You are on page 1of 2

Hezro Inciso Caandoy 2009-36166

BSA 3

FILIPINO 11 Ika-1 ng Pebrero, 2012 JOS RIZAL

Buod: Nagsimula ang pelikula sa isang kataga na ang bayan ay may kanser na panlipunan na kailangang ibilad sa templo ng sambayanang Pilipino. Ito ang nag-udyok kay Dr. Jose Rizal, ang pambansang bayani ng Pilipinas, na isulat ang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na nagmulat sa damdaming makabayan ng mga Pilipino at siya ring naging sanhi ng kanyang kamatayan. Sa pagpapatuloy ng kwento, binigyang-kahulugan ang kanser sa sambayanang Pilipino. Ipinakita kung papaano, sa napakahabang panahon, inalipusta, pinagsamantalahan at binusabos ng mga prayleng Espaol ang mga Pilipino. Pinagsamantalahan ang mga kababaihan; kinamkam ang mga lupa; at pinagkaitan ang mga Pilipino ng pantay na karapatan. Mula pagkabata, nagpakita na si Rizal ng katalinuhan at pinatunayan niyang ang mga Pilipino ay hindi mga mang-mang. Nag-aral siya sa ibat-ibang sikat na unibersidad sa Europa. Subalit ang tunay niyang pakay ay gawin ang nararapat sa bayan at malayang maisulat ang mga kinakailangang pagbabago at katarungan para sa bayan. Matapos ang kanyang pakikipagsapalaran sa ibang bansa, nagpasyang bumalik sa Pilipinas ni Dr. Jose Rizal dahil ayon sa kanya, nasa Pilipinas ang kanyang mga kalaban. Pero pagkabalik niya sa bansa noong 1892, agad siyang dinakip sa salang pagiging pinuno ng himagsikan. Ipinatapon siya sa Dapitan kung saan siya ay naglingkod sa mga katutubo bilang isang doktor. Doon din niya nakilala si Josiphine Bracken na di kalaunay kanyang naging kasintahan. Sa kabila ng pagkakatapon sa kanya sa Dapitan, hindi nawala ang takot ng mga prayle kay Rizal kayat noong Nobyembre 1896, siya ay muling ipinadakip at ikinulong sa Fort Bonifacio. Nilitis siya noong ika-26 ng Desyembre, 1896 at nahatulan ng kamatayan sa kabila ng kakulangan ng magpapatunay na siya nga ang utak ng himagsikan.

Noong ika-30 ng Disyembre, 1896, siya ay binaril sa Bagumbayan at makalipas ang ilang taon, siya ay idineklarang pambansang bayani ng Republika ng Pilipinas. Kritika: Sa kabuuan, maganda ang konsepto ng pelikula. Ang paggamit ng mga pagbabaliktanaw sa kwento ay nakatulong upang mas maunawaan ng mga manonood ang nais ipahiwatig ng pelikula. Mahuhusay ang mga artistang gumanap sa pelikula at naging makatutuhanan ang bawat eksena nito. Ang paggamit ng salitang Espaol ay magandang pamamaraan upang mas maging makatutuhanan ang pelikula at magbigay ng mas mabigat impact sa mga manonood. Bagamat karamihan sa mga manonood ay hindi nakakaunawa ng wikang ito, mayroon naming subtitle upang mainitndihan nila ang wikang Espaol. Reaksyon: Ang pagkatao ni Dr. Jose Rizal ay siyang dapat tinutularan ng kabataang Pilipino sa kasalukuyan. Ang kanyang buhay ay dapat magsilbing gabay sa kabataan upang paglingkuran ang sambayanan at hindi makalimot sa lupang tinubuan. Bilang mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas, isang katagang binanggit ni Rizal sa pelikula ang tumatak sa aking isipan: Noon, ang akala ko ang tanging mahalaga sa buhay ay ang edukasyon. Pero nadiskubre ko, depende pala iyon sa pinag-aaralan. Mayroon palang pinagaaralan na nakakabulag. Ang edukasyon ay mahalaga, ngunit mahalaga rin na tayo ay mag-aral hindi lamang para sa ating mga sarili kundi para na rin sa ating inang bayan. Kabalikat nito ay ang ating tungkuling palawigin ang ating pag-unawa sa kasalukuyang kalagayan ng ating bansa. Kung sa panahon ni Rizal, siya ay lumaban para sa pagkakapantay-pantay ng mga Pilipino at Espaol, sa kasalukuyan, mayroon ding nangyayaring pakikipaglaban para sa pagkakapantay-pantay pagkakapantay-pantay ng mayayaman at mahihirap. Kailangan ngayon ng mga makabagong Rizal, kabataang handang magbuwis ng buhay para sa bayan, sapagkat ang bayan ay may kanser na panlipunan na kailangang ibilad sa templo ng sambayanang Pilipino.

You might also like