You are on page 1of 10

ALAMAT NG SINUKUAN Dinidinig ang mga panalanging taos sa puso ng nananalangin.

Sa maalamat na bundok ng Penyaranda ay naninirahan ang isang kilabot na higanteng nagngangalang Mingan. Si Mingan ay matagal nang panahong nangingibig kay Sinukwan, isang magandang engkantadang naninirahan naman sa balitang bundok sa Arayat. Araw-araw ay halos dumalaw si Mingan kay Sinukwan, ngunit sadyang malaki ang pag-ayaw ng magandang engkantada kay Mingan, dahil sa itoy pangit ang mukha at nakakatakot. Lahat ng pangako ay nagawa na ni Mingan, ngunit wala ring nangyari. Sa ngayon ay nagsadya siya kay Sinukuan at ipinangakong susundin at gagawin niya ang lahat ng hingin nito pumayag lamang na makipag-isang dibdib sa kanya. Ngunit si Mingan ay talagang sawing-palad! Totoo na napakalaki ng pag-ayaw ni Sinukuan. At upang maputol na lamang ang laging paghahain ng pag-ibig ni Mingan ay umisip si Sinukuan ng isang bagay na hindi magagawa ni Mingan. Hiniling na kapag nakapagpagawa siya ng tulay na bato mula sa bundok ng Penyaranda hanggang bundok ng Arayat at nayari bago sumikat ang araw, si Sinukuan ay papayag nang makipag-isang dibdib sa kanya. Si Mingan ay humingi ng tulong sa kanyang mga kaibigang mga higante. Siya naman ay tinulungan. Bago sumapit ang mag-iika-apat ng madaling araw, ang tulay ay halos yari na. Nang makita ang gayon ni Sinukuan, at dahil sa takot at pag-ayaw na maka-isang dibdib kay Mingan ay dumalagin siya sa mga dioses, Pinasikat ang araw. Ang tulay, dahil sa pagsikat ng araw, ay hindi nayari sa takdang panahon na itinaning ni Sinukuan kay Mingan, kayat tuluyang nabigo ang hangad ni Mingan na makipag-isang dibdib kay Sinukuan. Ang pangyayaring ito ay naganap na may ilang dantaon na ang nakaraan ngayon, gayon man ay makikita pa rin ang isang bahagi ng tulay na bato sa kabyaw, bayang daanan patungo sa Arayat.

ALAMAT NG MAYA Noong unang panahon sa isang liblib na lugar sa Bundok ng Karabalyo, may mag-inang nananahan doon. Malayo ang kanilang bahay sa mga naninirahan din doon. Nakaugalian na sa kanilang lugar na kailangang bayuhin muna ang palay bago kainin. Si Mayan ay isang batang babaeng may labing-tatlong taong gulang bukod sa itoy ubod ng likot, saksakan pa ito ng tamad. Nagbabayo ng palay ang ina nito isang umaga. Sapagkat sa tanghalian ay wala na silang isasaing. Habang ang batang si Mayan ay abala naman sa pakikipaglaro sa kanyang mga kapwa bata. Nang datnan siya ng pagkapagod ay lumapit sa kanyang ina at pinanood na lamang ang kanyang ina sa pagbabayo. Habang siyay nakaupo, nakadama siya ng pagkalam ng sikmura. Nagtungo siya sa kanilang kusina at tumingin sa kaldero kung mayroong makakain kahit ano ngunit bigo siya. At dagli siyang lumapit sa bakol. Sa tantiya niyay may isang salop pa ang laman niyon. Dahil sa tindi ng gutom, sinimulan niyang kainin ang bigas. Waring hindi pa siya nasiyahan, inalis pa ang takip ng bakol at palihim na pumasok sa loob. Siyay naupo, at saka niya muling ibinalik ang takip, hangap niyang hindi siya makita ng ina. Natapos ang kaniyang ina sa pagbabayo. Tinawag niya si Mayan, ngunit halos mamaos nay hindi pa rin lumilitaw si Mayan. Nang buksan ng ina ang bakol ay may isang maliit na ibon ang lumabas doon. Nanginain ng bigas ang ibon. Kalaunan ang ibong iyon ay tinawag n Maya. Malaki ang hinala ng kanyang ina na si Maya iyon.

ANG KUNEHO AT ANG PAGONG Isang araw, ang kuneho at ang pagong ay nagpapahinga sa ilalim ng malaking punong mangga. Kaibigang kuneho wika ng pagong. wala ba tayong gagawin kundi panoorin ang mga dahon ng manggang ito? Bakit ano ba ang gusto mong gawin? tanong ng kuneho. Halika, magkarera tayo. Makikita mo ba ang puno ng sampalok na yon? Kung sino ang unang makakarating sa atin doon ay siyang panalo,: sabi ng pagong. Tumawa ng malakas ang kuneho. Ha-ha-ha! Ako ba ang iyong hinahamonsa paligsahang ito? Baka nagkakamali ka, sa bi ng kuneho ng buong pagmamalaki. Kilala mo naman kung sino ako at kung gaano ako kabilis sa takbuhan. Hindi pa man ay alam ko nang ako ang mananalo sa paligsahang ito, dagdag pa nito. Kaya, bago ka pa mapagod ay bawiin mo na ang sinabi mo. Kawawa ka lang. Huwag kang masyadong pakasiguro, kaibigan, sabi ng pagong. Sige, halika na, magumpisa na tayo. O sige, ikaw ang may kagustuhan nito, sagot ng kuneho. At nag-umpisa ang paligsahan.Nakakalayo na ang kuneho ngunit ang pagong ay mabagal pa rin ang pag-usad sa kanyang likuran. Hay naku, tutal ay matatagalan pa ang pagong na ito, mainam pang magpahinga mun ako sa ilalim ng punong ito. Mainit masyado! wika ng kuneho. At nahiga ang kuneho sa ilalim ng punong mangga. Ilang sandali pa lamang ay nakatulog na ang kuneho. Lumipas ang mga minuto. Naabutan ng pagong ang kinaroroonan ng kuneho. Nakita niya kung gaano kahimbing ang tulog nito sa ilalim ng punong mangga. Tingnan mo nga naman itong si kuneho. Masyado kasing nagtitiwala sa kanyang kakayahan. Ngayon, naunahan ko na siya, sabi ng pagong. Ilang sandali pa lamang ay nakarating na ang pagong sa ilalim ng puno ng sampalok. kuneho, kuneho! Gumising ka na. Nanalo na ako sa paligsahan natin! Tawag ng pagong sa kuneho. Nagising ang kuneho at laking gulat na lamang niya nang makita niya ang pagong na sumasayaw sa ilalim ng puno ng sampalok

IMPONG SELA Epifanio G. Matute Noon ay kataimtimang minalas ni Impong Sela ang kanyang lalabing-animing taong apong lalaki sa pagkakahigang walang katinag-tinag. Sa ilalim ng maputing kumot, ang kanyang apong nakatihaya ay matuwid na matuwid na katulad ng isang bangkay, walang kakilus-kilos maaliban, marahil, sa maminsan-minsang pagkibot ng mga labing nanunuyoat halos kasimputla na ng isperma. Maya-mayay marahang dinama ng kanyang palad ang noo ng nahihimlay na maysakit. Sa gayong pagkakadantay, ang nakahiga ay napakislot na animoy biglang nagulat ngunit hindi rin nabalino sa pagkakahimbing. Maria Santisima! ang nahihintakutang bulong ni Impong Sela sa kanyang sarili samantalang iniaangat ang kanyang kamay mula sa pagkakadantay sa noo ng apo. Nagbalik na naman ang kanyang lagnat. Ang matanday nakaramdam ng isang biglang bugso ng lungkot sa kanyang dibdib. Ang lagnat ng bata ay nawala na, dalawang araw na ang nakararaan, salamat sa kanyang santong kalagyo, ngunit ngayoy. . . Mahal na Ina ng Awa! Itoy kanyang ikinababalisa. Nalalaman niyang ang lagnat na nagbabalik ay lubhang mapanganib. Ano kaya kung ang kanyang apo, ang kanyang pinakamamahal na si Pepey. . . Maawaing langit! Bakit, hindi ba siya ang maituturing na nagpalaki sa kanyang apong ito! Kauna-unahan niyang apong lalaki sa kanyang kaisa-isang anak na lalaki, sa katauhan ni Pepe ay ibinuhos ni Impong Sela ang lahat na pagmamahal at pag-aaruga ng isang impo. Hindi halos nalalaman ng mga magulang nito kung paano siya lumaki. Laki sa Nuno ang tawag sa kanya. At tapat sa kasabihang iyon, si Pepey lumaki sa layaw, sa malabis na pagpapalayaw. Siya ang nagging dahilan ng malimit na pagkakagalit I Conrado at ni Impong Sela. May mga pagkakataong ang anak at ang ina ay nagkakapalitan ng maiinit na sagutan, ngunit kailanman, palaging ang matanda ang nagtatagumpay. Hindi niya mapapayagang masaling man lamang ng ama ang kanyang si Pepe. At saka ngayoy. . . Si Impong Selay nagsimulang mag-isip nang malalim. Kailangang si Pepey maligtas sa kuko ng kamatayan. Sa kanyang pagkalito ay pumasok sa diwa ang gunita ng mga santo, panata, debosyon A. . .! Mahal na Hesus Nasareno! ang kanyang marahang bulong kasabay ang pagtitirik ng mga mata, Para Mo nang awa! Iligtas Mo po ang aking apo at magsisimba kami ng siyam na Biyernes sa Quiapo. Huwag Mo po siyang kunin. Natatandaan pa niyang ang panata ring yaon ang nagligtas sa kanyang anak na ama ni Pepe nang itoy pitong taon pa lamang. Kahimanawari ay ito rin ang magligtas naman sa kanyang apo! Maya-maya, ang maysakit ay kumilos. Dahan-dahang idinilat niya ang kanyang mga matang wari ay nananaginip at saka tumingin-tingin sa kanyang paligid. Hindi naglaon at

namataan niya ang kanyang impo sa kanyang tabi.Inilabas niya ang kanyang kamay sa kumot at saka iniabot ang kamay sa matanda. Lola. ang mahinang tawag. Oy, ano iyon, iho? ang tugon ni Impong Sela sabay pihit at yumukod nang bahagya upang mapakinggan niyang mabuti ang sasabihin ni Pepe. Nagugutom ako. Ikukuha kita ng gatas. Ayoko. Sawa na ako sa gatas. Ang matanda ay nag-atubili. Gatas, sabaw ng karne, katas ng dalandan, tsaa, at wala na. Ang mga ito lamang ang maaaring ipakain sa kanya ayon sa bilin ng doctor. Ibig mo ng kaldo, anak? Ayoko! 1 Katas ng dalandan? Kangina lamang umagay itinulak niya at natapon tloy ang idinulot ng matanda. At si Pepey ayaw na ayaw ng tsaa, noon pa mang siyay malakas. Lola, nagugutom ako! Ang tinig ni Pepey may kahalo nang pagkainip. Sandali lang, iho, sabay tindig ng matanda at lumabas sa silid. Pagkaraan ng ilang sandali, Si Impong Selay nagbalik na taglay na kanyang kamay ang isang pinggan ng kaning sinabawan ng sinigang na karne , at isang kutsara. Eto, anak, ngunit huwag kang kakain nang marami, hane? Pagkakita sa pagkain, si Pepey nagpilit na makaupo ngunit pabagsak na napahigang muli sa unan. Ang matanday nagmamadaling lumapit sa apong nanghihina. Huwag kang pabigla-bigla, iho, aniya, samantalang inaayos ang mga unan sa tabi ng dingding.O, dito ka sumandal. Sa tulong ng kanyang lola, si Pepey nakasandal din sa unan. At siyay sinimulan nang pakainin ni Impong Sela. Isang kutsara. Dalawang kutsara. Tatlo. Apat. Katulad ng isang hayok na hayok sa gutom ay halos sakmalin ni Pepe ang bawat subo ng kanyang lola. Nanay! Ano ang . . . Si Conradoy patakbong pumasok sa silid at tinangkang agawin mula kay Impong Sela ang pinggan ng kanin ngunit huli na! Ang pinggan ay halos wala nang laman. Nanay! Wala ba kayong isip? ang sa pagkabigla ay naibulalas ni Conrado . Hindi ba ninyo nalalaman ang bilin ng doctor na Ow, hayaan mo ako! ang madaling putol sa kanya ng matand. Nalalaman ko kung ano ang aking ginagawa. Paano lalakas ang bata kung papatayin ninyo sa gutom? Hindi siya mamamatay sa kaunting kanin. Bayaan mo siyang mamatay na nakapikit ang mata at huwag nakadilat. Totoooooy! Neneeeee! Ang dalawang maliliit na kapatid ni Pepey tumatakbong pumasok sa loob ng silid. Huwag kayong tatakbo! Hindi ba ninyo nalalamang may sakit ang inyong kapatid? O , kanin ninyo ito, at idinulot ni Impong Sela sa mga bata ang natirang pagkain ni Pepe, saying kung itatapon itong grasya ng Diyos. Huwag! ang halos naisigaw ni Conrad. Inay, hindi ba ninyo nalalamang si Pepey may tipus? E, ano ngayon? Ang mga bata ay mahahawa, hindi ba? anang matanda sa tinig na naghahamon. Ang hirap sa inyoy pinaniniwalaan ninyong lahat ang dala rito ng mga Amerikano. May korobyo kuno ang sakit ni Pepe na siyang makakain ng mga bata.Tse! Bakit noong kapanahunan naming, walang paku-pakulo ng tubig, walang poso-artesyano,

at nanggagaling lamang sa balon an gaming iniinom na kung minsan ay may liya pa. Tingnan mo ako. Gaano na ako katanda ngayon? Kung ang karobyong iyang pinagsasasabi ninyo ay totoo, bakit hindi ako namatay? At kayong mga tubo sa panahong ito na masyadong delikado sa lahat ng bagay, ilan sa inyo ang umaabot sa edad naming? Kaukulang lahat iyang pinagsasasabi ninyo. Kung ibig ng Diyos na ikaw ay mamatay ay mamamatay ka, magpagamot ka man sa isang libong doctor. Sa kanya ka umasa at huwag sa kalokohan. Kanin ninyo ito. ang baling sa mga apo, at huwag kayong parang tuod sa pagkakatayo! Si Totoy at si Nene ay nag-atubili at tinapunan ng tingin ang kanilang amang pagkatpos ng mahabang sermon ng kanilang lola ay walang nagawa kundi ang magsasawalangkibo na lamang. Bakit, natatakot ba kayo? ang tanong ni Impong Sela sa kanyang mga apo. Hinagisan pa mandin ng isang irap ang kanyang anak, at saka hinugot ang tsinelas mula sa kanyang paa. Tingnan natin kung sino ang masusunod sa bahay na ito!, Kanin ninyo ito, kung hindiy Nanginginig na sumunod ang mga bata, samantalang ang kanilang amay tumatanaw na lamang sa labas ng durungawan. Kinabukasan, si Pepey nahibang sa lagnat. Nagbalik ito sa isang matinding bugso na siyang hindi ikapalagay ng maysakit. Tila siya iniihaw, pabiling-biling sa hihigan, at nakalulunos kung humahalinghing. Sa mga mata ni Sinang na kanyang ina ay nalalarawan ang isang paghihirap ng kaloobang isang ina lamang ang maaaring makadama sa gayong mga sandali, samantalang minamalas niya ang kahambal-hambal na ayos ng kanyang anak. Naroon din si Impong Sela. Masama ang kanyang lagay. Hindi nagkamali ang doctor. Sa loob ng sumunod na oras ay pabali-balikwas si Pepe sa kanyang higaan at naghihiyaw ng kung anu-anong ikinakakagat ng labi ng mga nakamamalas. Ang mga luha ni Sinang ay tila walang-lagot na tanikala. Walang patid. Walang-tila. Ang mga ngipin ni Conradoy nagtitiim. Samantalang si Impong Sela y bumubulong ng walang katapusang mga panalangin. 2 Sinang, ang marahang tawag ng lalaki sa kanyang asawa, huwag kang umiyak. Ang mabuti kayay dalhin natin siya sa ospital. Ospital? At nang siyay pabayaang mamatay roon? Hindi! Huwag ninyong madala-dala si Pepe ka sa ospital. Kung kayoy nagsasawa nang mag-alaga sa kanya ay bayaan ninyo kaming maglola.Maaalagaan ko rin siyang mag-isa. Mabuti ka ngang ama! Noong ikaw ay maliit pa, sa tuwi kang magkakasakit , ako ang nagtitiyaga sa iyo at hindi kita inihihiwalay sa aking mga paningin. Kung itoy hindi mo magagawa sa sarili mong anak ngayon hayaan mot ako ang gagawa! Ngunit, Nanay! nasa tinig ni Conrado ang pagsusumamo at pagmamakaawa. Ano ang ating magagawa rito? Kulang tayo sa mga kagamitan. Samantalang sa ospital. . . Samantalang sa ospital, kapag si Impong Selay nagsimulang manggagad, siyay handing makipaglaban, lalo nat ikaw ay nasa walang bayad, ay titingnan ka lamang nila kung kailan ka nila ibig tingnan. Ano ang kuwenta sa kanila ng isang maysakit na hindi naman nila kaanu-ano? Mamatay ka kung mamatay ano ang halaga sa kanila niiyon? Tingnan mo ang nangyari kay Kumareng Paula, isang araw lamang sa ospital at. . . Ave Maria Purisima! Huwag ninyong gagalawin ang apo ko! Hindi maaari!

Sa mukha ni Conrado ay biglang sumulak ang dugo! Ibig niyang humiyaw, ibig niyang maghimagsik, ibig niyang magtaklob na ang langit at lupa! Ngunit mula sa kanyang nangangatal na mga labi ay walang namutawi kundi ang impit na Diyos ko! ! ! Sa gitna ng kanyang pagluha, ang mabait na si Sinang ay lumapit sa asawa at tinapunan iyon ng isang hayaan- mo- na- ang- Nanay na tingin. Kasabay ang isang malalim na bunting-hininga si Conradoy nalugmok sa isang likmuan. Ang salitaan ay napinid na. Umagang-umaga kinabukasan, nagtaka na lamang silat natagpuan nila sa isang sulok si Impong Selang nananangis, umiiyak na nag-iis. Siyay hindi man lamang tinuluan ng luha nang si Pepey naghihirap at saka ngayon pang si Pepey matiwasay na, salamat sa suwerong tinusok sa kanya ng manggagamot ay saka. . . Bakit, Nanay? ang namamanghang tanong ni Conrado. Naiisip-isip ko, ang kanyang hikbi, ang anak na dalagita ni Juan ay kamamatay lamang noong isang lingo! O, ay ano? lalo namang namanghang tanong ng anak na hindi maiugpong ang pagkamatay ng anak ni Mang Juan sa mga luha ng kanyang ina. Iyay totoo! Huwag mong pagtatawanan ang matatandang pamahiin. Marami na akong nakita. Iyay hindi nagkakabula. Pawang nagkataon lamang ang nakita ninyo. Huwag ninyong guluhin ang isip ninyo sa kaululang iyan. Ang isa pa, ang patuloy ng matandang hindi siya pinapansin, kagabi, ang mga manok ay nagputakan. Nang ang nasira mong ama ay namatay ay ganyan din ang nangyari noong huling gabi bago siya pumanaw. Kaawa-awang Pepe kooo! At Kataka-taka o hindi kataka-taka, ang luha ni Impong Sela ay nagpatuloy ng pagdaloy hanggang ang mga luntiang damo sa ibabaw ng puntod ng pinakamamahal niyang apo ay halos isang dangkal na ang angat sa lupa.

Ang Parabula ng Nawalang Anak


May isang mayaman na may dalawang anak na lalaki. Ang pinakabata ay lumapit sa ama at hiningi ang kanyang mana. Kaya ang ginawa ng matanda ay hinati niya ang kaniyang kayamanan sa dalawa. Ilang araw ang nakalipas, umalis ang bunsong anak at nangibang bayan. Inubos niya ang lahat ng ibinigay sa kaniya ng ama. Nagkaroon ng matinding taggutom sa bansang iyon kaya napilitan siyang mamasukan sa isang mamamayan na nagpadala sa kaniya sa bukid bilang tagapagpakain ng baboy. Habang nagtitiis siyang kumain ng kaning baboy dahil wala namang ibinibigay sa kanyang pagkain, naalala niya ang kaniyang ama at ang mga katulong nito sa kanilang sariling pataniman. Naisip niyang bakit siya magtitiis na mamatay sa gutom habang ang mga katulong ng kaniyang ama ay sagana sa pagkain. Minabuti niyang umuwi at humingi ng patawad at handa siyang magtrabaho kahit na bilang katulong lang. Malayo pa lang siya ay natanaw na siya ng kaniyang ama na tumakbo at siya ay niyakap at hinalikan. Tinawag nito ang kaniyang mga katulong at inutusang bihisan ang kaniyang anak ng magarang kasuotan, bigyan ng sapatos at singsing sa kaniyang daliri. Iniutos din niya ang magpatay ng baka upang ipadiwang ang pagbalik ng kaniyang anak. Ang panganay niyang anak na nasa pataniman ay narinig ang musika at ang pagsasaya habang siya ay papalapit sa bahay. Tinanong niya ang isa sa mga utusan kung ano ang kasayahang yaon. Nalaman niya na nadiriwang ang kaniyang ama sa pagbalik ng kaniyang anak. Nagalit ang panganay na anak at ayae niyang pumasok para sumali sa pagdiriwang. Sinumbatan niya ang kaniyang ama tungkol sa kaniyang pagsisilbi dito na parang alipin subalit ni minsan ay hindi siya binigyan ng kahit maliit na kambing para magsaya kasama ang kaniyang mga kaibigan. Pero noang dumating ang kaniyang kapatid na nilustay ang kaniyang mana sa mga masasamang babae, ito ay binigyan pa ng pagsalubong. Sinagot siya ng kaniyang ama na siya ay naroong kasama niya at lahat ng kasaganaang tinatamasa niya ay kasama siya samantalang ang kapatid niya ay nawala at bumalik. Tila siya namatay na nabuhay ulit

PARABULA NG ASAROL Isang magsasaka ang nag-araro ng kaniyang bukid araw-araw nang mga nagdaang taon. Mahirap na trabaho pero sagana naman siya. Isang araw ay tinanong niya ang sarili niya bakit nagpapakahirap siya. May isang monghe na kumatok sa bahay niya at humihingi ng limos. Naisip niya na maganda ang buhay ng monghe, walang masadong responsibilidad. Kaya, nagpasya siyang iwanan ang kaniyang mga ari-arian at magmonghe rin. Pagkataos niyang umalis sa bahay, naramdaman niyang walang kalaman-laman ang kaniyang mga kamay. Nahirati kasi siyang laging hawak ang asarol sa araw-araw at ngayon ay para siyang nanibago. Bumalik siya sa kaniyang bahay, kinuha niya ang asarol at nag-isip siya kung ano ang gagawin niya doon. Nanghihinayang siyang itapon yon dahil yon ay matalim at makintab ahil sa dalas nang gamit niya. Binalot niya ito at itinago sa loob ng bahay. Pagkatapos ay umalis ulit siya. Ang magsasaka ay nagpumilit matuad ang mga kinakilangan para maging mabuting monghe. Pero, hindi niya mapigilan ang pagbabalik-alala sa kaniyang asarol tuwing mapaadaan sila sa isang taniman. Umuuwi siya at hinihimas ang asarol pagkatapos ay balik ulit siya sa templo. Dumaan ang pito hanggang walong tao, naramdaman niyang tila hindi siya masaya ay malayang monghe pagkataos niyang magpakabanal. Mayroong sagabal at iyon ang nagaabigat sa kaniyang kalooban. Umuwi siya sa bahay, kinuha niya ang asarol at itinapon niya sa lawa. Pagkatapos lumubog ang asarol. tuwang-tuwang nagsisigaw ang magsasaka nang, "Nanalo ako, Nagwagi ako. Nang oras na yon ay dumaraan ang hari ang batalyon nito mula sa matagumpay na pakikidigma. Narinig niya ang monghe at tinanong, "Ano ang iyong napanalunan? Bakit ka napakasaya?" "Natalo ko ang masasamang damdamin na nasa aking puso. Pinalaya ko na ang aking sarili sa mga materyal na bagay na siyang nagpapabigat sa aking nais na maging isang nilalang. Namasdan ng hari na masaya talaga ang monghe dahil sa siya ay malaya na sa mga pagnanasa sa mga bagay na materyal. Nag-isip din siya."Nanalo nga ako pero ako ba ay masaya? Kinamkam ko ang mga

lupang hindi sa akin. Hindi ito ang tunay na tagumpay. Napag-isip din ng hari na ang tunay na matagumpay ang karaniwang tao na napalaya ang sarili sa pag-iimbot ng mga bagay na makakapagpaligayang pang materyal ay ang tunay na nagwagi.

You might also like