Professional Documents
Culture Documents
PlarideL
Ang PAhAyAgAng
ISANG PAMILYA. Sabay-sabay na ipinagdiwang ng ibat ibang paaralang Lasalyano sa bansa ang ika-100 taon ng Pamantasang De La Salle.
nina John Mark Cario, Ronald Allan Francis Sunga at Ma. Felichie Ericka Valeriano Patnugot ng Balita, Patnugot ng Isports, at Patnugot ng Bayan
Security and Safety Office (SSO), at University Student Government (USG) para siguruhing ligtas at maayos ang kalagayan ng mga Lasalyanong magpapalipas ng gabi sa Pamantasan. Tinipon ang lahat ng mga Lasalyano sa loob ng Most Blessed Sacrament chapel. Pagkatapos nito, binigyan sila ng mga direktiba kung ano ang dapat gawin sa magdamag na iyon. Iminungkahi ng DLSU ang panantili ng mga mag-aaral na walang sundo sa loob ng Pamanatasan hanggang ika-6 ng umaga ng Hunyo 24. Namahagi rin ang pamunuan ng DLSU ng pagkain, tubig, at mga kutson sa mga naiwan sa loob ng Pamantasan. Kasunod nito, inihatid na ang mga Lasalyano sa mga silid-aralan ng St. La Salle Hall upang doon magpalipas ng magdamag. Huling suspensyon ng mga klase Maayos naman ang naging tugon ng pamunuan ng DLSU sa pangyayari. Gayunpaman, ikinadismaya ng ilang mag-aaral ang nahuling pagsususpinde ng mga klase. Ayon kay Froi Endaya, IIIAB-PSM, nagkaroon sana ng pagkakataong makauwi ang mga mag-aaral kung mas maaga lamang nagsuspinde ng klase ang DLSU. Aniya, Sana naging mas maaga lang talaga yung suspension. Although yung execution naman (ng SSO at USG) naging okay mula
HIMIG NG NAKARAAN. Isang pagtatanghal ang ginanap noong Hunyo 18 sa Chapel of the Most Blessed Sacrament upang tunghayan ang buhay at karanasan ng Lasallian brothers na dumating sa Pamantasang De La Salle. APP/ Kenwin Francisco
2 BALITA
BALITA
Pagbabagong hinihintay:
PINAIGTING NA ALYANSA. Nagsalita si U.S. Amb. Harry K. Thomas, Jr. sa isang talakayan tungkol sa relasyon ng Pilipinas at USA na pinangunahan ng International Studies Department ng DLSU. APP/Louie Cabrera
Halaw sa internet
indicative of respect for differencs in gender, sexual orientation race and religious and political beliefs are highly valued. Kaugnay nito ang pagrespeto sa mga mag-aaral sa Pamantasan kahit ano pa ang kasarian nito. Pagkakapantay-pantay ng lahat Nasa iisang komunidad lamang ang mga mag-aaral na Lasalyano sa Pamantasan. Isang pagtanggap at pag-intindi na lamang sa kapwa nito mag-aaral ang kinakailangan upang maging patas ang pagtingin sa mga Lasalyano, kabilang na rin ang na sa LGBT community. Paliwanag ni Manauat, [If you can have] Lasallian achievers for God and Country, you can have queer Lasallian achievers for God and Country, right? Hindi nagtatapos sa pagkilala lamang ng komunidad ng LGBT sa Pamantasan. Dapat ding mapansin, matanggap, at makilala ang mga karapatan nito upang ng kapwa at kung ano man ang nais nila.
OPINYON
Hunyo 23 nang hagupitin na naman ang Pamantasang De La Salle (DLSU) ng isang malupit na bagyo si Falcon. Bumalik sa alaala ng lahat ang malagim na sinapit ng DLSU at Kamaynilaan dalawang taon na ang nakararaan sa paghagupit ng bagyong Ondoy. Maraming mag-aaral, guro, at empleyado ang hindi nakauwi sa kanilang mga tahanan at napilitang manatili at magpalipas ng gabi sa loob ng Pamantasan. Bunsod ng nasabing pangyayari, hinagupit ng batikos ang pamunuan ng Pamantasan dahil sa mabagal na pagdedesisyon sa pagsususpinde ng mga klase at opisina. Sa pagtaas ng tubig sa bawat sulok ng kampus at ng buong Taft Avenue, matatandaang hindi ikinansela ang mga klase ng pamunuan ng DLSU dahil wala sa bansa ang President at Chancellor ng Pamantasan na si Br. Jun Erguiza, FSC. Tanging siya lamang ang may kapangyarihang magpahayag ng suspensyon ng mga klase at opisina kung sakaling may mga hindi inaasahang pangyayari. Nahirapang magdesisyon ang pamunuan ukol sa usapin ng suspensyon ng klase. Sa mga nakaraang pagkakataon, nagtatalaga ng Officer-In-Charge(OIC) ang mga namumuno bago pa man sila umalis ng Kamaynilaan o ng bansa upang magkaroon ng magdedesisyon sa panahong kinakailangan. Gayunpaman sa kasong ito, walang itinalagang OIC at tila nangapa ang lahat ng tao sa Pamantasan sa kung anong gagawin sa puntong kritikal na ang lagay ng komunidad. Bagamat walang klase noong Hunyo 24, Biyernes, upang gunitain ang Araw ng Maynila, naging malaking tandang pananong kung itutuloy ba ang mga klase sa susunod na araw, Hunyo 25. Maraming mag-aaral ang nalito sa kung ano ang mas dapat nilang piliin ang kanilang edukasyon o ang kanilang kaligtasan. Halos buong gabing naghintay ang karamihan sa mga Lasalyano sa pagpapabatid ng suspensyon noon. Tanging DLSU na lamang ang wala pang naging desisyon ukol sa nasabing kalagayan samantalang lahat ng mga karatig-pamantasan ay nagsuspinde na ng klase. Marami pang naging dahilan sa hindi agarang pagsuspinde ng klase noon. Isa pa sa mga dahilang inilatag sa Pamayanang Lasalyano ang kawalan ng oras para sa kakailanganing make-up classes kapalit ng mga araw na nawalan ng klase. Dahil dito, maaaring hindi maabot sa itinalaga ng Commission on Higher Education (CHED) na kabuuang oras ang mga klase ng Pamantasan. Kung sakaling may mga bagyo pang manalanta sa bansa, at sa sistemang ipinatutupad na six-day class week, Linggo na lamang ang maaaring araw na itakda para sa make-up classes.Hindi naman ito sinasang-ayunan ng pamunuan. Sa puntong ito, tila mas mahalaga pang maabot ang rekisito ng CHED kaysa sa kaligtasan ng mga mag-aaral laban sa kritikal na kondisyon ng Pamantasan at Kamaynilaan. Ramdam na ramdam ng Pamayanang Lasalyano ang hirap ng pananatili sa Pamantasan. Gayunpaman, kung tutuusin, taon-taong nararanasan hindi lamang ng Pamantasan ngunit ng buong kapuluan ang mga paghagupit ng bagyo; at ilan dito ay mababagsik at nag-iiwan ng masalimuot na kalagayan. Tila paulit-ulit na lamang ang nangyayari sa mga ganitong pagkakataon hindi makaalis ng Pamantasan ang mga mag-aaral sa taas ng tubig sa loob at labas ng kampus at mapilitang manatili sa loob ng mga silid-aralan at doon na lamang magpalipas ng gabi. Paulit-ulit na parang walang mga konkretong planong nakalatag sa mga ganitong pagkakataon, hindi lamang sa agarang pagsuspinde ng mga klase. Makikita kasing walang malinaw na balangkas tungkol dito kahit na taon-taon, hinaharap ito ng Pamantasan. Sa kabila ng lahat ng ito, magbigay sana ng maliwanag na tugon ang pamununan ng DLSU tungkol dito. Isa na rito ang rebisyon ng Student Handbook. Magdagdag sana ng probisyon ukol sa pamamahala kaugnay ng mga sakuna at kritikal na kondisyon ng Pamantasan. Para sa pamunuan ng DLSU, huwag na sanang maulit pa ang mga kaganapan sa paghagupit ng bagyong Falcon at hayaang maging kritikal muli ang kalagayan ng buong pamayanan. Nawa ay may nakuha tayong aral sa lahat ng ito dahil sa totoo lang, buhay ng tao ang nakasalalay sa mga pagkakataong gaya nito. Isa ako sa mga na-stranded sa loob ng Pamantasang De La Salle (DLSU) nang hinagupit ng bagyong Falcon ang Pamantasan noong Hunyo 24. Bilang isang mamamahayag pangkampus, nagtungo ako at ang aking mga kasamahan sa Security Services Office (SSO) para alamin ang aksyong ginagawa ng opisina sa nangyayaring sakuna nang mga panahong iyon. Pagpasok namin sa opisina ng SSO, humingi kami ng permisong makapanayam si Dionisio D. Escarez, Direktor ng SSO, subalit sinabi nitong kapanayamin muna ang isang mas nakatataas na opisyal sa kanya. Pagalis namin ng SSO, hinanap namin agad ang nasabing opisyal. Subalit napag-alaman naming nakauwi na pala ang opisyal na ito. Kaya naman, bumalik kami agad sa SSO at umaasang pauunlakan na ni Escarez ang aming panayam. Gayunpaman, sinabi nitong bumalik na lang kami sa Hunyo 26 at hingan ng panayam ang binanggit niyang opisyal. Dahil sa pangyayaring ito, batid ko at ng aking mga kasamahan na hindi papayag si Escarez na amin siyang makapanayam. Bunsod nito, nagpasalamat na lamang kami sa kanya at umalis ng
OPINYON
Magsalita kayo!
Kampi ang APP sa katotohanan, hindi sa administrasyon ng DLSU at hindi rin naman sa mga mag-aaral nito.
SSO. Pagsapit ng Hunyo 26, hindi na namin nagawang makapanayam ang opisyal na iminungkahi ni Escarez dahil sa suspensyon ng mga klase at opisina ng DLSU. Ibinahagi ko ang pangayayaring ito dahil gusto kong iparating sa buong pamayanang Lasalyano na sinisikap ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) na gawing balanse ang bawat artikulong inilalabas namin. Sa pamamagitan ng paghingi ng panayam mula sa mga taong may kinalaman sa mga artikulong ginagawa namin at pananaliksik, naghahandog kami ng mga artikulong magbibigay-linaw sa mga isyu sa ating Pamantasan at lipunan. Para sa lahat ng miyembro ng Pamayanang Lasalyano, lalong-lalo na sa mga opisyal ng pamunuan ng DLSU, magsalita kayo at buong puso naman kaming makikinig. *** Kampi ang APP sa katotohanan, hindi sa administrasyon ng Pamantasang De La Salle (DLSU) at hindi rin naman sa mga mag-aaral nito. Gayunpaman, alam naming hindi maiiwasang may mga tao o grupo ng taong hindi magugustuhan ang mga artikulong aming inilalabas. Sa mga pagkakataong ito, inaanyayahan namin kayong diretsong sabihin ito sa amin. Kung hindi kayo sang-ayon sa mga inilalabas naming mga artikulo, at kung palagay ninyo ay may panig na hindi naisama sa mga ito, malaya kayong magpadala ng liham sa aming Pahayagan. Huwag ninyong idaan sa kung sino man o kung saan man tulad ng Social Networking Sites ang hindi ninyo pagsang-ayon sa mga artikulong inilalabas namin. Diretsuhin ninyo kami! Ikagagalak pa naming sagutin ang inyong mga liham nang sa gayon, magkaroon ng diskurso sa ating Pamantasan. Igagalang namin ang inyong opinyon at sisiguraduhing diringgin ang inyong saloobin. Sa ganitong paraan, umaasa rin kaming gagalangin ninyo ang aming opinyon at higit sa lahat, matutuhan ninyong harapin at tanggapin ang katotohanang inisisiwalat namin.
Paulit-ulit na pagkakamali
Normal lang ang magkamali, ngunit normal pa rin ba kung paulit-ulit nang nagkakamali?
GURO. Siya ang humuhubog sa pagkatao ng isang mag-aaral sa loob ng paaralan. Siya rin ang tagahubog ng kaalaman at kakayahan ng mga taong sinasabing pag-asa ng bayan. Siya rin ang nagsisilbing pangalawang magulang na magtuturo sa isang estudyante patungo sa tuwid na daan. Gayunpaman, paano na lamang kung hindi niya naisasakatapuran ang ilan sa mga responsibilidad na ito? Nararapat pa rin ba siyang tawaging isang guro? Kilala ang Pamantasang De La Salle dahil sa magandang edukasyong ipinamamahagi ng mga gurong nagtuturo rito. Taglay ng mga taong ito ang galing pagdating sa pagtuturo ayon sa larangan ng propesyong kanilang natapos; dahilan upang makilala rin sila, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Kamakailan lang ay nilapitan ako ng isang matalik na kaibigan dahil may napansin siya sa kanyang propesor. Napansin niyang magulo ang sistema ng pagtuturo ng kanyang propesor. Tila hindi raw maayos ang kanyang pagtuturo na nagiging dahilan ng pagkalito ng mga estudyante. Bagamat may kaunting kaalaman ang aking kaibigan sa leksyong kanilang pinag-aaralan, hindi pa rin niya maintindihan ang gustong iparating ng kanyang guro. Masasabi bang isa siyang halimbawa ng mga gurong tinatawag na magaling magturo sa institusyong ito? Mayroon ding problema ang isa kong guro sa pagtuturo niya sa aming klase. Maraming beses siyang nagkakamali na nagiging sanhi ng pagkalito ko at ng aking mga kaklase. Maraming beses na ang mga kaklase ko na mismo ang nagtatama ng kanyang sagot sa pisara. Maraming beses ding nagbubulungan ang aking mga kaklase dahil paulit-ulit ang maling tinuturo ng aming guro. Gayunpaman, pursigido pa rin ang bawat isa sa amin na makinig sa kanyang mga sinasabi. Naitanong ko na lang sa aking sarili: sino ba talaga ang tama? ang aking guro o ang aking mga kaklase? Bawat isa sa atin ay mayroong imperpeksyon. Ika nga sa isang kasabihan, walang perpektong tao sa mundo. Normal lang ang magkamali, ngunit normal pa rin ba kung paulit-ulit nang nagkakamali? Hindi bat hindi na nakakatuwa kung ganito na lang palagi ang mangyayari sa tuwing papasok ang isang estudyante sa kanyang klase? Alumana ALUMANA - kasingkahulugan ng salitang paunawa. Isang alumana para sa aking kapwa mga Lasalyano: karamihan sa inyo ay ipinagsasawalang-bahala ang mga bagay katulad nito. Huwag ninyong hayaang magpatuloy ang ganitong pangyayari. Mabuti kung ipapaalam niyo na kaagad sa inyong mga guro ang totoong nangyayari sa inyong klase nang sa gayon ay maitama na nila ang kanilang mga pagkakamali. Isang alumana rin para sa mga guro: agahan ang pagkilos upang masolusyunan ang ganitong problema sa ating institusyon. Huwag ninyong hintaying maubos ang pasensya ng mga estudyante at tuluyang hindi pasukan ang inyong klase. Pumasok kami sa pamantasang ito upang matuto, hindi upang itama ang pagkakamaling ginagawa niyo. Para sa anumang kumento at suhestiyon sa nabasa ninyong opinyon, magpadala lamang ng liham sa jenirose_lozano@dlsu.edu.ph
EDITORYAL
Aberya sa pagkansela
Mahirap magsulat ngunit kinakailangan.
May nais ka bang iparating o ibahagi sa Ang Pahayagang Plaridel? Magpadala lamang ng liham sa APP@dlsu.edu.ph at sisikapin naming matugunan agad ito. Sundan ninyo kami sa Twitter: plaridel_dlsu
Mahirap Magbingi-bingihan sa katotohanan.
Para sa anumang kumento at suhestiyon sa nabasa ninyong opinyon, magpadala lamang ng liham sa john_mark_carino@ dlsu.edu.ph
Para sa anumang kumento at suhestiyon sa nabasa ninyong opinyon, magpadala lamang ng liham sa justin_carandang@dlsu.edu.ph
LAYUNIN
DAKILANG
ANG
Ang Ang Pahayagang Plaridel ay naglalayong itaas ang antas ng kamalayan ng mga Lasalyano sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga usaping pangkampus at panlipunan. Naniniwala itong may konsensya at mapanuring pag-iisip ang mga Lasalyano, kinakailangan lamang na mailantad sa kanila ang katotohanan. Inaasahan ng Plaridel na makatutulong ito sa unti-unting pagpapalaya ng kaisipan ng mga mag-aaral tungo sa pagiging isang mapagmalasakit na mamamayan. Sa pamamagitan ng paggamit ng sariling wika, nananalig ang Plaridel na maikintal sa puso at isipan ng mga Lasalyano ang tunay na diwa ng mga Pilipino.
BAYAN
Noynoy Aquino at ang pakikipag-isang dibdib sa Pilipinas
Komentaryo ni Karla Rose E. Gutierrez Dibuho ni Allan Jeffrey Bacar
BAYAN
Pag-asa at Pag-aasawa:
Noy-Bi: EPEKTIBO
NGA BA?
Kinalap nina Deborrah Anastacio at Ma. Chrisel Maniebo Dibuno ni Dennice Abegail Paragas
Mag-iisang taon na mula nang maupo ang tambalang Pangulong Benigno Noynoy C. Aquino III-Pangalawang Pangulong Jejomar Binay o Noy-Bi sa pwesto. Parehas nagmula sa magkaribal na partido: si Aquino mula sa partido Liberal samantalang mula sa Partidong Demokratikong Pilipino-Laban si Binay. Sa kabila ng pagkakaiba ng partidong kanilang kinabibilangan, masasabi nga bang naging epektibo ang kanilang tambalan?
TAMBALANG
WAKASAN
kasal, sa mga sumasang-ayon sa Divorce Bill. Sa panayam ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) kay Fernandez, iginiit niyang isinusulong ng Divorce Bill ang karapatan ng mga Pilipinong magdesisyon sa kanilang buhay may asawa. Aniya, Kung ayaw na talaga ng mag-asawa [na magsama], mas mabuti nang maghiwalay [sila] kaysa ipagpilitan pa nila ang isat isa. Maaapektuhan lang yung mga anak nila lalo na kung halatang malamig na sila sa isat isa. Sangayon man ang marami sa pagpapasa ng Divorce Bill sa bansa, bakit marami pa rin ang tumututol sa panukala? Kasalukuyang batas, hindi pa nga ba sapat? Sa kasalukuyan, may mga batas na sa bansa ukol sa pagsasawalang-bisa ng kasal. Naiiba ang mga nabanggit na batas sa isinusulong na diborsyo ayon sa ilang kondisyon tulad ng pagkakaroon ng kalayaang muling magpakasal matapos ang hiwalayan na siyang tinututulan ng ilang mamamayan. Inihain ng mga hindi sang-ayon sa panukala ang ilang mahahalagang aspekto ng kulturang Pilipino at maging ng pamumuhay ng mga tao
nina Jeremiah Adriano at Gregory Mark del Carmen Kuha ni Camille Infante
Hindi pa man natatapos ang tensyon sa pagtatalo sa ibat ibang bahagi ng bansa at ng mga mamamayan tungkol sa Reproductive Health Bill, isang panibagong panukalang batas ang muling inihain sa kamara. Kamakailan lamang, muling binuhay ng mga kinatawan ng Gabriela Womens Party List ang House Bill(HB) 1799 o mas kilala bilang Divorce Bill ng Pilipinas. Sa puntong ito, tanging ang Vatican City at Pilipinas na lamang ang wala pang batas ukol sa usaping diborsyo sa buong mundo. Kabi-kabila ang naging tugon ng mga mamamayan sa panukalang batas na ito. Magaganda naman ang punto ng bawat isa, sangayon man o hindi, sa panukalang batas na ito. Nagkaroon ng kabi-kabilang mga debate at maiinit na diskusyon ukol sa isyung ito. Pinagtatalunan ng mga nagsusulong at tumututol sa isyu ng diborsyo , handa na nga ba ang mga Pilipino para sa ganitong pagbabago? Panukalang diborsyo para sa ikabubuti ng mga Pilipino Kamakailan lamang ginanap sa ABS-CBN ang debateng pinamagatang Harapan: Divorce Bill, ipasa o ibasura? Iginiit ni Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan, isa sa mga nagsusulong ng nabanggit na panukala, na naaayon ang Divorce Bill na kanilang isinusulong sa pangangailangan ng kasalukuyang estado ng bansa. Taliwas sa mga batas ukol sa diborsyo sa ibang bansa, maraming kondisyon ang kinakailangang makita bago ito maipagkaloob sa mag-asawa. Batay sa HB 1799 kailangang mapatunayan ng mag-asawang nagbabalak na magdiborsyo ang kahit isa sa mga sumusunod: limang taon nang hindi nagsasama; dalawang taon nang legal na magkahiwalay; wala sa matinong pag-iisip at pag-uugali ang kabiyak at; pagkakaibang hindi na maaaring maisaayos pa. Dagdag pa ni Ilagan, hindi ito nakasisira sa pagiging sagrado ng kasal gaya ng iginigiit ng mga kumokontra rito. Aniya, hindi lohikal ang argumentong nakasisira ito ng kasal sapagkat sa simula pa lang ng pagpapasa ng mag-asawa para magpadiboryso, sira na ang kanilang pagsasama. Bukod kay Ilagan, ibinigay rin ni Liza Maza, dating kinatawan ng Gabriela, ang kanyang saloobin tungkol sa isyu. Ayon sa kanya, lingid sa kaalaman ng karamihan, mayroon na talagang konsepto ng diborsyo sa bansa. Taliwas sa sinasabi ng ilan na labag ito sa Saligang Batas, napapaloob ang nasabing panukala sa Artikulo VI ng konstitusyon 1987 kung saan kinikilala ang diborsyo ng kasal sa pagitan ng isang dayuhan at Pilipino. Isa sa mga ipinagmamalaking probisyon ng panukalang batas ang mas mabilis at mas murang pagpoproseso ng diborsyo rito sa Pilipinas. Dagdag pa niya, sa pamamagitan ng nasabing panukala, magkakaroon ng isa pang mapagpipilian ang mag-asawang nais nang magkaroon ng sarisariling buhay. Isa si Elvera Fernandez, 36, 10 taon nang
Bukas ang bintana ng kanyang magandang Porsche, tila mahirap hindi ipakita ang galak sa pagkakaroon ng isang primera klaseng sasakyan. Sa tabi niya, isang magandang dilag, pangatlo na sa nabalitang mga nailalabas niyang babae. Ahahh.. walang katulad ang pakiramdam ng buhay binata! Marahil hindi na niya pansin ang mga hinaing ng ordinaryong mamamayan mataas na tollgate fee, mahal na gasolina, nagtataasang pamasahe at lubak-lubak na kalsada. Ito ba ang paglalakbay tungo sa daang matuwid? Isang binatang pangulo. Isang naghihikahos na bansa. Tila, may hindi tama. Noong Hunyo ng nakaraang taon, idineklara bilang pangulo ng Pilipinas si Benigno Simeon Noynoy C. Aquino III o mas kilala bilang PNoy. Maihahalintulad sa isang telenobela ang kwentong pag-ibig ni PNoy at ng estado bayani kung ituring ang kanyang mga magulang; ang ina bilang ina ng demokrasya at ang ama bilang pangunahing oposisyon ng diktaturya. Siya naman bilang nagiisang anak na lalaki, tila itunuring ng marami na nakatadhana na ang kanyang pagkahalal bilang pangulo. Noong Hunyo, mailalarawan bilang pag-iisang dibdib ng isang binatang pangulo at estado ang pagkapanalo niya bilang pangulo. Mistulang mag-asawa ang binatang pangulo at ang estado puno ng pangako at puno ng pag-asa. Mabigat ang nakaambang responsibilidad sa likod ni PNoy: Pag-asa ng buong Pilipinas na ibangon sila ng isang nilalang sa isang dekada ng kawalang-tiwala. Ang Panunuyo Eleksyon 2010. Marami ang nanligaw sa mga mamamayan para sa pinakaaasam na boto. Gaya ng nabanggit, sampung taong nalubog ang bansa sa panahon ni Pangulong Gloria MacapagalArroyo (PGMA). Sabi ng ilang political analyst, ito ang lost decade kung kailan namayagpag ang eskandalo ng korupsyon sa ilalim ng administrasyon ni PGMA, kaya naman hindi naging mahirap itaya ang boto sa isang kandidatong bitbit ang pag-asa ng isang bayan kung saan sadlak sa kahirapan ang karamihan. Ika nga ni PNoy noong kampanya, Kung walang korap, walang mahirap. Kung iisipin, hindi tama ang katuwiran na ito, sapagkat hindi naman nasusukat ang intensyon at motibo ng isang tao na isinasalarawan ang konsepto ng pagiging korap ngunit mas binigyang bigat ng mga mamamayan ang makislap na kampanya. Sino ba naman ang ayaw na mawala ang korupsyon at kahirapan, hindi ba? Kapos man sa kakayahan si PNoy sabi ng ilang political analysts, naging mabigat na argumento ng marami ang pangangailangan ng bansa ng isang taong mapagkakatiwalaan kung kayat sa usapang trust-rating, nanguna ang Laban ni Aquino noong eleksyon. Paano nga ba hindi bibigyang tiwala ang anak ng amat ina demokrasyang Pilipino? Sa panayam ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) kay Aaron Benedict De Leon, kolumnista ng The Lobbyist, sumangayon siyang isang emosyonal na lahi ang mga Pilipino at hindi malayong naaapektuhan ng kanilang damdamin ang kanilang pagbibigay tiwala sa kung ano ang kanilang pagsangguni at pagpapatungkol kay Aquino. Ani De Leon, It was the death of Cory Aquino which triggered the emotion of many Filipinos [and] that another Aquino could save a floundering economy, and inspire us to really go out and become active participants in the rebuilding of our nation. Since the Arroyo [administration] was tainted with allegations of corruption, they were looking for a leader who was opposite of what the previous admin was. Ilang buwan pa lamang pagkapanaw ng kanyang inang itinuring na isang sagisag ng demokrasya at pagkakaisa, tila nasa punto nang malubhang pag-aasam ng remedyo ang mamamayan. Hindi naging mailap ang tagumpay sa tagapagmana ng legasiya
ng kanyang mga magulang. Matapos ang ilang buwan ng panunuyo, nagbunga ang kanyang pag-irog at isang matamis na oo ang ipinagkatiwala ng mga Pilipino. Honeymoon Pangako. Noong unang State of the Nation Address (SONA) ng pamahalaang Aquino, naging pangunahing paksa niya ang pamumuna sa nakaraang administrasyon. Ipagpalagay nating tama naman ito, sapagkat gusto niyang punahin ang mga pagkakamali ng nakaraang administrasyon. Sa kabila nito, nagkulang naman sa sustansya ang kanyang mga plano para sa sarili niyang pamumuno. Marahil madaling tuligsain ang nakaraang administrasyon sapagkat ito ang bantog na opinyon ng madla, ngunit hindi rin naman siya nagbigay ng sistema hinggil sa maayos na pagtugon sa pinunang krisis. Naging tampok ng kanyang SONA ang mga paratang sa administrasyong Arroyo. Mula sa anomalya sa mga transakyong pang-gobyerno, hanggang sa mga appointee, sweldo at bonus ng mga opisyal ng gobyerno, mga problema sa Napocor, Metro Railway Transit, Department of Public Works and Highway at National Food Authority, extra-judicial killings at iba pang pagbibigay-puna sa mga naiwang problema ni PGMA. Kahit papaano, pahapyaw din naman siyang nagbigay ng plano sa edukasyon, imprastraktura, kalusugan, sandatahang lakas, kagalingang panlipunan at iba pa. Ngunit sa lahat ng mga ito, sa isang taon na lumipas, nasaan na tayo? Kung may nagawa man ang administrasyon, gaano na ito kalawak at komprehensibo para bigyan tayo ng tunay na solusyon? Nagtaas ang mga bilihin, toll fees at pamasahe. Pahirap nang pahirap ang manggagawa at tila panakip-butas lamang ang mga solusyong kanyang ipinatutupad. Halimbawa, napakababaw ng proyektong Brigada Eskwela para tugunan ang tunay na problema sa edukasyon. Nais pa niyang bigyang subsidiya sa gasolina ang mga jeepney driver na katumbas lamang ng isang araw na pasada. Hindi bat parang may mali? Ani De Leon, They failed to recognize the evolving problems on criminality and the economy, particularly in terms of unemployment and investment opportunities. Pagtupad. Sa ngalan ng pagiging patas sa paksa, may maganda rin namang nagawa si PNoy sa isang taon niyang panunungkulan. Sa lahat ng nabanggit, ang kanyang pagtatalaga sa ilang natatanging indibidwal ang isa sa mga kapuri-puring aksyon. Mula sa Metropolitan Manila Development Authority, Department of Interior and Local Government at Department of Justice (DOJ), nagbigay sila ng sariwang pag-asa sa tila gobyernong pinamumugaran ng tradisyonal na mga pulitiko. Isang tiyak na halimbawa ang pagtatalaga niya sa dating Commission on Human Rights Chairperson Leila De Lima bilang kalihim ng DOJ. Mataas ang trust rating ni De Lima dahil sa kanyang agresibong pagtugon sa mga isyung pang-hustisya. Napakahalaga ng bagay na ito dahil isa sa mga haligi ng estado ang hustisya at kahit may mga problemang lumilitaw mula noong nakaraang taon, palagiang tumutugon ang naturang kagawaran ng walang pinapanigan. Hindi siya nangiming padalhan ng subpoena ang dati niyang tagapagtalagang si PGMA at hindi rin siya nanahimik kung may dapat punahin sa kasalukuyang gobyerno. Sa tagal na panahon na tila baluktot ang hustisya sa bansa, nagbigay ng kaunting pag-asa ang pagtatalagang ito. Hindi man natuloy, napakaganda rin ng naging pakay ng Truth Commission. Isa itong magandang pamamaraan upang matalakay ang mga nauna niyang pagpuna at alegasyon sa nakaraang administrasyon. Gayunpaman, kapuna-puna naman ang hindi magandang mga desisyon ni PNoy at ang patuloy na paghihiganti sa nakaraang administrasyon. Kitang-kita sa kanyang SONA noong 2010 na
kulang na kulang tayo sa isang plano ng paggawa. Maraming oras na ang nasasayang sa paghahabol sa dating administrasyon na minsan, iisipin mo kung isa na lamang bang palusot ang pasakit ng nakaraan para hindi tayo makausad sa kasalukuyan. Sumasang-ayon naman dito ang political strategist ni dating Senador Richard Gordon na si Louis Pawid. Ayon sa panayam sa kanya ng APP, aksyon din ang kinakailangan at nagiging masyado ng populist ang pangulo dahil higit na apektado ito sa pagtingin sa kanya ng tao kaysa sa trabahong kanyang nagagawa. Ani Pawid, Nanalo siya sa pangakong matuwid na daan [pero] huwag na siyang magbintang ng baluktot na daan sa nakaraan [dahil] ang kailangan ay ituwid na ang daan. Matapos ang unang taon ni Aquino, saan na nga ba tayo patungo? Wala nga bang pupuntahan ang relasyong ito? Masakit isipin na naka-angkla ang pag-asa ng bayan sa administrasyong Aquino gayong wala naman tayong tiyak na plano sa simula pa lamang. Walang katuturan ang direksyon ng gobyerno at ang panakip-butas na ginagawa ng administrasyon. Nag-aabang ang bawat isa sa pag-aasam ng isang magandang bansa sa 2016 pero tila nasa kampanya pa rin si Aquino nangangako nang nangangako, pero walang planong maipakita. Tiyak na ebidensya rito ang kanyang polisiyang panggobyerno sa mga subsidiya at dole-out. Di naman natin kaya ang isang sistema ng dole-outs ngunit gumagastos tayo ng walang kasiguruhan sa kalalabasan nito. Kumbaga, tila hindi pa naiisasabuhay ni PNoy sa kanyang sarili ang responsibilidad at obligasyon sa bansang Pilipinas. Sa anumang pagsasama, mas malaki ang iyong inaasahan, mas malaki ang pagkakataong mabibigo ka. Mula sa mga pagpunang ito, walang nag-aasam na bumagsak ang administrasyong Aquino, kung hindi nagbibigay lamang ng kritiko upang maibangong muli ang sambayanan. Kung tutuusin, pare-pareho namang nakasalalay ang ating kapakanan sa tagumpay ng pagsasamang Aquino at Pilipinas.
Maipasa man o hindi ang panukalang batas ukol sa diborsyo, hindi pa rin mababago ang kahalagahan ng kasal sa mundo.
sa mundo. Sinasabing ang pamilya ang siyang pundasyon ng isang lipunan. Sa opisyal na pahayag ni Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma, S.J., D.D. sa Catholic Bishops Conference of the Philippines News, sinabi niyang hindi makatutulong ang diborsyo upang solusyonan ang problemang mag-asawa. Giit pa ni Ledesma, maaaring makasira sa lipunan ang diborsyo. Aniya, Legalizing something that is immoral will not make it right, but will make it worse. Kasabay ng paghihiwalay ng mag-asawa ang pagkasira ng institusyong kanilang itinaguyod sa loob ng maraming taon. Bunsod nito, matinding tinututulan ng Simbahang Katoliko ang panukalang batas na ito. Kumukontra rin sa nasabing panukalang batas si Maria Lourdez Mejia, 35, 9 taon nang kasal. Sa panayam ng APP kay Mejia, naniniwala siyang sagrado ang pag-iisang-dibdib na mayroong basbas mula sa Maykapal at hindi dapat ito pinuputol ninuman. Aniya, Kapag ikinasal na ang dalawang [nagmamahalan], hindi lang sila ikinakasal sa harap ng tao kundi pati na rin sa harap ng Diyos. [at] walang karapatan ang sino mang tao na putulin [ang ugnayang] ito. Panibagong lusot, panibagong gusot Nagsisilbing patunay ang mga linyang For
richer or for poorer, in sickness and in health, till death do us part sa ating kabiyak ng ating intensyong mamuhay kasama sila hanggang sa matapos ang walang hanggan. Gayunpaman, banta sa walang hanggang pagsasama ang mga suliraning maaaring kaharapin ng mag-asawa sa ibat ibang aspekto ng pamumuhay bilang mga indibidwal at iisang pamilya. Sa kabila ng init ng pagtatalo kaugnay ng nasabing isyu, mayroon namang mas pabor na huwag muna itong pag-usapan. Ayon kay Jen Galang, 29, sa panayam sa kanya ng APP, mas mabuting huwag na lang muna itong pag-usapan ng mga mambabatas. Aniya, mas marami pang ibang mas mahahalagang isyung pambansa na dapat pagusapan tulad ng problema sa edukasyon at Spratlys Island. Bukod pa rito, dagdag niya, malabong matuloy ang pagpapasa nito sa Kongreso. Hanggat malaki ang epekto ng Simbahan sa pagdedesisyon ng pamahalaan, hinding-hindi maipapasa ang [panukalang] ito, pagtatapos niya. Subukang paghiwalayin ang relihiyon, ang espiritwalidad, o maging ang pagmamahal, kahit sa bahagi lamang na ito. Mahalaga ang pagpapakasal. Ito ang paraan upang pagsamahin ang dalawang taong nagnanais na bumuo ng isang matiwasay na pamilya. Maipasa man o hindi ang panukalang batas ukol sa diborsyo, hindi pa rin mababago ang kahalagahan ng kasal sa mundo. Sa pagkakataong maipasa ang panukalang batas na ito, kahaharapin ng mga Pilipino ang batas na sumasalungat sa nakasanayang kultura at tradisyon. Dagdag pa, isang malaking hamon din sa tunay na kakayahan ng mga mambabatas ang pagtiyak sa kung ito na nga ba ang panahon upang pagtuunang pansin ang isyung ito. Tunay nga bang kinakailangan na ito ng ating bansa sa kasalukuyan? Ano man ang kahantungan ng panukalang ito, maging bukas sana ang isipan ng mga Pilipino sa kung ano ang makatwiran at wasto.
Narito ang ilan sa masasabi ng ilang mamamayan at mga Lasalyano ukol sa kanilang tambalan: They both kind of worked separately or independently. Si Noynoy, I know, people had been criticizing him. Personally, I think he did a good job in dealing with people. He went to a lot of places [and] he did a lot of speeches but with regards to real advancements, sa cabinet, parang wala pang masyadong breakthrough talaga. But things are still intact, people trust him more, people arent calling him to resign its just that they are not cohesive together. - Cabe Aquino, University Student Government President Masyado lang nag-focus [ang] mga Pilipino sa pagtingin sa mga mali when in fact tayo ba anong nagawa natin? Ilang buwan pa lang and hindi madali [yung] trabaho nila pero may nagawa na sila, obviously mas nababawasan [yung] katiwalian [at mas] madaming na-expose. We should just stop being too judgemental when in fact we are not that aware on what really have they done. For me, theyre doing a good job as of the moment. -Gianne Malimban, II - AB-OCM Arroyos government really left a lot of work for the Aquino - Binay government, but, on my opinion, I havent felt that we already have a new government. Maybe theyre doing their jobs but they should do more! Fulfill all the promises that they made last election. Both of them should not make Filipinos feel that they once again voted the wrong people who will serve them for six years. -Athena Acosta, III - LMG What Ive noticed [is that] gas prices got higher [and I] dont like that. Ta[po]s tumaas na rin ung minimum [fare] sa bus, I dont like that [too]. Ang daming scandal na nasu-suround kay PNoy [tulad ng] paporsche-porsche nalang so thats... not nice to see. Si binay balita ko okay naman and strong-willed so sige good for him. Pero overall, [wala] ako masyadong nafi-feel talaga since the elections -Michael Sanchez, IV - CS-ST Para sa akin, hindi ko ramdam ang tandem [nina] Noy-Bi dahil puro salita sila pero wala naman [silang] ginagawa. Kung mayroon mang napapatupad, hindi namin ito nararamdaman; katulad na lang noong Quirino Grandstand Hostage Taking crisis, sinagot nila ang issue na magkaiba ang opinion kaya tuloy nagmukhang si Noynoy lang ang may pakialam. -Jhen Roque, III - LMG
SUNDAN SA PAHINA 10
RETRATO
RETRATO
Sentenaryo
[Today], we celebrate the many people touched by the Lasallian mission people who have found meaning in their lives, [people] who make a difference in the world of today.
- Br. John Thompson, FSC
Isang pagbalik-tanaw sa ibat ibang aktibidad na naganap noong Centennial Celebration Kuha ni Cassandra Louise Singson Hunyo 16, 2011
Mulit muli, pinatunayan ito ng De La Salle University, dahil ito ang puso ng taga-La Salle: pumipintig ayon sa liwanag at wagas na pagmamahal ng Poong Maykapal, at tumitibok para sa diwa at dangal ng lahing Pilipino.
- President Benigno S. Aquino III
10 BAYAN
BUHAY
AT KULTURA
11
MGA NATATANGING
agkakakulong ang karaniwang nagiging parusa sa mga taong nagkakasala sa batas. Walang kapantay na kalungkutan ang maaaring mararamdaman ng kahit na sino makita pa lamang ang rehas ng kulungan. Mahihinuha mula sa mga mukha ng mga taong nakakulong sa loob ng mga kinatatakutang seldang ang imahe ng kawalang pag-asa. Sa kabila ng nakapanlulumong imaheng ito, lingid sa kaalaman ng nakararami, ilang preso ang nakararanas ng buhay malaya sa loob ng mga kulungan. Mayroong ilan na nabibigyan ng mga pribilehiyo tulad ng paglabas-masok kung kailan nila naisin at mamuhay-hari sa loob ng piitan. Karaniwang pabor sa mga may-kayang preso ang ganitong sistema ng palakasan dahil sa kakayanan nilang maglabas ng agarang salapi. Isang patunay ng ganitong kaso ang ispesyal na pagtrato umano kay Antonio Leviste, dating gobernador ng Batangas, nang ibinunyag ng ABS-CBN News ang kanyang malayang paglabas sa compound ng New Bilibid Prison (NBP). Sa pagkukubli ng masarap na buhay sa kulungan ng ilang mayayaman, masasabi pa bang nagagampanan ng koreksyonal ang layuning maitama ang isang mabigat na kamalian?
para sa mga privileged. Kung ma-pera ka kasi, ang ibang [kubol] dyan, [pwede mong] rentahan. Sa ganitong sistema, hindi imposibleng maging daan ang mga kubol upang lumawak ang kalakalan ng Sex Trade sa loob ng NBP. Dagdag pa rito, hindi maiiwasang mabigat na mabatikos ang NBP pagdating sa alokasyon ng pasilidad. Habang pinahihintulutan nilang magpakasaya ang mga mayaman at makapangyarihan, tinitiis naman ng 19,000 kapit-patalim na presong nakakulong sa NBP ang masikip, mainit at maruming kapaligiran. Sinong hindi maawa sa mga taong mala-sardinas na sa sikip ang tulugan tulad sa NBP umaabot sa 81 na preso ang nakakulong sa bawat seldang may kapasidad lang na 27 katao?
PASYALAN
PAGBALIK-TANAW
SA KULTURANG PILIPINO
nina Krysta Mae Alcala at Wilma Patricia Diguangco
SA MAYNILA:
Kuha ni Harlene Ilagan
MAYNILA sa paglipas ng panahon, nagsisilbi pa rin itong paboritong destinasyon hindi lamang ng mga Pilipino kundi pati na rin ng mga dayuhan. Bagamat niyakap na ng lipunan ang pamumuhay na kaakibat ng modernisasyon, nananatiling makulay at mayaman ang kulturang una nating kinamulatan sa bawat sulok n ito. Sa kabila ng lahat ng pag-usbong ng mga modernong gusali rito, hindi pa rin kumukupas ang ganda ng Maynila. Ito ang rason kung bakit hindi nawawalan ng dahilan ang mga tao upang muling balikan ang mga kilalang pasyalan sa siyudad. Patuloy man ang pag-unlad nito, hindi maitatangging may ilang mahahalagang lugar sa Maynila ang di pansin ng kasalukuyang henerasyon. Ano-ano nga ba ang mga lugar na ito at paano nito sinasalamin ang kulturang Pilipino? Buksan ang mga matat ihanda ang mga paa sa tatlo sa mga bagong mukha ng pook-pasyalan sa siyudad ng Maynila.
Tugon ng pamahalaan
Bilang pagtugon sa magulong kalagayan sa loob ng piitan, nagkakaroon ng ibat ibang plano ang BuCor upang masolusyonan ang lumalalang sistema sa loob. Una sa mga plano ng BuCor ang panandaliang paglilipat ng ilang mga preso sa Ihawig Penal Colony sa Palawan. Isa rin ang pagkakaroon ng panibagong kulungan sa mga plano ng pamahalaan at ang pagkakaroon ng estado ng mga kulungan. Batay sa planong ito, magkakaroon ng isang malaking piitang matatagpuan sa bawat sentro ng rehiyon. Magiging batayan ang rehiyon na pinagmulan o lugar-kapanganakan ng isang preso sa pagtukoy ng kanyang piitan. Hindi ang pagpapalit ng kulungan ang dapat pagplanuhan ng pamahalaan sapagkat bukod sa malaking halaga ang kakailanganin sa pagsasagawa nito, maaaring hindi rin ito maging epektibo. Matatandaang bago mailagay ang Bilibid sa Muntinlupa, dati itong nakalagay sa Rizal. Kung iisiping mabuti, lugar lamang ang pinagkaiba ng dalawang kulungan ngunit magkapareho lamang ang sinusunod na sistema. Imbis na gawing solusyon ang pagpapalit ng kulungan dapat pagsasaayos ng mga pasilidad at ang pagbibigay ng sapat na pangunahing pangangailangan ng mga preso ang pinagtutuunan ng pansin ng pamahalaan. Maayos na pasilidad pangmedikal ang isang halimbawa sa mga panganagilangang hindi naibibgay ng pamahalaan. Mas maliit ang magagastos ng pamahalaan sa pagsasaayos ng mga pasilidad kumpara sa pagpapalit ng kulungan. Bukod pa rito mawawalan na ng palusot ang ilang mga preso upang makalabas. Nararapat rin na pagtuunan ng pansin ang pagrerebisa sa manwal na siyang gabay ng sistema sa loob ng piitan. Isa ang kubol at patakaran sa pagbibigay ng mga pribelehiyo sa mga kailangang ayusin sa sistema sa kulungan. Wika ni Montes, Tulad ng ilang batas sa bansa, mayroong mga nakasaad sa manwal na hindi na akma sa sitwasyon sa loob [ng kulungan]. Nararapat na maging mahigpit na ang pagpapatupad ng mga batas na ipinapairal sa loob ng mga piitan, sa oras na maisaayos na ang sistema nito. Gayunpaman ano mang pagsasaayos ang gawin sa ating mga batas, kung may mga taong susuway rito, mawawalan lamang ng saysay ang lahat.
Pagkilala sa kalikasan
Pangalan ng lugar: Arroceros Forest Park Mga rason upang balik-balikan: Itinayo noong 1994 ng Winner Foundation, itinuturing itong Lung of the City dahil Sa 3,000 punong nakatanim rito na nagsisilbing anti-pollutant ng usok na nagmumula sa mga gusali at sasakyang nakapalibot sa Maynila. Bilang isang urban forest, ito ang nagsisilbing tahanan ng ibat ibang klase ng hayop tulad na lamang ng mga ibon. Bukod rito, idinaraos dito ang ibat ibang programa katulad ng Earth day celebration,lakbay-aral, at maging poetry-reading. Sa kasalukuyan, isang parte ng nasabing lugar ang pagtataniman ng mga halamang mula pa sa mga mangangalakal at prayle noong panahon ng Galleon sa Pilipinas. Bukod pa rito, nais ding gawing isang rainforest ang nasabing kagubatan sa hinaharap. Mga klase ng taong malimit magtungo rito: Kung katahimikat kapayapaang sa piling ng kalikasan ang nais mo at pakinggan ang awiting hatid ng mga ibon, mamasyal na sa nag-iisang urban forest sa loob ng Maynila. Direksyon mula DLSU: Sumakay ng jeep at magbayad ng walong pisong pamasahe patungong Lawton-Quiapo at bumaba sa paanan ng tulay ng Quezon. Mula rito, maglakad sa kaliwang bahagi ng Mayor Antonio J. Villegas Rd. at magtungo sa Arroceros gate. Wala pang limang minuto, makakarating ka na sa urban forest ng Maynila.
Tuklasin at mahalin ang Maynila Sa pagbisita sa tatlong pasyalan, kapansin-pansin ang magagandang lugar sa paligid ng Maynila na lingid sa kaalaman nang nakararami. Masayang isiping mayroon pang natatagong kayamanan ang siyudad maliban sa mga tipikal na pook-pasyalang kinagigiliwan hindi lamang ng mga Pilipino. Ipinapakita nito na hindi nalilimita ang ating kasalukuyang pamumuhay sa mga malls at theme parks lamang. Kung bubuksan ang pinto ng mga natatagong lugar na ito, may dahilan pa nga bang hindi balik-balikan ang kabisera ng Pilipinas? Nananatili ang Maynila sa isa sa mga pinakasikat na destinasyon kung saan maaaring matuklasan ang mga bagay-bagay tungkol sa Pilipinas. Nagkakaiba-iba man ng konsepto ng bawat lugar, pare-pareho naman nitong sinasalamin ang mga natatagong sining at tradisyong Pinoy na ikinukubli ng modernisadong panahon. Sa patuloy na pagtuklas sa mga natatanging lugar sa Maynila, mas makikilala at madadagdagan ang ating kaalaman tungkol sa mayamang kulturat kasaysayan ng Pilipinas.
12 BUHAY AT KULTURA
BUHAY AT KULTURA
13
Katawan natin,
instrumento ng isang tugtugin
nina Amity Ruaro at Emmanuel Elijah Songcuya
TAGLAY ng ibat ibang elemento ng musika ang kapangyarihang pukawin ang damdamin ng mga tapakinig nito. Kinakailangan ng isang awitin ang tamang kombinasyon ng ibat ibang elemento tulad ng mapang-akit na himig at makabuluhang titik. Bukod sa mga ito, mahalaga rin ang mga angkop na instrumentong tulad ng gitara at piano na tutugma sa damdamin ng awitin. Masasabing bahagi na ng kulturang Pilipino ang pagkahilig sa musika dahil sa pagiging malikhain at pagkakaroon ng mainam na pandinig. Gamit lamang ang mga ordinaryong bagay tulad ng mga lata, kahoy, at maging ang sarili nating katawan, nakagagawa tayo ng mga makabuluhang tunog na mailalapat sa matatamis nating awitin. Kung kaya ng isip, kaya ng bibig Tulad ng ating kultura, malaki ang naging impluwensya ng mga dayuhan sa ating tradisyonal na musika. Makikita sa ating tradisyonal na musika ang impluwensya ng mga dayuhan tulad ng mga taga-India, taga-Tsina, at lahat pa ng ibang tao na dumayo sa Pilipinas sa kurso ng panahon. Mula sa bawat sulok ng mundo, nahaluan na ng ibat ibang kulay ang musikang Pilipino. Sa bawat pangkat etniko sa bansa, kilala ang musikang mula sa boses bilang pinakaimportanteng uri. Sa paglipas ng panahon, mula sa paggamit ng boses at ibat ibang instrumento, natuto tayong gumamit pa ng ibang mga bagay tulad ng ating mga katawan sa paglikha ng musika. Kapansin-pansing sa rami ng mga genre ng musika, isa sa mga tunay na naging tampok sa masang Pilipino ang hip-hop dahil sa nakapupukaw nitong beat at ritmo. Bukod pa rito, dahil sa malawak na hanay ng mga instrumentong gamit ng nasabing genre, samut saring tunog ang mariring sa mga tugtugin nito. Kabilang si Danny Moynihan, 19, isang DJ sa Green Giant FM ng De La Salle University, sa mga Pinoy na nahumaling sa genre ng hip-hop. Isa rin siya sa mga buhay na patunay na maaaring maging instrumento ng musika ang katawan ng tao sa aspekto ng hip-hop. Kilala si Moynihan sa kanyang hindi matatawarang kahusayan sa beatboxing gamit ang kanyang bibig upang makalikha ng mga tunog na galing sa mga instrumentong tulad ng drums at turntables. Nagbunsod sa beatboxing ang pagkahumaling ni Moynihan sa hip-hop music. Noong una, hindi naging madali ang beatboxing para sa kanya dahil hindi tugma ang paggalaw ng kanyang bibig sa mga tunog na nais niyang gawin. Para sa kanya, naging madali ito dahil natural na sa kanya ang pagkakaroon ng ritmo sa katawan.
BUHAy
SA GITNA NG MASAHOL NA MUNDO
ni Renato Rebellon Jr. Dibuho ni Dennice Abegail Paragas
BASURERo
Kahit saan man tayo pumunta, dala natin ang sariling talento at ang kultura natin bilang Pilipino.
Tapik sa hita, tapik sa tiyan Bukod sa ating mga bibig, maaari ring maging instrumento ng musika ang iba pang bahagi ng ating katawan tulad ng hita, tiyan, at kilikili. Ipinakita ng Tunog Tao ng Eat Bulaga, isang noon time variety show sa GMA 7, na posible ngang makalikha ng musika sa pamamagitan ng ibat ibang bahagi ng katawan ng tao. Sinubok ng paligsahang ito ang paggamit ng mga kalahok ng sarili nilang mga katawan sa pagtugtog ng mga tanyag na awitin sa bansa. Sa pagsubaybay sa Eat Bulaga, napag-alaman ng isa sa mga kalahok ng Tunog Tao, ang Street Beat Drumbeaters, na maaari palang maging instrumento ang sarili nilang mga katawan. Lumahok sila sa Tunog Tao at ipinakita ang kanilang galing sa pagpapatunog ng ibat ibang bahagi ng kanilang katawan. Ayon sa panayam ng Ang Pahayagang Plaridel kay Paolo Reyes, 26, percussionist ng Street Beat, Nadiskubre namin kung paano patugtugin ang bawat parte ng aming katawan. [Matapos iyon,] nag-isip [naman] kami ng magagandang tunog para tumugma [ang mga ito] sa gagawin naming kanta. Isinasaalang-alang nila ang mga tunog na maaaring magkaroon ng magandang kontribusyon sa kantang kanilang tutugtugin. Isa sa mga hinaluan nila ng sarili nilang timpla ng mga tunog ang awiting Lintik na Pag-ibig ng Brownman Revival. Aliw na dulot ng tunog tao Talaga namang kakaiba para sa ating mga Pilipino paggamit ng sarili nating mga katawan bilang mga instrumento. Para kay Moynihan, sadyang malaki ang naitulong ng pagkalibang niya sa beatboxing para mahumaling sa napili niyang larangan. Lalo rin siyang naengganyo sa ideyang siya mismo ang
instrumento sa paglikha ng mga awitin. Ani Moynihan, In Beatboxing, you do more electronic or synthesized sounds. In Vocal Percussions, you imitate the natural sounds of actual percussion instruments such as a drum set or bongos. I do both [Beatboxing and Vocal Percussions]. Bukod pa rito, naging dahilan din ang pagiging instrumento ng kanyang bibig upang maging masaya ang kanyang pakikitungo sa mga tao. Aniya, noong panahon ng kanyang kabataan, naging mahirap sa kanya ang pakikipagkaibigan sa ibang tao. Who knew that that same thing which caused me so much ridicule in the past would be the same thing that would put me where I am now? pagbabahagi ni Moynihan. Mas nauna namang natutunan ni Reyes ang pagtugtog ng percussion instruments kaysa sa pagtugtog gamit ang ibat ibang bahagi ng kanyang katawan. Mas nakahuhumaling din para sa kanya ang paggamit ng percussion instruments dahil mas nakikita niya ang pagsayaw ng mga tao tuwing tumutugtog sila ng samba at etnikong musika. Bagamat ganito, hindi pa rin niya maitatanggi ang saya at tawang naidulot ng kanyang banda sa pagtugtog gamit ibat ibang bahagi ng kanilang mga katawan. Kapangyarihang taglay ng Musikang Pilipino Kahit saan man pumunta tayong mga Pilipino, dala natin ang sariling talento at ang kultura natin bilang Pilipino. Naniniwala si Moynihan na kahit hiram ang ilang bahagi ng ating kultura, nagiging ispesyal ito dahil sa puso nating mga Pilipino. Dagdag pa niya, mas nagiging katangi-tangi ang musika natin dahil din sa identidad na taas-noo nating ipinagmamalaki. Pinatunayan nina Moynihan at Reyes na hindi mahalaga ang instrumentong gamit pagdating sa paglikha ng musika bagkus, mahalaga ang pagmamahal na ibinibigay ng mga awitin at ang mensaheng ipinapahatid nito. Sa kaso ng pagtugtog gamit ang ibat ibang bahagi ng katawan ng tao, nagdulot lang ito ng aliw at halakhak sa mga nakikinig nito dahil sa angkin nitong kakaibang tunog.
KAY sarap nga namang simulan ang umaga na ginising ka ng samyo ng almusal na naghihintay sa hapagkainan. Napakapresko sa pakiramdam ng hangin, ngunit biglang kumunot ang iyong noo dahil sa naging amoy basura na ang naging simoy nito. Ang baho! Sa bawat sulok nga naman ng mga kalye at eskinita, makakahanap ka ng mga mabaho at nakakadiring basura. Tila ba naging isang palamuti sa isang kalsada ang mga basurang nagkalat. Hindi na ba talaga kayang maalis ang markang iniwan ng mga basurang pilit nang ibinabaon ng lipunang Pilipino.? Ano nga bang meron sa mga basura at hindi tayo magkamayaw na tanggalin ang mga ito? Masasabi kong kahit kailan, hindi ko naramdaman ang maglinis ng mala-bagyong kalat na ako mismo ang gumawa. Paano kung maging isa akong kolektor ng basura? Alam kong marangal na trabaho ang pagbabasura, ngunit ano nga ba ang pakiramdam na harapin ang mga bagay na ayaw na ng iba dahil sa rumi at masangsang na amoy nito? Kasabay ng pagbubukas ng aking isipan sa isang mundong iniiwasan ng karamihan, nilakbay ko ang isang mundong nagkukubli sa likod ng buhay ng isang basurero. Samyo ng masamang umaga Araw ng Miyerkules, ikalawang linggo sa buwan ng Hunyo, nagising ako sa ingay na nagmumula sa aking orasan. Hudyat ito ng pagsisimula ng isang paglalakbay na aking tatahakin sa isang mundong marami sa atin ang hindi nanaising subukin. Nais kong mabuhay sa isang bangungot na tila ba isa akong
Pilipinong napaglaruan ng tadhana at nauwi na lamang sa paghahakot ng basura. Alas-tres ng madaling araw, may kabat nginig akong dumating sa opisina ng Leonel Waste Management Corporation kasabay ang ilang mga taong makakasama ko sa paghahakot. Lumipas ang ilang sandali at tinawag na ang aking pangalan para maipakilala ako kay Mang Apolonio, ang drayber ng trak na aming gagamitin sa pagbabasura. Pagkatapos nang aming usapan, kinuha na ni Mang Apolonio ang trak na aming gagamitin para sa buong araw kasama ang dalawa pang basurerong sina Kuya Mervin at Kuya Arnold na sasabak sa isang pagsubok. Gusto ko nang umurong!, tila sambit ng kinakabahan kong katawan. Subalit, hindi ko pwedeng palampasin ang pagkakataon. Nababalot sa dilim ang umaga at tahimik ang baw at kalsad a. Humarurot ang aming trak na parang nagbabadyang may papalapit na halimaw dahil sa nalilikhang ingay nito. Katabi ko si Mang Apolonio sa harapan ng trak habang nakalambitin naman sa likod ang dalawa pang basurero. Madilim, mabaho, mainit at malungkot sa loob ng trak na tila ba inilagay ka sa loob ng isang basurahan. Una kaming napadaaan sa isang palengke kung saan mga tuyong balat ng buko at ilang mga basura galing sa mga kalapit-bahay ang aming nakolekta. Sa bawat busina ni Mang Apolonio, nagsisilbi itong hudyat sa mga taong natutulog sa kanilang mga bahay na gumising na at ibigay ang kanilang mga basura nang nakaraang araw. Bagamat nakakapagod na ang una naming pagsubok, napuno pa rin
naman ng kwela ang trabaho dahil sa mga asaran, kwentuhan at awitan nina Kuya Arnold at Kuya Mervin. Pagkatapos namin sa palengke, dumiretso naman kami sa isang kilalang kainan na tila ba para lamang sa mayayaman sa tunog pa lamang ng pangalan nito. Sa halimuyak pa lamang ng naghalongpanis at tirang pagkain, halos gusto nang kumawala ng pansit na inalmusal ko. Sa kabila nito, patuloy ko pa ring pinilit na maging malakas at itinuon ang atensyon sa trabahong dapat tapusin. Kailangan kong matapos, bulong ko sa aking sarili, at saka ko naramdaman ang buhos ng ulan. Simbolo ng basura Pawis, pagod, at puyat ito ang mga salitang naglalarawan sa naging takbo ng aking araw. Kasabay pa nito ang matinding amoy na bumabalot sa lahat ng basurang nakaharap ko sa umaga. Sa gitna ng lahat ng ito, hindi ko maiwasang isipin ang paghihirap na nararanasan ng mga basurerong kasama ko. Nakapagtatakang sa kabila ng pagod, nagagawa pa rin nilang ngumiti at makipagtawanan sa isat isa. Bagamat wala namang masangsang na amoy ang hatid ng aming kargada, tila suklam ang kanilang isinusukli sa bawat titig na aming ibinibigay sa kanila. Sa kabila ng trabaho, nagsimula na naman akong paglaruan ng aking isipan. Sa gitna ng walang humpay na pag-ulan, tila ba nabalot sa kalungkutan ang daan habang kinukuha namin ang marumi at masukal na basura parang kung paano lamang ihatid ng anghel ng kamatayan ang masasamang kaluluwa sa ilog Styx. Sa isang kisapmata, nawala ang kasiyahan, muling namayagpag ang kalungkutan sa paligid, at nakiramay ang aking mata sa simpatya ng langit. Hindi ako naluha dahil sa tunay na dagat ng kadiring basura. Hindi rin ako naiyak dahil sa mga batang ginagawang meryenda ang langaw na dumadapo sa kanilang bibig para lamang magkalaman ang tiyan. Naluha ako dahil hinigitan nito ang lahat ng klase ng pamumuhay na sadyang aking nasilayan at ang lahat ng klase ng awa na aking naramdaman sa buong buhay ko. Natapos ang aming gawain at umuwi ang aking mga kasamahang masaya para sa isang gawaing natapos nang maaga. Umuwi naman akong hindi na alintana ang baho, ngunit dala ang pangako sa sarili na hindi na muling babalik sa isang lugar na sadyang puno nga ng bangungot. Buhay na sinalanta ng basura Hindi madaling trabaho ang pagbabasura. Sa katunayan, humahanga ako sa mga taong minsan kong nakahalubilo dahil sa kanilang
paninindigan sa kanilang pangunahing trabaho, ang pagbabasura. Isa sila sa mga taong napakatiyaga at napakasipag dahil kahit na napakaraming basura ang kailangan nilang kunin araw-araw, hindi maririnig ang pagrereklamo mula sa kanila. Aaminin ko na hindi ko kaya ang klase ng pamumuhay na dulot ng pagbabasura. Hindi ito dahil sa tindi at dumi, sa maliit na sweldo o sa isang simbolo na dadalhin mo kahit kailan. Kundi dahil ito sa klase ng buhay na kinakasalamuha ng trabahong ito sa araw-araw. Sadya ngang naubos ang aking lakas dahil sa walang humpay na pag-iisip kung paano matutulungan ang mga taong ito ngunit hindi ko magawa. Sino nga naman ang hindi manghihina kung masilayan niya ang isang mundong napagkaitan na ng pag-asang natural na mahahanap sa kahit na sino. Alam ko na sadyang hindi kapanipaniwala ang mga bagay na nasilayan ko at ang klase ng buhay na aking naranasan, ngunit ito ang totoo, ito ang buhay paraiso ng isang basurero sa gitna ng masahol na mundo.
kainan sa Kamaynilaan na naghahain ng mga putaheng hitik sa sustansya sa murang halaga. Gamit ang gluten, tofu, wheat, soy chicken, at iba pang natural na sangkap, nagiging masustansya ang mga pagkaing tulad ng sisig, barbeque, burger, pasta, at chicharon. Sa itsura pa lamang ng mga putaheng ito, siguradong matatakam ka kahit na walang sangkap na karne ang mga ito. Nagbigay ng halimbawa si Mary Ann Duran, 49, may-ari ng nasabing kainan, kung gaano kaepektibo ang kanilang establisyimento sa paghahanda ng mga pagkaing hindi aakalaing gulay ang ginagamit sa paghahanda. Aniya, Yung mga bata na hindi sanay sa [pagiging] vegetarian [at mas
pinapaburan ang pagkain ng karne], gustong-gusto nila yung pagkain namin dito dahil yung barbeque mukha at lasang karne. Natutuwa si Duran dahil maituturing na instrumento ang Greens sa pangangalaga sa kalusugan ng mga kumakain dito. Bukod pa rito, ipinagmalaki rin ni Duran na taliwas sa iniisip ng iba, hindi naman mahal ang presyo ng pagkaing kanilang inihahanda. Isa pa sa pinakanakatatakam na pagkaing panghimagas-Pinoy ang sorbetes.Sa sangkap nitong hitik sa asukal at taba, hindi ito inirerekomenda ng mga doktor lalo na sa may mga diabetes. Mula sa kalabasa, malunggay, kamatis, sili, at iba pang prutas, nakakagawa ang Paradis Natural Ice
Cream ng mga masustansyang sorbetes. Ayon sa panayam ng APP kay Mark Espaola, 32, isang ice cream chef, Kino-consider namin yung mga costumer na diabetic saka vegetarian dahil dapat mayroon silang benefits na makukuha sa ice cream na kinakain nila kahit na may sakit sila. Ayon kay Jermaine Diaz, 20, sales attendant, itinuturing nilang malaking bahagi ang pagtangkilik ng customer sa kalidad ng kanilang sorbetes. Aniya, Hindi kami gumagamit ng preservatives, powdered ice cream at kahit anong emulsifiers. Medyo mahal man yung costing namin, napapanatili naman namin yung sustansya at sarap nito (sorbetes). Isa si Angeli Recella, AB-PSM 11, ID number 108, sa mga tumatangkilik sa mga alternatibong pagkaing
madaling gawin at tiyak na pasok sa bulsa ng bawat isa. Bunsod ng kanyang pagkahilig sa mga gulay at prutas, sinubukan niyang pag-eksperimentuhan ang pagluluto nito. Pagbibigay-diin ni Recella, Iba talaga kapag sarili mong luto. Sakto sa panlasang habol mo, sakto sa panlasang Pinoy. Ibinida rin ni Recella na kapag gustong-gusto niyang kumain ng junk food, pipino na may dinurog na paminta at suka na lamang ang kanyang kinakain. Pagkaing masustansya para sa masa Patunay ang ibat ibang alternatibong kainan sa ating bansa kung paano nagbabago ang panlasang
Pilipino. May okasyon man o wala, tiyak na mahirap tanggihan ang mga pagkaing nakahain sa ating mesa. Sa pagdaan ng panahon, hindi mawawala ang masusustansya at alternatibong pagkaing tunay na pinahahalagahan ang kalusugan ng mga mamamayan. Sa nalalapit na hinaharap, tiyak na mas tatanggapin pa ang ganitong uri ng pagkain. Ano pa ang hinihintay mo? Tikman nat suriin ang mga alternatibong pagkaing magpapalusog sa katawan at makakatulong sa paglago ng umusbong nating kultura.
14SINING | ISPORTS
ISPORTS
SINING
15
Muli na namang hahataw ang mga atleta ng De La Salle University (DLSU) para sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP). Kaugnay nito, maraming bagong salta sa ating Pamantasan ang dapat nating abangan sa papalapit na UAAP Season 74. Kilalanin natin ang ilan sa mga atletang magpapatuloy na pagliyabin ang tradisyon ng DLSU sa mundo ng palakasan.
Alfonzo Gotladera
Stephanie Ureta Allan Jeffrey Bacar
Kurso: AB-SPM Koponan: Green Archers High School: San Beda College Rizal Maipagmamalaking karangalan: Tumulong sa pagkamit ng Red Cubs ng back-to-back championships mula 2009-2010. Nais matamo ngayong Season 74: To win the Championship for our centennial year.
Maganda ang naging pagtatapos ng Lady Paddlers noong isang taon, subalit hindi kuntento rito ang koponan ni Coach Lauro Crisostomo. Sa pagpasok ni Talento sa koponan, maibabahagi niya ang malawak niyang karanasan sa paglalaro ng table tennis. Idagdag pa rito ang kakaibang liksi niya sa paggalaw at kahanga-hangang eye-hand-mind coordination.
Kurso: ECE Koponan: Green Tankers High School: Chiang Kai Shek College Maipagmamalaking karangalan: Nagtapos na ikatlo sa 200m medley sa Palarong Pambansa 2011. Nais matamo ngayong Season 74: Aim Higher. Win Harder!
Matapos makamit ang kampeonato noong Season 72 sa pangunguna ni 3-time MVP Enchong Dee, hindi naman naipagpatuloy ng Green Tanker holdovers ang tagumpay ng koponan. Nagtapos lamang sila na ikaapat noong nakaraang taon. Dulot nito, kailangan ng koponan ang gaya ni Lin na makatutulong sa muling pagsungkit ng kampeonato ng DLSU, makapag-ambag na rin sa medal tally ng Taft-based squad.
Mula sa koponang nagkampeon noong Season 73, malugod na tatanggapin ng Green Jins ang isang high calibre athlete gaya ni Licayan. Inaasahang makatutulong siya sa back-toback quest ng DLSU na makuha ang kampeonato ngayong Season 74.
Victonara Galang
Kurso: AB-SPM Koponan: Lady Spikers High School: Angeles University Foundation (AUF) Maipagmamalaking karangalan: Tumulong sa 3rd place finish ng AUF sa Palarong Pambansa 2011. Nais matamo ngayong Season 74: Maging champion sa buong stay ko sa DLSU.
Akio Sy
Kurso: AB-DSM Koponan: Green Tennisters High School: Home School Maipagmamalaking karangalan: Naging bahagi ng Jr. Davis Cup team. Nais matamo ngayong Season 74: Magchampion siyempre, at [mag-]Rookie of the Year and MVP.
Matapos magapi ang University of Santo Tomas Growling Tigresses sa UAAP Season 73, malaking puwang ang maiiwan sa paglisan nina MVP Jacqueline Alarca at former team captain Stephanie Mercado. Kung magiging maganda ang paglalaro ni Galang sa off-season tournaments, malaki ang posibilidad na makasama siya sa rotation ni Coach Ramil de Jesus.
Sa unang tingin, masasabing wala nang makapagpapatumba sa DLSU sapagkat sila ang defending champions sa nakalipas na dalawang taon. Gayunpaman, hindi dito natatapos ang pagnanais ng Lady Tennisters sa pagsungkit ng isa pang kampeonato. Masasabing puno pa ang roster ng Taft-based squad sa puntong ito ngunit kung magsisikap si Sy, maaari niyang mapatunayan na hindi nagkamali ang back-to-back champion team sa pagkuha sa kanya.
Malaki ang aasahan ng buong pamayanang Lasalyano sa mga baguhang ito. Sa pagsisimula ng UAAP Season 74, panghahawakan ng lahat ng rookie ang kanilang pangakong maibigay ang lahat ng kanilang makakaya upang magtagumpay ang DLSU.
16
ISPORTS
Halaw sa internet
Kasabay ng nalalapit na season ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP), maraming paghahanda ang isinasagawa ng Pamantasang De La Salle (DLSU) upang makamit ang inaasam na General Championship.
NAGING mailap man para sa Pamantasan ang inaasam nitong kampeonato noong mga nakaraang taon, masasabing buo pa rin ang loob ng bawat koponan upang matiyak na epektibo ang mga programang nakalaan sa bawat atleta. Ano-ano nga ba ang mga paghahandang ito? Paano nga ba ito naiiba sa paghahandang ginawa para sa mga nakaraang taon? Ngayong nalalapit na namang magbukas ang bagong season ng UAAP, ano-ano nga ba ang mga istratehiya ng Pamantasan? Sapat na ba ang mga ito upang makamtan ang inaasam na layunin ng Pamantasan? Ang Paghahanda Psychological advantage ito ang masasabing isa sa mga kalamangan ng DLSU sa iba pang koponan na kabilang sa nasabing torneo. Ayon kay Edwin Reyes, Direktor ng Office of Sports Development (OSD), nakatutulong para sa mga atleta ang mga training na isinasagawa sa ibang bansa. Pagbibigay-diin niya, Coming from a country that is predisposed to colonial mentality, kapag training na galing sa abroad, talagang mas maganda [ang dating sa mga tao]. Dagdag pa sa training na ito ang ibat ibang programang nakalaan upang mahasa ang kakayahan ng bawat atleta ng Pamantasan. Hindi rin maitatangging bahagi na ng taunang paghahanda ang pagpapaganda ng imahe ng Pamantasan upang makuha ang magagaling na manlalaro mula sa ibat ibang paaralan tuwing recruitment week. Ani Reyes, Nagpupunta pa rin sa Ateneo o La Salle [ang magagaling na atleta], kasi mas maganda ang kalidad ng edukasyon dito. Kakabit ng imaheng ipinapakita ng DLSU sa paghahanda ang motibo ng mga manlalaro sa pagsali rito. Ika nga ni Reyes, People now are more objective. They know what they are getting [from the schools]. Ano na nga ba ang narating ng DLSU? Nalalapit na naman ang panibagong season ng UAAP kaya naman puspusan na ang preparasyong ginagawa ng bawat koponan. Isang buwan bago magsimula ang UAAP Season 74, ano na nga ba ang narating ng DLSU pagdating sa mga paghahanda nito? Bagamat hindi pa sila lubusang handa para sa nasabing torneo, makikitang maganda pa rin ang ipinapakita ng bawat koponan. Ayon kay Reyes, Hindi ko masasabi ngayon na handa na ang lahat, were getting there. Yung performance ng mga teams ngayon kahit na hindi pa maaaring ipagmalaki, kahanga-hanga pa rin naman. Gayunpaman, mayroon pa ring ibang koponan na mapapansing nagpapakita ng kakaibang husay at pagiging handa para sa UAAP Season 74. Kabilang dito ang womens volleyball, mens volleyball, pati na rin ang Badminton at track and field. Patunay lamang ang mga ito na isang matagumpay na season ang maaaring makamit ng DLSU. Ang suportang ibinibigay ng administrasyon ang isa sa masasabing dahilan sa likod ng tagumpay na maaaring harapin ng bawart koponan. Masasabing isa rin itong paraan upang masigurong hindi lamang ang kalidad ng edukasyon ang nabibigyang pansin ng Pamantasan. Lahat ng gawin natin [ay] excellent, and we will not play secondfiddle to UST for the GC, ani Reyes. Isang panibagong taon na naman ang kailangang harapin ng mga atletang Lasalyano. Kasabay ng mga sulairaning maaari nilang harapin ang suportang natatanggap ng bawat atleta mula sa DLSU at OSD. Bilang mga tagasubaybay at tagasuporta ng DLSU sports, maibuhos din sana natin ang 100 porsiyento para palakasin ang kanilang loob at maihatid ang tagumpay para sa Pamantasan.