You are on page 1of 4

Wikang Pambansa 2007-2013

Agosto 2007 Noong Agosto 2007, ang Komisyon sa Wikang Filipino ay nagpalabas ng dokumento tungkol sa palabaybayan ng wikang Filipino, na maaring bigyan ng komento. Ito ay hango sa paggamit ng mga titik ng alpabetong Filipino, at ang mga radikal na rebisyon na isinagwa noong taong 2001.

Mayo 2008 Noong Mayo 2008, inilabas ang KWF ang pinal na burador ng Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino. Itinakwil nito ang mga radikal na rebisyon ng 2001 at mas binigyanghalaga ang status quo, bagaman kinokodipika o ginagawa nang opisyal ang ilang mga aspeto nito.

Oktubre 2009 Kautusang Pangkagawaran Blg. 104. 2009, Jesli Lapus, Gabay sa Ortograpiyang Filipino. Ang Komisyon sa Wikang Filipino ay nagsasagawa ng reporma sa alpabeto at tuntunin sa pagbaybay. Tinawag itong Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino. Ito ay ipinatupad sa petsang nilagdaan ito.

Disyembre 2011 Malugod na ipinababatid sa lahat na ang SWF ay mayroon nang bagong Direktor, si Dr. Rosario Torres-Yu. Nagkaroon ng maikling programa ng paglilipat ng tungkulin mula kay Dr. Jovy M. Peregrino patungo kay Dr. Torres-Yu na sinaksihan ni Tsanselor Caesar Saloma noong Disyembre 15, 2011 sa opisina ng SWF.

Pebrero 2013 Pinaiiral ngayon ng Komisyon sa Wikang Filipino ang Binagong mga Tuntunin at Regulasyong Nagpapatupad sa Batas Republika Blg. 7104 na kinikillang Batas ng Komisyon sa Wikang Filipino. Ang mga tuntuning ito ay makikilla rin sa sumusunod na ganap na pamagat: Binagong mga Tuntunin at Regulasyong Nagpapatupad sa Batas Republika Blg. 7104, na may pamagat na Isang Batas na Lumilikha ng Komisyon sa Wikang Filipino, Nagtatakda ng mga Kapangyarihan Nito, Mga Tungkulin at mga Gawain, Naglalaan ng Gugulin Ukol Dito, at para sa iba pang mga Layunin. Rebisyon at Pagkaka-atas ng mga bagong opisyal mula sa pagkakagawa ng batas na ito noong 1991.

Mga Probisyong Pangwika 2007-2013 (Proklamasyon, Deklarasyon at mga Batas)

Ipinasa ni: Adolfo Diether L. Glorioso III Ipinasa kay: Gng. Naicy Cesista Propesor sa Filipino 1 Komunikasyon sa Akademikong Filipino

You might also like