You are on page 1of 1

SANTILLAN, POLL ANTHONY R. (jinette_26@yahoo.

com)

Anong Gusto Mong Maging?

Isipin ang mga bagay sa mundong ibabaw, hindi bat kay-gandang pagmasdan ang mga ito. Sa paligid mo pa lang, mapapaWOW ka. Eh kung ikaw ang tanungin kung anong gusto mong maging kung ikaw ay isang bagay sa mga ito. Mapapasagot ka kayah, eh sa dami nitoy masalimuot mag-isip. Tanungin mo ang iba. Sagot nilay ibon, sapagkat makakalipad ka nang malaya. Pero, hindi bat ang ibon minsay mabilis dakpin kahit ang mga itoy may pakpak at nakakalipad. Ang iba namay bato, dahil sa itoy matigas raw, datapwat wala namang malaking naitutulong sa iba. Ilan lang sa mga ito ang malimit na gusto ng mga taong maging kung bigyan sila ng oportunidad na magbago. Mayroon akong kilala, minsan ko ng naitanong sa kanya ito. Sagot niyay hindi karaniwan sa tugon ng iba. Katwiran niyay kakaiba, sapagkat hindi lang ang sarili niya ang iniisip niya, maging ibay inaalala niya. Bihira lang ang may aktitud katulad yong sa kanya. Tunay na sa unay iisipin mong, siguro ang sagot niyay gaya ng sagot ng iba, ngunit sa huliy mawawalan ka ng tinig, dahil sa tunay na itoy kakaiba. Sabi niya, gusto niyang maging ILAW. Siguroy alam mo ang rason niya kung bakit. Dahil sa gusto niyang bigyan liwanag ang magiging daanan ng lahat, gusto niyang bigyang ilaw ang mga mapapanglaw na daanan. Noong bata siyay nais niyang tumulong. Oo ngat nahirapan siyang maglakbay sa kanyang buhay, sa dilim ng paligid niyay ni di niya makita ang ginagalawan niya maging sa ginagawa niya. Minsan siyang nadapa sa mga di inaasahang bagay; PROBLEMA. Hanggang sa siyay nasanay at natutong makipaglaban ng marangal. Napagdaanan man niya ang mga bagay na totoong makapag-uurong sa iyong makibaka, hindi siya nagpaapekto, hindi siya nawalan ng pag-asa na mahanap ang tunay na daanan tungo sa ilaw ng kaligayahan. Hindi bat talagang kakaiba. Ang sagot niyay galing sa mga napagdaanang bagay na muntik na niyang talikuran at hayaang saktan siya. Gusto niyang maging ilaw, bakit hindi siya pagbigyan kung hangad rin niya pala ang kaligayahan ng iba. Tunay na nakakasilaw ang nais niyat katwiran niya, na dapat tularan ng iba. Sa pagbagsak ng problema sa buhay niya, hindi siya hihintot lalayo. Kanyang haharapin kahit siyay mapapaluklok. Madapa man siyay muling tatayo at sasabihing kayang kaya ko to! Sa buhay kinakailangang maging matibay at malakas para sa ganoon hindi masyadong masusugatan o madidisgrasya sa pagbiyahe o paglalakbay.PROBLEMA, bagay na mahirap maunawaan na tinuturing na kakambal ng kasiyahan. Bumabagsak pagkatapos ng mga nakakarahuyong mga sandali kasama ang mga kaibigat pamilya na dahilan ng mga luhang nagsilabasan sa mga mata at ang lungkot na pumawi sa mga magagandang nangyayari sa kanyang buhay. Ngunit, alalahanin, na sa bawat malagim at madilim na madadaanan, hindi mawawala ang ILAW na tatanglaw sa iyong daraanan.

You might also like