You are on page 1of 49

Ibat ibang Klase ng Alamat

Ginawa nina: Christine Allen Mendoza Abigail Pel Irene Zuniga Airisa Molaer Dayan Pau Alyssa Sansolis Patricia Vargas IV- 2

Ipinasa kay: Bb. Menchu Lacsamana

Ang Alamat
Kasabihan: Ituro mo sa akin ang

bansang may mayamang alamat at ituturo ko sa iyo ang bansang may kulturang ganap.

Ang pasalitang literatura na ipinamana sa atin ng ating mga ninuno.

Mga simpleng istorya na nagsasalaysay kung saan nanggaling ang maraming bagay sa kapaligiran. Ang ibang klasipikasyon ay tumutukoy sa Diyos, kalikasan, kultura, mga hayop at halaman. Bukod sa nakaaaliw, ang mga alamat ay nakapagtuturo rin ng aral upang makamit ang kaunlaran.

ANG ALAMAT NG SAMPAGUITA

Noong unang panahon pa ng mga barangay at datu..

Ang Balintawak at Gagalangin ay dalawang barangay na nahahati sa pagitan ng isang bakod ng kawayan.

Sa mga kawayan na ito ay may lagusan kung saan nagkikita ang mag-irog

Umiibig din noon si Rosita at Delfin na anak ng magkabilang datu bagamat magkaaway ang kanilang mga tribo!

Minsan, nabalitaan ng datu ng Gagalangin na ang hanggahang bakod ay binubuwag at pinapalitan ng mga taga-Balintawak.

"Sabihin ninyo," anya sa mga utusan, na ibalik ang bakod sa dating kinatatayuan sapagkat itoy ninakaw sa amin

Nagalit ang datu ng Balintawak nang humarap sa kanya ang mga sugong buhat sa Gagalangin at sabihin sa kanya ang bilin ng datu roon. "Sabihin ninyo sa inyong datu," ang wika niya sa mga sugo," na ako'y hindi magnanakaw. Ang bakod ay binabalik ko lamang sa dapat

Sa kasamaang palad namatay ang ama ni Delfin. Siya ang mamumuno sa digmaan nila.

Namatay si Delfin sa laban at ipinagbilin na ilibing siya sa tagpuan nilang mag-irog, sa may kawayan.

Nagkasakit ng malubha si Rosita at namatay din. Inilibing siya sa tabi ni Delfin.

Ngunit ang mga tao sa dalawang pook na ito ay naliligalig sa isang mahiwagang bagay. Kung buwan daw ng Mayo, lalo na kung mga gabing maliwanag ang buwan, may mahiwagang tinig na naririnig ang nagsisipanirahan.

sumpa kita. Sumpa kita nguni't ang kanilang pagtataka'y lalo pang nadagdagan nang makita nilang ang dalwang puno ng mababangong halaman.

nagmumula sa mga bibig ng dalawang bungong hindi gaanong nagkakalayo sa pagkakabaon, at nakakabit pa rin sa kalansay.

ALAMAT Ng Sandaang Pulo

Mga Tauhan: Ipe Antang Matandang lalaki

Noon ay iisang isla pa lamang ang naroon sa lugar kung nasaan ngayon ang Sandaang Pulo. Si Mang Ipe ang pinakamasipag na mangingisda sa kanilang lugar. Gabi siya kung mangisda at sa umaga naman ay ipinagbibili ni Aling Antang, asawa ni Mang Ipe, ang mga nahuling isda. Sabi ni Mang Ipe na kung yumaman siya ay agad siyang aalis sa nakababagot na lugar na iyon.

Isang araw ay may isang matanda na nagpakita kay Aling Antang nang wala si Mang Ipe. Sinabi nito na sila'y yayaman pagkatapos ng tatlong taon kung sila ay makapaghihintay at makatitiis, at kung may dumating mang kamalasan ay huwag silang magagalit at magmumura. Ikinwento ni Aling Antang kay Mang Ipe ang nangyari at nagalit si Mang Ipe.

Ayaw niyang maniwala dito. Isang araw nang siya'y nangisda ay mga bato ang nahuli sa halip na mga isda. Nagalit si Mang Ipe at itinapon ang mga bato sa dagat at siya'y nagmura. Lumakas ang mga alon at sa takot ay mabilis na umuwi si Mang Ipe sa kanilang bahay. Kinuwento niya ang nanyari kay Aling Antang maliban sa kanyang pagmumura.

Kinabukasan ay nakita ni Aling Antang ang bangkay ni Mang Ipe at napansin niya ang mga bagong pulo sa dagat. Nagpakita uli ang matandang lalaki na nakausap niya noon. Sinabi nito na kung sumunod lamang daw si Mang Ipe kay Aling Antang ay hindi ito masasawi at ang mga bagong pulo sa dagat ay ang mga kayamanang(bato) itinapon ni Mang Ipe noon.

Mga Aral: -Ipinakikita rito na lahat ng tao ay nakararanas ng hirap -Makakamit din natin ang ginhawa sa hinaharap -Hindi dapat tayo mawalan ng pag-asa at magalit tuwing may mga dagok na dumadating sa ating buhay -Dapat ay tiisin natin ang mga paghihirap dahil kung walang hirap ay di natin mararanasan ang ginhawa

Ang Alamat ng Ulan

Tauhan: Dakula-Higananteng kinatatakutan ng mga tao. Mga Tao

Buod: Isang higante na nakatira sa isang malaki at madilim na kuweba na kung tawagin ay Dakula, ang kinatatakutan ng mga tao. Nooy bagamat maalat ang tubig dagat, dito nanggagaling ang tubig na kanilang iniinom. Ngunit isang araw ay natuklasan ng mga tao ang tubig sa isang bukal na matatagpuan malapit sa kweba ni Dakula.

Alam ni Dakula pag may lumalapit sa kanyang bukal, kayat lumalabas itoy nagbibigay ng babala. Dahil masarap ang tubig ng bukal, pag hatinggabi sumasalok dito ang mga tao para hindi malalaman ng nahihimbing na higante. Ngunit hindi alam ng mga tao na kinukutuban na si Dakula na may kumukuha ng tubig sa kanyang bukal tuwing gabi.

. Isang hatinggabi, nagtago siya sa isang madilim na lugar at inabangan ang mga sasalok ng tubig. Nang mahaba-haba na ang pila, inihagis niya ang dala nitong lambat. Dinala ng higante ang mga nahuli niya sa tuktok ng bundok at inilagay sa ulap.

. Diyan na kayo maninirahan mula ngayon, galit na galit na sabi ni Dakula. Binalaan ko na kayo ngunit kumuha pa rin kayo ng tubig sa aking bukal. Sa bagong tahanan ng mga tao sa ulap, sabay -sabay tumulo ang kanilang mga luha at pumatak sa lupa ng maalala nila ang nakaraan. Ito ang naging unang ulan. At mula noon, tuwing silay mag- iiyakan ay umuulan sa lupa.

Aral: Hindi dapat kumuha ng kahit anong walang pahintulot sa may- ari.

Ang Alamat ng Pating

Tauhan: >Kablan Mayamang Palaweo na kilala sa pagiging gahamang usurero. Gustong pagtubuan ang lahat ng kapitbahay. >Mahiwagang Matanda nagkukunwaring uugod-ugod at nangangailangan na matanda. Tagpuan: Sa isang baryong pangisdaan na maraming burol, at maulan

Kilala si Kablan sa kanilang baryo sapagkat siya ang pinakamayaman. Magaling si Kablan kumita ng pera, ngunit ang kanyang mga pamamaraan ay hindi nakabubuti sa kanyang mga naghihirap na kapitbahay. Isang araw, mayroong matandang humingi ng kanyang tulong, ngunit siningil ni Kablan ng pera ang matanda bago niya ito tulungan..

Ang matanda ay natulungan ng mga kapitbahay ni Kablan at bilang gantimpala, binigyan sila ng babala: hindi titigil ang ulan at kailangan nilang lumisan. Dumating nga ang ulan at naiwan si Kablan, sinumpa siya ng matanda :

Tulad ng takot na itinanim mo usurero

sa lahat ng ngangangailangan sa oras ng kagipitan, maging isda ka rin na katatakutan ng lahat sa karagatan.

Mula noon, nakilala na sa Palawan ang pating at ito ay pinangalanang Hari ng Karagatan.

>Huwag basta-basta manghuhusga ng kapwa >Maging matulungin sa mga nangangailangan

Aral:

alamat

Isang akdang pampanitikan na


ang pinakadiwa ay mga bagay na makasaysayan at tumutukoy sa pinagmulan ng isang bagay o mga bagay

ALAMAT NG LINDOL

TAUHAN

Indol

higanteng naninirahan sa isang


malaking kuweba sa mga lalawigang Bulubundukin matangkad at may malaking pangangatawan

Ang mga ayaw niyang tao ay

kanyang binubuhat at ibinabalibag Dahil sa kanyang mga pinaggagawa, natatakot ang mga tao sa kanya kayat pinipili pa nilang magpaalipin kay Indol kaysa sa mapahamak.

Upang hindi magalit si Indol, dinalhan nila ito ng usa, baboy-ramo, prutas at mga gulay. Pinaniniwalaan ni Indol na siya ang pinakamakapangyarihan at walang kinakatakutan. Kapag may hindi sumunod sa kanyang mga utos ay gigibain niya ang kanilang mga tirahan.

Isang gabi nang dumating ang

malakas na ulan, sumalubong ang mga kidlat at kulog sa mga tao na mas kinatakutan nila higit kay Indol. Nang tumila ang malakas na ulan ay nalaman ni Indol na kinatakutan ito ng mga mamamayan

Nainis ang higante at hinintay

niya ang pagdating ng malakas na ulan. Nang dumating ang malakas na ulan hinabol niya ang kidlat

Maraming nasira, ang mga bahay, mga punongkahoy at namatay rin ang mga baboy-damong kanyang natatapakan. Hindi niya mahuli kahit isang kidlat. Sa kanyang galit at pagkainis ay binilisan niya ang pagtakbo, nahulog siya sa isang malaking hukay dahil napatid siya sa isang puno ng mangga

Hindi siya makalabas sa hukay

sapagkat dumudulas siya sa mga bato. Sa tuwing siyay lumulundag ay yumayanig ang lupa. Pinaniniwalaang si Indol ay hindi na nakaalis sa hukay na iyon

Sa tuwing umuulan ay nagpipilit

itong makalabas at nakakaranas ang mga tao ng pagyanig. Sinisigaw nila ang pangalan ni Indol na naglaon ay naging Lindol.

ARAL

Dapat ay matututo tayong

maging sensitibo sa mga nararamdaman ng mga tao sa ating paligid. Ang pagiging makasarili ay walang magagawang mabuti sa isang tao. Ito lamang magdudulot ng negatibong epekto sa sarili.

At ang mga masasamang bagay

na ating ginagawa ay maaaring may kapalit na parusa. Kayat dapat tayong matututong gumawa ng mabuti araw-araw upang maging maayos ang ating pumumuhay.

You might also like