You are on page 1of 2

GAWAD KWF SA SANAYSAY 2012

Ang GAWAD KWF SA SANAYSAY 2012 ay timpalak sa pormal na pagsulat ng sanaysay sa wikang Filipino na taunang itinataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) kaalinsabay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa. Nilalayon ng timpalak na pagsiglahin at pataasin ang antas ng paggamit ng wikang Filipino sa pagsulat. Tuntunin
1. Bukas ang timpalak sa lahat, maliban sa mga kawani ng KWF at

kanilang kaanak. 2. Ang lahok ay kailangang orihinal at nasusulat sa Filipino, hindi salin sa ibang wika at hindi pa nalalathala. Hindi patatawarin ang sino mang nahuli at napatunayang nagkasala ng pangongopya. Kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok nito sa timpalak at hindi na muling makasasali pa sa alinmang timpalak ng KWF. 3. Ang paksa ng timpalak ay Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng PagkaPilipino. 4. Ang lahok ay kailangang may apat (4) na kopyang makinilyado o kompyuterisado (Font 12-Arial), doble espasyo sa 8 x 11 na bond paper na may palugit na isang (1) pulgada sa itaas at ibaba at sa magkabilang tabi. 5. Ang lahok ay hindi dapat kulangin sa labindalawang (12) pahina ngunit hindi hihigit sa tatlumpung (30) pahina.
6. Isa (1) lamang lahok ang maaaring isumite at hindi dapat ito magtaglay

ng pangalan o sagisag-panulat ng may-akda. May hiwalay na pormularyo sa paglahok na mada-download sa www.kwf.gov.ph. Ilakip ang pormularyo kasama ng lahok at electronic file. Lakipan ng larawan ang pormularyo sa paglahok. Hindi tatanggapin ang lahok sa ipadadala sa pamamagitan ng email.
7. Ang

mga gantimpala ay ang sumusunod: una, P20,000.00 at karangalang maging Mananaysay ng Taon 2012; pangalawa,

P15,000.00; pangatlo, P10,000.00 at tropeo bawat isa; at, Limang Libong Pisong (P5,000.00) cash at plake para sa magwawagi ng tatlong karangalang-banggit. Lahat ng lalahok ay tatanggap ng Katunayan ng Paglahok. 8. Ang lahok ay maaaring dalhin nang personal o ipadala sa koreo sa: Lupon sa Sanaysay 2012 Komisyon sa Wikang Filipino 2/F Watson Bldg., 1610 J.P. Laurel St. Malacaang Complex San Miguel, Manila
9.

Ang huling araw ng pagsusumite ng lahok ay sa Hulyo 20, 2012. Ang mga lahok na ipinadala sa pamamagitan ng koreo ay kailangang matanggap ng KWF nang hindi lalampas sa petsang nabanggit. nanalo man o natalo, ay hindi na ibabalik sa mga kalahok at angkin ng KWF ang karapatang mailathala ang mga nagwaging lahok nang walan royalty sa mga may-akda.

10. Ang pasya ng inampalan ay pinal at di-maipaghahabol. Lahat ng lahok,

11. Para sa karagdagang katanungan, tumawag sa telepono blg. 236-2519,

736-0315 o 736-2521.

You might also like