You are on page 1of 2

The Indolence of Filipinos by Jose Rizal (Student Edition for the Course on Jose Rizal by Diosdado G.

Capino) Paano nagiging angkop pa rin sa kasalukuyang panahon ang mga nailibimbag na ideya ni Rizal sa kanyang The Indolence of the Filipinos? Ang layunin ng tao ay ang makamit ang kaligayahan para sa kanyang sarili at para sa kanyang kapwa sa pamamagitan ng pagtahak sa daang patungo sa kaunlaran at perpeksyon. Lahat ng nagawang maybuhay ay may sariling puwersang umuudyak sa kanya para mabuhay. Para sa mga tao, ito ang kanyang respeto sa sarili. Hindi lamang kakayahan ang makikita sa mga tao, mayroon din kabutihan at kasamaan. Ang katungkulan ng bayan o ng gobyero ay ang pagsasatama sa mga kamalian. Ang gobyerno at tao ay magka-ugnay. Sana ang ating gobyerno ay maging tapat at namumuno sa pag-usad. INTRODUKSYON pinaka-importanteng pag-aaral na isinagawa ni Rizal tungkol sa bayan sa panahon ng mga Kastila (Capino) orihinal na inilimbag sa La Solidaridad, Madrid, Spain (July 15, 1890 September 15, 1890) inilimbag sa Maynila noong 1913 La Indolencia de los Filipinos Indolence- ang kawaln ng interes sa paggawa ng pang-araw-araw na gawain; katamaran Layunin: ipagtanggol ang mga Pilipino sa bintang ng katamaran Mayroon ba o wala? Philippine Progress by Doctor Sancianco o gumamit ng mga katibayan na nagmula sa mismong mga namumuno sa gobyerno noong mga panahon na iyon o hindi makatotohanan ang paglaganap ng katamaran sa mga Pilipino sinasabi ng taong bayan na MAYROON o Mayroong lumalaganap na katamaran sa bayan Katamaran at ang maling paggamit nito Karaniwang gamit: kawalan ng pag-ibig sa kaniyang trabaho Analohiya o Middle ages: Ipinanganak ang bata na may itim na buhok : Kagagawan iyan ng demonyo

Pilipinas noong Panahon ng Espanyol: Ang babaw ng ilog Pasig: Ang tamad kasi ng mga Indio, utusan silang hukayin Ang sino mang naghahangand na maintindihan ang pinagmulan ng pinag-uusapang katamaran ng mga Pilipino na lumalabas sa listahan ng mga itinakdang kasagutan ay tiyak na kukutyain. Ang iba ay walang paki; ang iba ay nagsasalita lamang ngunit walang saysay at pagninilay-nilay; ang iba ay sa palagay ay perpekto ang Pilipinas dahil sa kanya ito at ang kamalian ay matatagpuan sa labas ng bansa; ngunit, mayroon ding gusto ng katotohanan at ang imparsyal na paghihimay sa sabi-sabing pamahiin ito

Katamaran ng mga Pilipino ay HINDI SANHI ng kanilang kawalan ng kaunlaran Ang katamaran ay totoong nasa ating bayan ngunit ito ay hindi isang abnormal na bagay dahil lahat ng tao ay nakakaranas nito ito ay isang bagay na ITINAKDA ng kalikasan. Hindi sanhi kundi isang natural na bagay NGUNIT ang paglala nito ay nagiging EPEKTO ng maraming mga puwersa sa lipunan. Paglala ng kataraman = snow-ball indolence lumalaki habang gumugulong Tungkulin ng gobyerno at ng bayan na pigilan ito sa halip na pag-usapan lang at bigyan ng walang katuturang lunas Bakit kailangang pag-aralan ang mga SANHI NG KATAMARAN bago magbigay lunas dito? Hindi ang mga simtomas ang dapat gamutin. Ang mismong kanser ang dapat bigyan ng lunas. Ex: May isang doktor ng pasyente na nilalagnat (Pilipinas) na gumaling matapos kumain ng isda, kaya naman ibinigay na niya ito bilang lunas sa lahat ng kaniyang mga pasyente na nilalagnat Ang nagdulot ng kanser sa ibang katawan (latak na Espanyol) ay magdudulot din ng kanser sa katawang nilipatan nito (Pilipinas) Bigay ng bigay ng lunas hindi naman alam ang tunay na pinagmulan ng sakit Ex: May dengue ka uminom ka ng agua bendita ng maghilom ang iyong kaluluwa Anumang pagtatangka na mabigyan ng lunas ang katamaran ay walang halaga kung walang malalim na pag-aaral ang isinagawa para dito. Madaming ginagawa ang gobyerno para masolusyonan daw ang katamaran tulad ng: - taasan ang buwis ng Indio dumami ang krimen Pero sa huli ay wala din naming nangyayari

ex. may isang hardinero na naghangad na lumaki ang kanyang tinanim na puno sa maliit na paso, nilalagyan niya ito ng pataba, dinidiligan, binabatak para humaba at bumilis ang paglaki namatay ang maliit na halaman.

Ayaw na magtrabaho at ginusto nang makalimutan ang pagtratrabaho dahil ito ay nagdadala lamang ng lungkot, pagkatalo at pagod.

Bakit nabubuhay ang isang tao? Ang pagpapahinga ay hindi katamaran dahil natural lang naman na ikaw ay mapagod HINDI ROBOT ang mga PILIPINO! Espanyol: Ang mga Pilipino ay parang robot ngunit mas matalino at mas mura kaysa sa steam Layunin ng tao gamitin ang kakayahan niya para pasiyahin ang SARILI Nakakapagod magpakahirap para makamtan ang kasiyahan para sa ibang tao kung hindi ka naman nirerespeto nito (parang pag-ibig lang) Ang katamaran ay nagmula di umano sa ating mga ninuno Walang katotohanan Bago dumating ang mga kastila o courtesy and kindnessbrought us to their ship filled withnutmegs, mace, gold.. (Pigafetta) o nakipag-kalakalan tayo sa China, Borneo at iba pa o maraming magagaling na magsasagwan o Ang mga tao ni Magellan ay dinakip ang Datu ng Paragua Nagbayad siya ng ransom at sobra-sobra pa. Hindi na rin niya pinapugutan ng ulo ang mga dumakip sa kanya. 50 taon mula nang unang dumating ang kastila o may marunong na mag Castillan sa bansa bago pa sila dumating katunayan ng pakikipag-ugnayan ng ating mga ninuno sa ibang bansa o The natives are very far from pursuing these occupations and have even forgotten much about farming, poultryas they used to do when they were pagans and a long time after the conquest of the country (Morga) Bakit nawalan ng interes sa pagtratrabaho ang mga Pilipino? Nakakapagod magpakahirap para sa isang bagay kung ito rin naman ang magpapahamak sa iyo. o Ex: Dahil sa mga pagdating ng mga mga Espanyol, maraming mga gera ang naganap mula sa loob at labas ng bansa Magpapakahirap ang isang magsasaka na payabungin ang ani ng kaprasong lupa na ipinamana sa kanya ngunit, kukunin naman ito ng mga pirata.

SOLUSYON SA PAG-UNLAD: a. Kalayaan b. Edukasyon Kung wala ng mga ito, walang reporma, walang posibleng solusyon para sa minimithing resulta SANA walang humadlang sa paghangad niya ng edukasyon at makuha ang hinihinging karapatan. SANA ay maliwanagan sila. SANA maging tapat ang mga polisiya ng gobyerno Kung ito ay gagawin ng gobyerno, balang araw, makatitiyak sila na it will reap the fruits Paglalagom Ang katamaran at kawalan ng kaunlaran ay nakita ni Rizal na laganap sa bayan sa Panahon ng mga Espanyol. Ang kawalan ng gana ng mga Pilipino sa trabaho ay hindi minana sa kanilang mga ninuno sapagkat, kahit simple ang pamumuhay noon, marunong silang makipagkalakalan sa ibang bansa, mag-araro para sa kanilang kakainin, mag-alaga ng mga hayop, at marami pang-iba. Ang katamaran ay epekto ng pagmamalabis ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Sino ba namang tao ang hindi mapapagod at magsasawang magtrabaho kung ang pawis at dugo naman na kaniyang ipinupundar ay mapupunta lamang sa mga mapang-abusong mga prayle, encomendero at masasamang pirata? Nakita ni Rizal ang Edukasyon at Kalayaan ang magdadala ng repormang magdadala sa bansa tungo sa kaunlaran. Nararapat lamang ito para hindi naman tanawin ng bansa ang Espanya bilang isang inang magpagmalabis at walang awa o pag-iintindi. Mga pinagkunang lipi: [1] Capino, D. (1972). The Indolence of the Filipinos by Jose Rizal: student edition for the course on Jose Rizal. Quezon City: sn. pp 1-38. [2] Bocobo, Jorge. (1990). On the Indolence of the Filipinos by Jose P. Rizal. Quezon City: Bustamante Press. pp. 107-112. Gabay sa pagtatalakay nina Celine Tahimic Maria Mahusay

You might also like