You are on page 1of 1

Aktibista Ang iniiiiiit! Aaaah! Nasaan na ako? Anong lugar ito? Bakit ako nandito?

Ang alam ko lang kanina nasa kanayunan ako. Hinihikayat namin para magpahayag ng kanilang mga hinaing ang mga mahihirap na mamamayan dito. Na kumawala sila sa tanikala ng kahirapan! Nang bi glang dumating ang mga militar at kami ay nagkasagupaan... Lumaban ako para sa m ga pinaniniwalaan ko! Lumaban ako para sa mga mahihirapan... Para sa mga prinsip yo ko... Sumabay ako sa pakikipagbarilan. Hindi ako pagagapi. "Lalabanan ko ang gobyerno na di kami iniintindi"-iyon ang nasa isip ko. At... At... Sa gitna ng labanan... Nabaril ako... Nabaril ako sa dibdib... Ako a y... Ako ay... Patay na ba ako? Ibig sabihin... Ang lugar na ito... Impyerno? Aaaah! Bakit? Paano? Ang alam ko, ang alam namin hindi totoo ang lugar na ito. P inaniwalaan kong walang impyerno at wala ring langit... Na kapag namatay ka, sa hukay lang ang bagsak mo... Wala ngang Diyos diba? Pero kung totoong nasa impyer no ako ngayon... Malamang totoo rin ang langit... At pati ang Diyos na akala ko ay di totoo ay totoo pala?! Ayoko dito? Bakit ako nandito? Kung di man ako naniwala sa Diyos, di ba pwedeng isaalang-alang ang mga ginawa ko para sa ibang tao? May husgado ba dito sa kabil ang buhay na pwede kong hainan ng hinaing ko? Ipaglalaban ko ang lahat ng ginawa ko! Ngunit bakit ganoon? Bakit walang nagsabi sa akin na ganito ang mangyayari? Wala nga ba? Meron namang sigurong ilan na nagtangka kaso takot silang mahawaan ng i deyalismo ko. Pero bakit hindi kayo nagpursigi na ipahayag ang nalalaman nyo sa Diyos? Siguro kung hindi kayo nagpadala sa takot na baka mapahiya kayo kapag din ebate ko kayo, edi sana wala ako dito... Pinaglalaban namin ang kalagayan nyo pe ro bakit ninyo ipinagdamot ang Diyos sa akin ang Diyos? Totoo pala ang Diyos, bakit hindi kayo nagsasalita?! Kung gaanong kalakas ang bo ses ko sa kalsada, iyon namang kahina ng tinig ninyo na may Diyos nga! Kung gaan ong kapursigido kong magrecruit ng kasama sa kilusan, siya nyo namang kinahihiya ng gawin! Kung alam ko lang na may Diyos, na may langit... At may impyerno... Hindi na san a ako nagpagal sa kalalaban, sana itinuon ko na lang ang lakas ko sa mga bagay n a makalangit... Kaso... Nandito na ako... Salamat sa inyo ha... Relihiyoso

You might also like