You are on page 1of 25

Ms.

MEDEN F, FADRIQUELA
SPA - NEU High School Department
New Era, Quezon City

Pagwawasto ng Sipi at Pag-uulo ng Balita

Ito ay gawain ng isang


espesyalistang editor upang lalong
mapabuti at mapaganda ang istorya
at maging karapat-dapat na
magkaroon ng ispasyo sa
pahayagan.

MGA GAWAIN NG EDITOR SA


PAGWAWASTO NG SIPI:
1. Tiyaking tumpak ang mga datos sa
artikulo.
2. May wastong gramatika at
pagbabaybay ng mga salita ang
artikulo o akdang ililimbag.
3. Magwasto ng kaayusan ng mga
datos batay sa kahalagahan nito.

4. Tinitiyak nito kung mabisa ang


pamatnubay na ginagamit sa akda.
5. Pumutol o magkaltas ng di
mahahalagang datos.
6. Mag-alis ng mga salitang nagsasaad
ng opinyon kung ang
winawasto ay balita.

7. Magpalit ng mga salitang mahirap


maunawaan ng karamihang
mambabasa.
8. Mag-alis ng mga salitang walang
kabuluhan tulad ng bangkay na at
di humihinga, hawak ng kamay,
pasan sa balikat at iba pa.

9. Sinusunod nito ang istilo ng


pahayagan.

10. Tinitiyak nitong malaya sa


anumang libelong pamamahayag
ang akda.
11. Tinitingnan nitong ang
akda ay may mabisang
istilo at ulo.

12. Sumusulat ng ulo ng balita at


nagpapasya sa tipograpiya nito.
13. Magbigay ng tagubilin sa
tagapaglimbag ukol sa laki at
tipong gagamitin, kolum at bilang
ng ems.

Malaki ang papel na ginagampanan


ng isang tagapagwasto ng sipi sa
produksyon ng pahayagan.
Ang pagwawasto ng kamalian,
mapa-gramatika man o mapa datos
ay sa kaniya iniaatang. Siya ang
pinakahuling kasapi ng patnugutan
na kikilatis sa isang akda
bago ito iimprinta.

1. Lagdaan ang kopya sa dulong


kaliwa ng papel.
2. Basahin ang kabuuan ng istorya.

3. Kunin ang pangkalahatang


nilalaman nito.

4. Basahing muli ang istorya at


kunin ang pampamatnubay na
talata.
5. Iwasto ang kamalian sa gramar

6. Tiyakin ang kawastuhan ng datos


o pangyayari at alamin kung ang
istorya ay naglalaman ng lahat ng
mahahalagang impormasyon.

7. Tiyaking malaya ang akda sa


anumang bayas at libelong
pamamahayag.
8. Gumawa ng malinis na kopya.
9. Basahing muli ang istorya at
at tiyaking lahat ng
pagwawasto
ay nailapat.

10. Tiyaking ang haba ng artikulo ay


nagkakasya sa nakalaang
ispasyo.
11. Sumulat ng ulo ng balita.
12. Lagyan ng panuto para
sa tagaimprenta.

PANUNTUNAN SA ACRONYM
Ang acronym ay salitang binuo mula sa
mga unang titik o pantig ng ibang mga
salita. Narito ang mga dapat tandaan sa
acronym:

Kapag ang acronym ay binubuo


lamang ng dalawa hanggang
apat na titik, lahat ay isusulat sa
malaking titik tulad ng WHO
para sa World Health
Organization at
MILF para sa Moro Islamic
Liberation Front.

Sa acronym na mahigit sa apat na titik,


unang titik lamang nito ang isusulat sa
malaking titik tulad ng Asean para
sa Association of Southeast Asian
Nations at Unicef para sa United
Nations International Childrens
Emergency Fund.

Kung pantigan ang ginagawang


pagbubuo ng acronym, unang titik
lamang ng pantig ang nasa malaking
titik tulad ng DepEd para sa
Department of Education, at
GenSan para sa General Santos.

PAGBILANG NG YUNIT
Ang pampaaralang pahayagang
tabloid na may sukat na 12 x 8
ay nagtataglay ng limang kolum
na ang bawat sukat 12 ems o
dalawang pulagda. Bawat laki ng
istilo ng tipo ay may tiyak na
bilang para sa espasyong
paglalagyan.

Kung ang sistema ng pagsulat ng


ulo ng balita ay binubuo ng
malalaki at maliliit
na titik, ito ang mga katumbas na
yunit ng mga sumusunod:

Lahat ng maliliit na titik ( maliban sa j, I, l,


t, f, at m, w ) ------------------------1 yunit
maliliit na titik na j, I, l, t, f --------1/2 yunit
m at w --------------------------------1 yunit
lahat ng malalaking titik
( maliban sa J I L T F M W )--------1 yunit
J I L T F---------------------------------1 yunit
M W ------------------------------------ 2 yunit
lahat ng bantas (maliban sa gatlang,
tandang pananong,simbolo ng piso,
dolyar at bahagdan --------------1/2 yunit

gatlang, tandang pananong, simbolo ng


piso, dolyar at bahagdan --------1 yunit
lahat ng tambilang mula 0 hanggang 9
(maliban sa 1) --------------------------1 yunit
tambilang na 1 ------------------------ yunit
lahat ng ispasyo -----------------------1 yunit

PAMAMARAAN SA PAGSULAT
NG ULO
Pagkatapos makabuo ng ideya para
sa ulo ng balita, ang kasunod na
hakbang na gagawin ng editor ng
kopya ay kung paano ito
pagkakasyahin sa nakalaang ispasyo
sa pahina.

Upang

maisagawa ito, kailangan


niyang magbigay ng tagubilin sa
tagapag-anyo kung anong tipo ng
pagkasulat ang ilalapat sa teksto at
kung paano ito isasaayos sa
pahina.
Halimbawa:

3 20 TNRB
===========

Ang unang bilang na 3 ay para


sa ulo ng balita na pagkakasyahain
sa tatlong kolumn sa pahina. Ang
bilang na 20 Ay laki ng tipo ng
titik na gagamitin. Ang TNR
naman ay para sa sa Times New
Roman, ang tipo ng titik na
gagamitin at ang B ay
nangangahulugang bold
o maitim na tipo ng titik.

Ang dalawang linya sa ibaba ay


tumutukoy sa bilang ng dek o
linya ng ulo ng balita. Kung
lalagyan ng kiker o panimulang ulo
ang balita, lalagyan lamang ng bar
pagkatapos ng B at ilagay ang
salitang kiker tulad nito:
Halimbawa

3 20 TNRB/Kiker
===============

You might also like