You are on page 1of 1

Talumpati tungkol sa Kahirapan: ANG PATULOY NA PAGLAGANAP NG KAHIRAPAN SA BANSA

Bakit nga ba laganap ang kahirapan sa ating bansa? Bakit marami ang dumaranas ng
isang mahirap at salat na pamumuhay? Masasabi bang isang maunlad na bansa ang pilipinas?
Sa iyong palagay tayo ba ay nasa isang maunlad at hindi kapos na antas ng pamumuhay?
Marami tayong pangangailangan na hindi masolusyunan ng gobyerno. Narito ang ilang kaisipan
na maaring makatulong sa atin upang lutasin ang ating mga suliranin.
Tayong mga Pilipino ay nahaharap ngayon sa isang matinding krisis. Namumuhay tayo
ng salat sa mga pangunahing pangangailangan upang tayo ay mamuhay ng matiwasay. Taon-
taon ay lumalala ang problema ng ating bansa na hindi masolusyunan dala ng kahirapan. Isa sa
pangunahing dahilan nito ay ang mga korap na opisyal ng gobyerno. Ninanakaw nila ang kaban
o pondo ng ating bansa na para sana sa ikauunlad ng mamamayang Pilipino, ngunit napupunta
lamang sa sariling bulsa ng mga opisyales, kung kaya naman mas ramdam natin ang krisis. Isa
pang dahilan ay ang kawalan ng mapapasukang trabaho. Sabayan pa ito ng sunod-sunod na
pagtaas ng presyo ng bilihin. Paano tayo makararanas ng isang matiwasay na pamumuhay kung
ang mga pangunahing pangangailangan pa nga lang ay hindi na natin kayang tustusan? Isa pang
dahilang ng kahirapan ay ang katamaran at maling pag-uugali nating mga Pilipino. Ang
katamaran ang nagunguna sa mga dahilan ng paghihirap ng mga tao. Wala silang tyaga na
maghanap ng mga posibleng paraan kung paano nila iaangat ang buhay nila sa kahirapan na
kanilang tinatamasa. Ang mga oportunidad ay nababalewala dahil ang mga tao ay
nakukuntento na sa salat nilang pamumuhay. Mamarapatin pa ba natin ang mamuhay ng salat?
Bakit nga ba hindi tayo makaahon sa kahirapan? Kailan pa tayo kikilos upang magbago ang
takbo ng ating buhay?
Ang mga nasabing halimbawa ay ilan lamang sa mga kaisipan na maaari kong ibahagi sa
inyo. Ilan lang ang mga ito sa mga pangunahing dahilan ng paglaganap ng kahirapan sa ating
bansa. Ano pa nga bang hinihintay natin? Ang patuloy pang lumala ang kahirapan na ating
natatamasa? Bakit hindi tayo kumilos? Magsikap tayo habang maaga upang umunlad ang ating
buhay!

You might also like