You are on page 1of 3

Paano nag-uugnay ang wika, kultura at lipunan ayon sa Marxistang Pananaw?

Sinasalamin ng wika ang kultura, at naipapahayag ang kultura sa pamamagitan ng wika.


Ang wika ng anumang lipunan, sapagkat malayang naiimpluwensyahan ng ibang wika at kultura
ay patuloy na umuunlad at nagbabago. Gayundin naman, walang kulturang puro kung kaya’t
mamalas sa wika ang mga pagbabago. Sa patuloy na pagsusulat sa kasaysayan ng tao, ang
kanyang lipuna’y patuloy rin sa pagbabago--- kasabay ng kaniyang wika at kultura na siyang
nagbibigay-saysay sa pisikal niyang pag-iral.

Hindi maaaring paghiwa-hiwalayin ang tatlong konseptong kinakatawan ng wika, kultura


Kung susuriin ang lipunan ayon sa Marxistang Pananaw,
at lipunan.
makikitang ang kasaysayan ng anumang lipunan ay kasaysayan ng
tunggalian ng mga uri. Ibig sabihin, umiinog ang mga pangyayaring natatala sa
kasaysayan batay sa mga pangyayaring nagaganap sa pagitan ng mga uri sa lipunan. Ayon sa
pananaw ni Karl Marx, ang pagbabago ng kasaysayan at kaisipan ng tao ay nakasalalay sa
mga kalagayan ng produksiyon na nasasalamin sa tunggalian ng mga uri sa lipunan. Ang
tinutukoy na tunggalian ng mga uri ay ang labanan ng kasalukuyan at hinaharap na
naghaharing uri. Ang produksiyon, na siyang nagbibigay ng mga materyal na pangangailangan
ng tao, ang pangunahing elemento ng ating kasalukuyang lipunan. Samakatuwid, ang uri ng
produksiyon ng mga pangangailangan ang batayan ng mga institusyon sa lipunan.

Malungkot mang aminin, patuloy na nananalasa ang konseptong isiniwalat noon ni Karl
Marx. Hindi ko kinakailangang maging dalubhasa sa kasaysayan upang makita ang malinaw na
hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan. Sa isang lipunang kapitalista1, diyos ang turing sa mga
nagmamay-ari ng makinarya ng produksiyon. Ang mga taong bumubuo sa isang kapitalistang
lipunan ay nahahati sa dalawang uri: ang mga burgis, o iyong mga taong hindi na
nangangailangang magtrabaho sapagkat mayroong na silang higit pa sa sapat na kayamanan
at mayroong mga taong nagtatrabaho para sa kanila ; at ang mga tinatatawag na proletaryo, o
iyong mga taong ang tanging kakayahan ay ang kanilang manwal na paggawa.

DIAGRAM 1. ANG TRIYANGULO NI KARL MARX

1
Ang lipunang kapitalista, ayon sa pananaw na diyalektika (pagsusuri ng kasaysayan batay sa mga pangyayari sa
lipunan) ni Karl Marx, ay ang antas ng lipunang ating kinabibilangan sa ngayon. Tinatawag itong kapitalista sapagkat
naka-sentro sa produksyon ang klasipikasyon ng uri ng mga tao.
1 |CAPELLAN, FRANCES LEANA L. / FIL 40 / UP- DILIMAN /
SUMMER0708
Paano nag-uugnay ang wika, kultura at lipunan ayon sa Marxistang Pananaw?

Mula sa popular na triyanggulo ni Marx, makikita ang pagkakahati ng mga tao sa


lipunan. Nasa base ng triyanggulo ang mga proletaryo sapagkat higit silang nakakarami at nasa
tuktok naman ang mga burgis na kakaunti sa populasyon. Maaari ring suriin ang triyanggulo sa
paraang simbolikal. Nasa itaas ang mga burgis sapagkat sila ang itinuturing na ‘nakatataas’ sa
lipunan. Sa gitna nila ay ang mga tinatawag na petit-bourgeoise, ang mga taong mayroong
sapat na ari-arian at/o kayamanan upang maipaikot ang sirkulasyon ng kanilang pera subalit
kinakailangan pa ring magtrabaho upang mapanatili ang kanilang kalagayan. Halimbawa, ang
isang dentista, bagaman mayroong mga ‘tauhan’ ay kinakailangang manatiling nagtatrabaho
kung hindi ay mawawalan siya ng pera na kailangan niya upang mabuhay ng maluwag.

Sa pagtingin sa ugnayan ng wika, kultura at lipunan sa pananaw na marxista, makikita


na magkakadugtong ang tatlo:

L
WIKA I P U N A KULTUR
N
A

DIAGRAM 2. ANG UGNAYAN NG WIKA AT KULTURA NA PUMAPALOOB SA LIPUNAN

Ang iba’t ibang uri ng mga tao ay umiiral sa lipunan. Samakatuwid, ang mga tao (na
Malinaw na ang
bumubuo sa lipunan) ang gumagawa ng kanilang sariling wika at kultura.
tunggalian ng mga uri sa lipunan ay pinapaigting ng wika,
nararamdaman at nasasalamin sa kultura at muli, patuloy na
bininigyang-saysay ng lipunan.
Ang lipunan, bilang isang lugar (pisikal man o konseptuwal) na kung saan ginagamit ang
wika at nagtataglay ng kultura, ay binubuo ng iba’t ibang uri ng mga tao. Nagsisilbing ‘arena’
ang lipunan.

Sa loob ng isang lipunan ay nabibigyang-saysay ang mga tunggalian. Tingnan


halimbawa sa Pilipinas, ang mga ‘burgis’ ay nanatiling ‘burgis’2 at kapansin-pansin ang patuloy
na paglaki ng espasyong pagitan sa gitna ng mayayaman at mahihirap. Tendensiya ng mga
‘nakakataas’ na ipadama ang kanilang pag-iral at ipamalas ang kanilang katayuan sa lipunan.
Sa pamamagitan ng kagustuhang maipakita ang ‘kataasan’ ng antas, binubuo ng mga taong ito
ang isang kulturang ‘nakatataas’ at gumagamit sila ng wikang magpapamalas nito.

2
Ang mga taong itinuturing kong burgis sa lipunang Pilipino ay iyong mga tinatawag nating ‘likas na mayayaman’.
(i.e. business tycoons, philippines’ richest)
2 |CAPELLAN, FRANCES LEANA L. / FIL 40 / UP- DILIMAN /
SUMMER0708
Paano nag-uugnay ang wika, kultura at lipunan ayon sa Marxistang Pananaw?

Hindi lamang ekslusibo sa ekonomikal na pagkakahati ng lipunan ang klasipikasyon ng


mga tao. Maaari ring sabihing bukod sa ekonomikal na klasipikasyon, mayroon din tayong
konsepto ng ‘imahe’ na siyang nagbibigay ng kapangyarihan sa ibang tao na matahin ang ibang
grupo. Isang mahusay na halimbawa ang mga pagkakaroon ng ‘stereotyping’ o ang
pagkakaroon ng ‘tatak’ ng wika at kultura ng isang tao na siyang nagbibigay depinisyon ng
kanyang katayuan sa lipunan. Kung ang ideya mo ng bakasyon ay ang mangibang-bansa, at
ang konsepto mo sa ipod, laptop, at iba pang techie stuffs ay pangangailangan, o kaya’y hindi
ka kumakain sa mga karinderya sa kanto—malinaw na iba ang katayuan mo sa lipunan
kumpara sa mga iskwater na walang permanenteng tahanan sa siyudad at umaasa lamang sa
panaka-nakang trabaho.

Sa huli, mayroong kakayahan ang wika na paigtingin ang tunggalian ng mga uri sa
lipunan. Idinidikta ng kultura at ng lipunan ang pagkakahati-hati ng mga uri, at
masasalamin ito paraan ng paggamit ng wika. Mapa-wika o kultura man, ang
tunggalian ng mga uri ay malinaw na umiiral sa lipunan. Makapangyarihang
instrumento ang wika at kultura sa pagpapalaganap ng diskriminasyon.

Sa isang ideyal na lipunang pinapangarap ng mga sumusunod kay Marx3, ang lipunan
ay nararapat mawalan ng kapintasan. Sa kanilang pananaw, nararapat na makita sa isang
lipunan ang lubos na pagbibigayan na walang anumang bahid ng makasariling mithiin. Sa
lipunang ito, walang pagsasamantala at paninikil kung kaya’t mawawala rin ang tunggalian ng
sa katotohanan, habang nananatili ang paggamit sa wika
mga uri. Subalit
at kultura upang iparamdam ang katayuan sa lipunan, at habang
patuloy na pinapatakbo ang lipunan ng mga naghaharing-uri na
walang konsepto ng pagkakapantay-pantay, mahihirapan ang mga
nasa ibaba ng triyanggulo na gawing kwadrado ang hugis ng lipunan.

3
Ang lipunang komunista, isang lipunang walang kapintasan, ang siyang tinutukoy na ideyal na lipunan ni Karl Marx.
Sa isang lipunang komunista ay makikita ang kapatiran ng sangkatauhan. Susundin nito ang prinsipyong “mula sa
isa ayon sa kanyang kakayahan, para sa isa ayon sa kaniyang pangangailangan.”
3 |CAPELLAN, FRANCES LEANA L. / FIL 40 / UP- DILIMAN /
SUMMER0708

You might also like