You are on page 1of 2

Alakdan (116)

Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated June 26, 2012 12:00 AM Comments (2)

NAPALUNOK si Troy sa ginagawang panunukso ni Mayette. Tinatakaw siya. Inilalahad ang maraming pera. Ibinenta ko na lahat ang lupain namin sa Marinduque. Wala rin namang silbi. May tanim ngang niyog pero hindi mapakinabangan dahil ninanakaw. Mas mabuti pang pera na lang ang hawak. Gustong tanungin ni Troy kung bakit hindi gastusin sa pagpapaopera ng asawa. Pero nagpigil siya. Hindi siya dapat makialam. Pati yung lupa na na-bili ko sa Oas, binenta ko rin. Binibigyan lang ako ng problema ng mga pinata-tao ko run. Ninanakawan lang ako. Bigay ako nang bigay ng perang pambili ng fertilizer at insecticide pero wala namang maisulit sa akin kahit isang kabang palay. Kaya mabuti pa, ipagbili. Mas maganda kung pera ang hawak. Naisip ni Troy na marami pala talagang ipinagbiling lupa si Mayette. Siniguro nang maibenta habang buhay pa ang asawa. Kapag namatay nga naman ay mahihirapan siya sa pagbebenta. At alam mo ba kung gaano karami ang pera kong hawak ngayon, Troy? Nakatingin lang si Troy. Hindi na niya kailangan pang malaman. Kahit naman malaki, wala siyang interes. Ang akala siguro ni Mayette masisilaw siya sa pera. Nagkakamali si Mayette. Ayaw mong malaman? Sige ikaw rin. Pero kung malalaman mo, baka magbago ang isip mo at pumayag ka sa gusto ko. Pero makakapaghintay pa naman ako. Malay ko kung isang araw, e magbago ang ihip ng hangin. Nanatiling walang imik si Troy. Talagang matindi ang pagnanasa sa kanya gagawin para lamang magkaroon sila ng relasyon. ni Mayette. Lahat ay

Siguro nagtataka ka kung bakit ganito ako kaseryoso sayo Troy. Kasi nga, nakikita kong mas mahusay kang magmahal. Kakaiba ka kaysa kay Digol na matapos akong huthutan ay iniwan ako at ipinagpalit din sa matrona. Ewan ko lang kung ano ang buhay niya ngayon sa matronang sinamahan niya. Baka mas marami pa akong pera sa hayop na babaing iyon. Hindi na malaman ni Troy kung ano ang isasagot kay Mayette sa walang tigil nitong panunukso sa kanya. Pero hindi na kita pipilitin ngayon, basta malakas ang kutob ko, lalapit ka sa akin at tatanggapin ang alok ko. Di ba, Troy. Matiyaga naman ako. Ubod ako ng tiyaga, Troy. Umalis si Mayette na may ngiti sa mga labi. Tila nakasisigurong magbabago ang isip ni Troy. NAGKAROON na naman ng pagbabago sa trabaho ni Troy. Inililipat-lipat siya ng mataray at istriktong superbisor.

Mula ngayon, magpapanggabi ka. At hindi rito sa grocery kundi sa bodega. Ikaw ang tatanggap ng mga idedeliber na mga de-lata. Hindi na nakapagsalita si Troy. Kapag tumutol siya, maaaring masama ang mangyari sa kanya. Mula noon, naging panggabi siya at mas mabigat ang trabaho dahil kailangang ang mga tatanggapin niyang de-lata ay walang mga yupi o burado ang mga label. Kapag may nakalusot, kakaltasin sa suweldo niya. Kaya ingat na ingat siya. Talaga yatang ginigipit siya ng superbisor. (Itutuloy)

You might also like