You are on page 1of 5

HULING PAGSUSULIT SA KASAYSAYAN 1023

SAGUTIN ANG MGA SS: KAILANGANG NAKA ENCODE.


1. ANO ANG DAMDAMIN NI J.RIZAL TUNGKOL SA REBOLUSYON?
Si Rizal ay hindi tumututol sa pagkakaroon ng rebolusyon tungo sa Espanya. Ang
gusto niya lamang ay magkaroon ng sapat na paghahanda ang mga Pilipino upang
mapagtagumpayan ito. Ayaw niya ng isang rebolusyong walang paghahanda dahil ito ay
magsasanhi sa pagkatalo ng mga Pilipino at magdadaan tungo sa madugong labanan at
maraming Pilipino ang magbubuwis pa ng buhay. Kahit para sa kanya ang rebolusyon ay
isang napakahalagang bagay, ayaw niya ng isang madugong rebolusyon kayat hindi niya
sinuportahan ang mga kilusan na ang layunin ay maghimagsik.
2. PAANO NIYA GINUGOL ANG BUHAY SA DAPITAN?
Ang buhay ni Jose sa Dapitan ay tahimik, payapa at kapakipakinabang. Nagtayo
siya ng sariling bahay na napapaligiran ng mga halamanan ng mga namumungang
punong kahoy sa may tabing dagat. Nagpagawa rin siya ng isang bahay para sa kanyang
mga mag-aaral na batang lalaki at nagpatayo ng pagamutan. Sa pangkalahatan, ang buong
panahon ni Rizal ay ginugol nya sa paggagamot; sa pag-aaral at pagpapaunlad ng
kanyang kaalaman sa sining panitikan, edukasyon wika at agham; sa pagsasaka, sa mga
gawaing nauukol sa kalakal; sa ilang proyektong sibiko; at sa pakikipaglihaman kina
Blumentritt, Joest, Rost, Meyer, Knuttel, Kheil at sa mga ibang siyentipiko sa Europa.
3. ALIN ANG LITERATURA O AKDA ANG PINAKAMALAPIT SA KATANGIAN NI
RIZAL?IPALIWANAG.
Para sa akin ang literatura na pinakamalapit sa kanyang katangian ni Rizal ay ang
kanyang dalawang nobela na Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Dito mo makikita
ang kanyang personalidad at ang kanyang ugalit mga paniniwala tungo sa bayan. Ang
lahat ng pakikitungo niya sa mga tao, magulang, kanyang iniibig at sa kanyang bayan ay
iyong mababasa.
4. ANO ANG KANYANG SALOOBIN AT KAISIPAN TUNGKOL SA MGA
SUMUSUNOD:
A. PAGKAKAMIT NG PAGBABAGO
Ang pagbabago ay nagsisimula sa ating mga sarili. Hindi mo mababago ang isang
malaking bagay kung ang mismong sarili mo ay hindi mo mabago. Ang pagbabago ay
nagsisimula sa ating mga sarili na siyang ating pinapalaganap sa ibang indibidwal.
Ginugugol ang pagbabago sa mahabang panahon kaya kinakailangan ito ng onting tiyaga
at pasensya.
B. PAGKAKAMIT NG KALAYAAN
Ang marahas na pamamaraan ay hindi solusyon sa pagkamit ng kalayaan. Hindi
kailangang may dumanak ang dugo o may magbuwis man ng buhay dahil masama
ito. Sa halip magkaroon ng maayos na usapan upang magkaayos. Kaya tulad ni Rizal,
siya ay nagsulat ng kanyang hinaing tungkol sa bayan upang mapalaya ang ating
bansa.

C. EDUKASYON
Ayon kay Rizal, ang edukasyon ay ang susi tungo sa pagkakaunlad ng isang
bayan. Dahil sa panahon nila, nakita niyang tayong mga Pilipino ay pinagkaitan na

edukasyon at limitado lang o kakaunti lamang ang mga taong nakakapag-aral sa mga
paaralan noon. Kaya kakaunti lamang ang nabibiyayaan ng edukasyon sa kanilang
panahon.
D. DAKILANG LAYUNIN
Ang dakilang layunin ni Rizal ay ang Pilipinas bilang isang malayang bansa,
hindi umaasa sa iba, may sariling pagkakakilanlan at marunong tumayo sa ating sariling
paa. Ang dakilang layunin nito ay hindi pa rin lubusan nakakamit ng mga Pilipino sa
pagkat hindi natin kayang ipaglaban kung anong mayroon tayo.
E. TUNGKULIN NG ANAK SA MAGULANG
Ang mga anak ay may tungkulin sa kanilang magulang. Tungkulin nilang
alagaan, irespeto sila dahil ito ag paraan upang masuklian natin ang kanilang mga
paghihirap upang tayo ay buhayin ng masagana. Dapat ipagmalaki natin ang ating mga
magulang ng walang pag-aalinlangan dahil sila ay nagpakahirap upang tayoy palakihin
at arugahin.
F. PAGMAMAHAL SA BAYAN
Bilang Pilipino, tungkulin ng bawat tao na pangalagaan at mahalin ang ating sariling
bayan. Ang pagmamahal sa ating bayan ang magdadaan tungo sa maayos na pamumuhay
ng bawat Pilipino at ito ang magdadaan upang hindi tayo mapaalipin sa mga banyagang
bansa na may masamang hangarin sa atin.
G. SA PAMAMAHALA SA BAYAN
Bilang taong namamahala sa bayan, dapat magkaroon ng pantay pantay ng pagtingin
sa mga taong kanyang nasasakupan, walang mayaman at mahirap. Dapat magkaroon ng
mga reporma upang umunlad ang bayang kanyang nasasakupan. Dapat gampanin nila
ang kanilang mga tungkulin at responsibilidad ng maayos ng walang pagaalinlangan.
5. ANO ANG KATANGIAN AT KAISIPAN NI RIZAL NA KAILANGAN/RELEVANT
SA KASALUKUYANG PANAHON? IPALIWANAG.
Ang mga katangian ni Rizal na kailangan sa panahon ngayon ay ang pagiging
makabayan at pagmamahal ng tao sa sarili nating bansa. Sa panahong ito, ang mga
Pilipino ay maraming bagay na tinatangkilik na hindi atin o tinuturing na banyaga. Tulad
sa mga pagbibili ng gamit, mas gusto nila ang mga bagay na imported o sikat na brand,
hindi na natin masyadong pinahahalagahan kung anong meron ang atin ngayon.
Pangalawa, ang pagkakaroon ng pagpapahalaga sa sarili at sa ibang tao. May mga taong
hindi marunong na gumalang sa mga matatanda, may mga taong hindi pinahahalagahan
ang kanilang sarili at nagiging mapusok na ngayon ang mga kabataan. Kaya ang mga
katangiang ito ang kailangan ng mga Pilipino upang magkaroon na maayos na
pamumuhay ang mga tao.

6. IPALIWANAG ANG MENSAHE NG MGA SUMUSUNOD:


A. LIHAM SA MGA KADALAGAHAN NG MALOLOS
Sa liham na ito, ipinahayag ni Rizal ang kanyang papuri at ang paggalang sa
katapangang ipinakita ng mga kababaihan sa pagsulong ng karapatan sa edukasyon.
Binigyang- diin ni Rizal ang tungkulin ng mga kababaihan bilang dalaga at asawa.

Pinayo din niya na mulatin ang mga anak sa pag- iingat at pagmamahal sa puri, pag- ibig
sa kapwa at sa bayan.
B. THROUGH EDUCATION THE COUNTRY RECEIVES LIGHT
Ang tulang ito ay nagsasaad ng kahalagahan ng edukasyon sa kaunlaran ng bayan.
Kung walang edukasyon, hindi pupunta tungo sa pagkakaunlad ang ating bayan. Kaya
dapat ang mga kabataang Pilipino ay dapat magsikap na makapag-aral dahil sila ang susi
tungo sa kaunlaran ng ating bayan.
C. ANG KATAMARAN NG MG PILIPINO
Ayon sa sanaysay ni Rizal , hindi lamang dahil sa klima ng ating bansa ang
dahilan ng katamaran ng mga Pilipino kundi dahil na rin sa kalagayang panlipunan at
pampulitika. Isa rito ang pagbibigay ng paniniwala sa atin ng mga kastila na ang
nagpapakababa ang pupunta sa langit kayat tanggalin ang pagiging marangya. Dahil na
rin sa lakas ng impluwensya ng mga Kura ay nagawang paniwalaan ang mga Pilipino
noon. Kayat maraming nagsasabi kung ang isang Pilipino ay tamad ay sinasabihang
tila ka Kastila. Kaya mahihinaho natin na ang pagiging tamad ng Pilipino ay hindi
namamana kundi pinagkakatandaan lamang.
D. ANG PILIPINAS SA LOOB NG 100 TAON
Sa sanaysay na ito nakalagay ang lahat ng mga hula at kuro- kuro ni Rizal tungkol
sa pulitika at pangyayari sa pagsasamahan ng Espanya at Pilipinas na naganap at
nagkatotoo. Una, ang hula niyang magkakaroon ng rebolusyon tungo sa kalayaan sa
Espanya. Ang pagtatag ng republika ng Pilipinas at ang paghihiwalay ng bansang Tsina
kung hindi magkakaroon ng pagkakasundo. Isa rin ang hulang niya na ang pagsakop ng
mga Amerikano sa mga bansang nasa Pasipiko. Ang ang huli ay ang pagtangkang
pagsakop ng mga Hapon sa Asya na ikinabigo nila.
E. ISANG ALAALA NG AKING BAYAN
Ang tulang ito ay nauukol sa kanyang pag- ibig at pag-aalala sa kanyang bayan.
Inilalarawan niya ang Pilipinas ay isang magandang lugar upang tirhan. Ipinaalalahanan
niya din sa tulang ito na bantayan at alagaan ang ating sariling bayan dahil ito ay sariling
atin at upang itoy umunlad.
7.

PUMILI NG ISANG SALAWIKAIN AT IPALIWANAG. IPALIWANAG ANG


KAUGNAYAN
SA
PANAHONG
KOLONYAL
AT
SA
PANAHONG
KASALUKUYAN.
Walang mang-aapi kung wala magpa-paapi. Sa panahon ng kolonyal makikita mong
inaalipin tayo ng mg Kastila at tayoy pinahihirapan pa. Sa pagdating ng araw ng
kalayaan, hindi natin masasabing Malaya na tayo, oo Malaya na tayo sa anyong pisikal
pero kung iisipin natin hindi pa tayo lubusang Malaya dahil hanggang ngayon ang bansa
natin ay tila isang anino sa isang malaking bansa. Hindi natin kayang tumayo sa sarili
natin paa kung walang suporta nila.

8. ANO ANG MGA PINAHAHALAGAHAN NI RIZAL BILANG PILIPINO? TAMA


BA ANG KANYANG MGA PINAHAHALAGAHAN?(SET OF VALUES)
Bilang Pilipino, si Rizal ay may pinapahalagahan bilang isang mamamayang
Pilipino. Ang pagpapahalagang iyon ay ang paggalang sa sarili, pagmamahal sa gawa at

ang malayang kaisipan, pag- ibig sa Diyos, ang kahandaan sa pagpapakasakit at ang
matayog na pagtatangi sa siniting at panitikan. Para sa akin, ang mga pagpapahalagang
itong nasa katangian ni Rizal ay tama dahil iyan dapat ang mga bagay na mayroon ang
isang Pilipino, ang may paggalang sa sarili at sa kapwa at ang pagmamahal sa bayan.
9. ANO ANG MAHALAGANG PAPEL NI JOSE RIZAL SA KASAYSAYAN NG
BAYAN? ANG NAGING RELEVANCE NI RIZAL SA SARILI?
Si Rizal ang naging instrumento upang imulat ang mga mata ng mga Pilipinong
nagbubulag-bulagan sa kalagayan ng kanilang bayan. Siya ang naging daan upang
magsimulang magkaroon ng lakas ng loob upang ipaglaban ang dapat atin. Bilang
kabataang Pilipino si Rizal ang nagbibigay gabay sa amin kung paano naming
mapapatakbo ang ating sariling bayan tungo sa pagkakaunlad nito.
10. ANO ANG NILALAMAN NG MGA KARANIWANG LIKHANG-SINING NI
RIZAL? ANO ANG MGA KATANGIANG NAKAPALOOB SA KANYANG MGA
LIKHANG-SINING?
Ang karaniwang likhang sining ni Rizal ay ang mga taong malapit sa kanyang buhay.
Mayroon din na taong nakilala niya mula sa ibat ibang lugar at makikita mo kung gaano
naging malikhain si Rizal pagdating sa sining. Makikita mo sa kanyang sining ang mga nais
niyang ipahatid sa mga taong pinaghahandugan niya ng kanyang mga sining.

PARA SA PAGSISIKAP TUNGO SA KAHUSAYAN AT PAGKAKATUTO!


LAHAT AY PARA SA DIYOS!

You might also like