawang salita at pinagsama. Higit pa doon, ang konseptong aswang
ay galing sa istorya mula sa probinsyang Bicol. Ang istorya nito ay tungkol sa dalawang
diyos na si "Gurang" at si "Aswang". Si Gurang ay namamahala ng kaarawan at si
Aswang ay namamahala ng kadiliman. Pinagawayan ng dalawang diyos ang isla ng
Panay. Dahil ang isla ng Panay ang kinaroroonan ng istorya, ang mga aswang daw ay
sinasabing nakatira sa isla ng Panay.
3. Ang konsepto ng aswang ay naging malaking impluwensya sa lipunan dahil sa takot na

idinadala nito. Dahil sa ideya ng aswang, nagkaroon na ng kulturang alternatibong


medisina kesa sa pagpapagamot sa mga ospital. Ang base ng gawain na ito ay dahil
naniniwala ang mga Pilipino na dahil sa mga masamang espiritu at sa mga aswang, na
nagkakasakit sila, at ang gamot ay mga tinatawag na "babaylan". Higit pa doon, ang mga
aswang na ito ay nagdala ng mga paniniwala sa mga superstisyon. Sa mga ibang Pilipino,
ginagawang gabay ang mga superstisyon sa pagkabuhay.

You might also like