You are on page 1of 3

ISANG PAG-AARAL TUNGKOL SA MAAARING PARTISPASYON NG KABATAAN SA DARATING NA HALALAN

Isang Pananaliksik na Iniharap Kay Gng. Catherene Cruz Sa Asignaturang Filipino II Sa STI College Dasmarias Dasmarias, Cavite

Edwin Abulencia Crissalyn Canan Fernando Era Mariel Lumagui Ericka Sta. ana

Ika 18 ng Marso, 2013

Kabanata I INTRODUKSYON Bakgrawnd ng Pag-aaral Kain.Tulog.Compyuter. Ilan yan sa mga araw-araw na gawain namin bilang magaaral. Eh kung pag uusapan ang ating bayan? Mga namumuno sa ating bayan? Alam ba naming magaaral kung paano at ano ang mga paraan kung bakit pilit na sinasabing wala ng inuunlad ang ating bayan? Sabi nga ni Dr.Jose Rizal, Kabataan ang pag asa ng bayan! Naisipan namin maging tema ang halalan2013 para masimulan na ang mga dapat gampanan naming mga kabataan at kailangan nang tapusin ang mga dapat tapusin. Isa sa mga dahilan kung bakit namin ito ginagawa ay dahil sinabihan kami ng aming guro sa Filipino 2 na mag-isip naman ng tema na makakatulong at magkakaroon ng saysay sa buhay. Habang nakaharap kami sa kompyuter, gumagawa ng walang kwentang mga bagay bagay, bakit hindi na lang humarap sa kompyuter at magbigay saysay kung paano makakatulong sa darating na halalan2013, bilang kabataan na umaasa pa din sa ikakaunlad ng bayan, napag isipan namin na gumawa ng pag-aaral tungkol sa darating na halalan na makakatulong sa amin upang maihatid sa mambabasa kung anu-ano ang mga OO at Hindi sa darating na halalan. Naninirahan tayo sa isang demokrasyang bayan.May karapatan tayo bilang parte ng ating gobyerno at karapatan pumili kung sino ang mamumuno. Tayo din halos ang may hawak ng kapangyarihan para sa ikabubuti ng ating bansa kasama ang mga napili nating mamuno. At bilang kabataan, kami ang magiging boses ng bayan.

Pangkayariang Konseptual/Theoritikal Ang kayarian ng pagsasaliksik na ito ay magbigay ng kamalayan at oryentasyon ang mga kabataan sa panahon ng halalan . Paglalahad ng Suliranin Malaking bahagi ang gagampanan nating mga kabataan sa pagpili ng susunod na mamumuno sa bayan. Sa datos ng Commission on Elections, mahigit-kumulang 11 milyong kabataan edad 18 hanggang 30 ang inaasahanng boboto sa halalang darating. Bukod pa rito ang inaasahang dalawa hanggang limang milyong magpaparehistrong botante para makaboto simula noong Enero hanggang sa ika-31 ng Oktubre.

Sa taya naman ng Kabataan Party-list, binubuo ng kabataan ang 40 porsiyento ng kabuuang bilang ng mga botante. Kasalungat ito sa nangyari noong 2004 kung saan 19 na porsiyento lamang ng humigit kumulang 24 milyong kabataan ang nagparehistro para bumoto. Sinasalamin nito ang ginawang pag-aaral ng National Institute for Political Studies na nagpapakitang naging matamlay na ang pakikibahagi ng kabataan sa tuwing darating ang halalan.

Iskop at Demilitasyon Nakapokus ang pananaliksik na ito batay sa saloobin ng mga kabataan ukol sa nalalapit na halalan ngayong Mayo 2013.

Kahalagahan ng Pag-aaral Una, ang mga mananaliksik ay naniniwala na ang pag-aaral na ito ay mahalaga dahil naglalayong itong mabigyan ng sapat na informasyon at oryentasyon ang mga kabataan na nais makilahok at magkaroon ng partisipasyon sa halalan. Ipinapakita nito ang mga advantahe at di-advantahe ng pangkasalukuyang suliranin sa pananaliksik. Pangalawa, maaring mabigyan linaw nito ang mga kabataan upang magkaroon ng silbi sa bayan. At panghuli, makatutulong ito sa pagpapalawak ng kaisipan ng mga kabataan ukol sa pagpili at pagsusuri ng mga tamang ihahalal sa pamahalaan. Depinisyon ng mga Salitang Ginamit

You might also like