Professional Documents
Culture Documents
Bawat buhay, masayat malungkot, magulot makulay Ay nakalimbag sa pahina nang kasaysayaan. Mula sa pagkakasilang patungo sa kamusmusan Maging sa paglaki, hanggang sa kamatayan.
Isa-isahin ang buhay ng mga dakilang tao sa daigdig Ng mga paham, siyentipiko, mananaliksik, O ng mga guro, doctor, abogado, magingisdat magbubukid; Bawat isa, may mithin, may parangarap na nais makamit At isama sa mga butiun di masungkit-sungkit.
Sa bawat panahon Sa bawat kasaysayan Sa bawat henerasyon May palawakan ng isip May palitan ng paniniwala May tagisan ng matuwid Maging itoy mabunga na tuwa, ng lungkot, ng galit
Sila-silay natatago, kayu-kayoy nagpapangkat Tayu-tayoy nag-iisip, nagsusuri, bumubalagkas Isang diwa ang nagpasya, isang wika ang ginamit
Wikang pilipino! Wikang maka-Diyos, makabayan, makatao Wikang naglalagos sa isipan makabansa Wikang nagnunuot sa damdamin makalupa
Kasaysayan palay mababago isang saglit Sa dakong silangan doon sa silangan Ang sikat ng araw sumilip, sumikat, uminit Naantig ang diwang inaliping higit tuminok ang pusong dating di pumipintig Nagising ang ugat ng hapong mga bisig Bawat isay nagkaisang mailantad sa daigdig Ang mga pang-aaping sugat niyaring dibdig
Pangkat-pangkat, sama-sama, kapit-bisig bawat isa Kilalat di-kilala, kaaway ast di-kaaway Mayamat mahirap, matalinot mangmang, aktibistat militar Nagkaisang ganap sa isang mithing kapanga-pangarap Propesyonal at di-propesyonal Mangagawa, kawani, guro, mangangalakal Estudyante, iskolar, istambay
Sundalo, pulis, drayber, pari, madre, mangingisdat magbubukid Nagkaisa, nagkasama Nagkasama, nagkaisa
Ang wikang ginamit? Wikang Pilipino Wika ng paglaya ng lahat ng tao Wika ng pagkakaisa, kabayan mat dayo Wikang tagapagtanggol ng lakas ng tao