You are on page 1of 3

PAKIKINIG - ang paraan ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng ating pandinig.

Ang kakayahang matukoy at maunawaan ang sinasabi ng ating kausap. Ito ay nagtataglay ng pag-unawa sa diin at bigkas ng nagsasalita, ang kanyang balarila at talasalitaan, kasama ang pagbibigay-kahulugan niya sa mga ito. Uri ng Pakikinig 1. Pasiv o marjinal na pakikinig pakikinig habang may ginagawang ibang bagay Hal. Pakikinig sa radyo habang nakikipag-usap, nag-aaral o gumagawa ng ibang bagay at hindi nakatuon ang pansin sa naririnig. 2. Atentiv na pakikinig pakikinig na ang layunin ay ang kawastuhan ng pagkaunawa sa teksto. Hal. kung ibig mapakinggan ang mga detalye o paksang-diwa ng isang teksto. 3. Pakikinig na analitical ginagawa kapag ang layunin ay ang pagtataya kung sapat, valid, mahalaga, o karapat-dapat ang teksto. Sa ganitong uri ng pakikinig tinataya ng indibidwal ang narinig batay sa sariling karanasan o sa dati na niyang kaalaman. 4. Pakikinig na apreciativ ginagawa ng isang tao kapag siya'y nakikinig sa isang kwento, pangyayari, at musika para sa sariling kasiyahan. Mga Pamamaraan sa Mabisang Pakikinig 1. Maging handa sa pakikinig 2. Sikaping magkaroon ng kawilihan 3. Bigyang pansin ang pagitan ng pagsasalita at pakiking

4. Kilalanin ang mahahalagang puntos 5. Iwasan ang maagang pagpuna sa tagapagsalita 6. Iwasan ang maagang pagpuna sa mensahe 7. Sikaping huwag pansinin ang mga bagay na makagagambala sa pakikinig Mga Bagay na may Kinalaman sa Pakikinig 1. Ang kapaligiran ng silid 2. Kakayahan ng tagapakinig 3. Ang konsentrasyon ng nakikinig 4. Ang Channel Elemento na Nakakaimpluwensya sa Pakikinig 1. Oras 2. Channel 3. Edad 4. Kasarian 5. Kultura 6. Konsepto Mga Uri ng Pakikinig:

1. Imnpormatibo 2. Ebalwatibo 3. Empatiko 4. Pasibo (Passive) 5. Pangkasiyahan 6. Replektibo (Reflective) 7. Kritikal

Maraming hadlang sa pakikinig. Isa na dito ang mga hadlang na natural lamang na nangyayari sa paligid.Ang mga ingay,di inaasahang pangyayari at ang kawalan ng interest sa pinaguusapan.Minsan nasa tagapakinig na rin kung gagawin niyang mabisa ang pakikinig.Isa rin ang mga kapansanan sa pandinig at pagsasalita.May mga taong di nakikinig dahil sa mismong

tagapagsalita,hindi kasundo,di interesado o walang kinahahantungan.Ang mabisang Pakikinig ay nakasalalay sa mga taong nakikipagkomunikasyon.

You might also like