You are on page 1of 1

SANTILLAN, POLL ANTHONY R. (jinette_26@yahoo.

com)

Kayang-kaya ko to!

Sa buhay natin kinakailangan nating maging matibay at malakas para sa ganoon hindi tayo masyadong masusugatan o madidisgrasya sa ating pagbiyahe o paglalakbay. PROBLEMA, bagay na mahirap maunawaan na tinuturing na nating kakambal ng kasiyahan. Bmabagsak pagkatapos ng mga nakakarahuyong mga sandali kasama ang ating mga kaibigat pamilya na dahilan ng mga luhang nagsilabasan sa ating mga mata at ang lungkot na pumawi sa mga magagandang nangyayari sa buhay. Hindi natin malalaman kung kailan darating ang PROBLEMA,para itong salamangka na biglang sumasapit nang pabigla-biglat nakakagulat, napapawi kung nasosolusyonan. Masasabi nating lahat ng lahiy may tinatamasang pighati sa buhay dahil ang buhay ng bawat isa sa atiy maituturing na isang halimbawa ng kapangitan. Masalapi man ay may PROBLEMA. Tinitignan natin silang binabalutan ng makikinang at maningning na mga ibat-ibang klase ng mga makukulay at mabibigat na bato, pero ang hindi natin alam na hindi lang alahas ang nagpapabigat sa kanila, mayroon din silang mga problema na hindi natin napapansin at nakikita. Pati kamiy dinadaanan ng unos, may pagkakataong akoy nalulumbay sa kadahilanan na minsan sa hindi pagkakaunawaan ng aking inat ama ay nauuwi sa palitan ng mga salita. Minsan pa ngay gusto kong maglayas sa aming munting tahanan, ngunit naiisip ko rin agad-agad na ang problemay hindi magtatagal tulad ng isang bagyo na dadaan lang ngunit mag-iiwan ng depektong hindi natin inaasahan. Kahit sapin-sapin na problemay aking haharapin bastat may pananalig sa diyos at pagtitiwala sa sarili. Maguho man ang lupang aking kinalalagyanan, masasabi kong kayang-kaya ko yan. Para sa akin ang mga tao lang na marangal ang mga gawain ang makakatikim sa buhay na hindi mo pagsasawaan,ang buhay kung saan ka sasaya kasama ang mga taong kailangan mo at mahal mong tunay. At kailangan nating tanggapin ang mga problemang nakaukit na sa mga landas natin. Sa pagbagsak ng problema sa buhay ko, hindi ako hihintot lalayo. Aking haharapin kahit akoy mapapaluklok. Madapa man akoy muling tatayo at sasabihing kayang kaya ko to!

AVOID PLAGIARISM

You might also like