You are on page 1of 3

"Ang Tundo Man May Langit Din"

ni Andres Cristobal Cruz


Tumawag si Flor kay Victor upang anyayahan itong makipagkita sa kanya sa
isang palamigan sa Quiapo. Napag-alaman ni Victor na si Flor ay dalawang buwan ng
nagdadalantao. Nangangaba si Flor na totoo ang sinasabi ng babaing pumunta sa
kanyang apartment at sinabing siya ang totoong asawa ni Tonyo na ama ng dinadala ni
Flor. Nangako si Victor na aalamin kung totoo ang kinatatakutan ni Flor. Nahuli si Victor
sa usapan nilang pagkikita ni Alma sa lobby ng pamantasang kanilang pinapasukan.
Pagkatapos ng kanilang klase ay napagpasiyahan niyang dumalaw sa apartment ni
Flor. Pagkatapos ng kanyang pagdalaw kay Flor ay umuwi na siya. Namataan niyang
nag-iinuman sina Lukas at ang mga kaibigan nito sa isang restawran sa Looban ng
Tundo. Muntik ng magkagulo sa loob ng restawran. Buti na lamang at napigilan iyon ni
Victor. Ngunit ng papauwi na sila ni Lukas ay nakaharap muli nila ang mga Waray at
nakipagbabakan ang mga iyon sa kanila. Kumalat sa Looban ang tungkol sa
pakikipagbakbakan nila Victor at Lukas.
Sa klase nila Victor at Alma na Philippine History ay kinuwestiyon ni Victor ang
librong isinulat ni Agila na isang awtoridad ng Kasaysayan ng Pilipinas. Sa araw din na
iyon ay bumili si Alma ng bago niyang talaarawan.
Sa gabing iyon ay nagkaroon muli ng masamang panaginip si Alma tungkol sa
kanyang ama at kay Dolores na dati nilang katulong. Kinabukasan ay nagpaalam si
Alma sa kanyang Daddy at Mommy na magkaroon ng party para sa nalalapit niyang
graduation. Inanyayahan ni Alma ang kanyang mga kaklase at si Victor. Dumating ang
araw ng party ni Alma ngunit siya ay malungkot dahil sa hindi sinunod ng kanyang mga
magulang ang kagustuhan niya na sila-sila lamang ng kanyang mga kaklase ang
magpaparty. Nagtungo muli si Victor sa apartment ni Flor bago pumunta sa party ni
Alma. Nagtalo silang dalawa tungkol sa kagustuhan ni Flor na hindi na maaari pang
mangyari. Pagkatapos ng pagtatalong iyon ay pumunta na si Victor sa bahay nila Alma.
Dahil sa pamimilit ni Alma at dahil na rin sa pamilya ni Victor ay napagpasiya
nitong dumalo sa kanilang baccalaureate at graduation dahil sa ayaw niyang ipagkait
ang kaligayahan sa kanyang pamilya. Dumating ang araw ng Baccalaureat nila Alma at
Victor, sa araw na iyon ay niregaluhan ni Victor si Alma. Kinabukasan ay araw ng
graduation nila Alma at Victor, sa araw naman na iyon ay nagregalo si Alma kay Victor
ng isang fountain pen na may naka-engraved na “Victor-Alma.” Si Flor naman ay
nagregalo kay Victor ng isang relo.
Lumipas ang ilan pang mga araw. Nabalitaan ni Victor na nakapagtayo si Flor ng
isang patahian kung saan katulong niya sa pagpapatakbo nito si Dolores. Dinala ni
Victor si Alma sa patahian ni Flor at doon nakita ni Alma ang matagal na niyang
hinahanap na si Dolores, ang dati nilang katulong na sa kanyang paniniwala ay
nagawan ng masama ng kanyang ama.
Dumating ang buwan ng Hunyo. Nagsimula na si Alma sa pagtuturo sa Torres
High. Ilan pang mga araw ang nakalipas at pumunta si Alma sa patahian nila Flor upang
kausapin si Dolores at ibigay ang sustento nito para makatulong at makabawi sa maling
nagawa ng kanyang ama.
Si Victor naman ay tinulungan ni Paking upang makapagturo sa Torres High.
Nakatanggap agad siya ng appointment bilang substitute teacher sa paaralan. Nagkita
muli sina Alma at Victor sa Torres High kung saan pareho silang magtuturo.
Dumating ang araw ng panganganak ni Flor at sa araw na iyon ay hindi
nagpahuli si Tonyo. Naroroon siya upang makita ang kanyang anak kay Flor.
Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay napagpasiyahan ni Tonyo na ipagtapat sa
kanyang maybahay na siya’y may anak ka Flor. Naging maayos ang usapan ng mag-
asawa at napagpasiyahan nilang dumalaw kay Flor sa ospital.
Hindi na napigilan ni Alma ang kanyang damdamin at napagpasiyahan niyang
ipagtapat na kay Victor ang kanyang nadarama. Sa araw din na iyon ay ipinagtapat ni
Alma sa kanyang Daddy na alam niya ang tungkol sa kanilang dalawa ni Dolores.
Nasabi niya iyon ng dahil pagtatalo nila tungkol sa pagkikita nila ni Victor.
Kinabukasan ay ipinadala ni Alma ang kanyang bag kay Victor at sa di sinasadya
ay nakita ni Victor ang talaarawan ni Alma. Hindi umaamin si Victor kay Alma nang
tanungin siya nito kung nabasa niya ang talaarawan nito.
Lumipas ang mga araw at mas lalong nagkamabutihan sina Victor at Alma
hanggang sa dumating ang isang araw na hindi na nila napigilan ang damdamin ng isa’t
isa at sila ay nagpasiya ng magpakasal. Pumunta si Victor sa bahay nila Alma upang
hingin ang kamay ni Alma sa ama nito. Hindi naman tumutol ang ama ni Alma at
masaya pa ito para sa dalawa. Napagpasiyahan nilang sa lalong madaling panahon ay
ikakasal sila.
Dumating ang araw ng kasal. Simple lamang ang pag-aayos dito at kakaunti
lamang ang inimbitahan ngunit sa kabila nito ay masayang idinaos nila Alma at Victor
ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib. Sa gabi ng kanilang kasal ay nakapag-isa ang
bagong kasal. Inihandog ni Alma ang kanyang talaarawan kay Victor at Ibinigay naman
ni Victor kay Alma ang panganay nilang halik sa isa’t isa. Doon ay ipinagtapat na ni
Victor na nabasa niya ang talaarawan ni Alma. At pagkaraan ng ilan pang sandal, doon
sa pook na iyon ng Tundo’y sinimulang likhain, sa kabila ng ingay ng mga
nagsusumbatang pulitiko, ng dalawang nagkakaisa’t nagkakaugnay ng pangarap ang
isang bago’t matapang na daigdig. Isang daigdig na kaypala’y may sariling langit na
biyaya ng pag-ibig.

You might also like