You are on page 1of 4

Ang sanaysay na "Ang Pilipinas sa Loob ng Isang Daang Taon" ay bahabahaging lumitaw sa La Solidaridad mula noong Setyembre 30,

1889 hanggang Pebrero 1, 1890. Ihinayag ni Rizal ang mga maaaring maganap sa Pilipinas sa loob ng isang daang taon. Binigyan niyang pansin ang nakaraan upang alamin ang mga maaaring kaganapan sa hinaharap. Ang sanaysay na "Ang Pilipinas sa Loob ng Isang Daang Taon" ay bahabahaging lumitaw sa La Solidaridad mula noong Setyembre 30, 1889 hanggang Pebrero 1, 1890. Ihinayag ni Rizal ang mga maaaring maganap sa Pilipinas sa loob ng isang daang taon. Binigyan niyang pansin ang nakaraan upang alamin ang mga maaaring kaganapan sa hinaharap. Unang Bahagi: Upang malaman ang Hinaharap, kailangang buksan ang Pinto ng Kahapon Kakakabit pa lamang ng Pilipinas sa Espanya ay dumanas na ito ng malawakang pagbabago sa batas, relihiyon, at mga paniniwala. Naging maunti, mahirap, at mabagal ang mga Pilipino bunga ng malabis at mabilis na pagbabagong ito. Nawalan sila ng matibay na paniniwala sa kanilang nakaraan, pananampalataya sa kanilang kasalukuyan, at pagkahaling sa kinabukasan. Unti-unting nawala ang kanilang kultura at napalitan ng ibang kasuotang hindi naman nila nauunawaan. Bumaba ang tingin nila sa sarili. Sila y nawasak. Pinatulog ng mga relihiyosong ritwal na sinabing nakagagaling ang kinagisnang mga pamahiin subalit hindi nito nasira ang kamalayang Pilipino. Ang huling plano nila ay gawing isang hayop panggawa ang mga Pilipino, sa paraan ng di pagbigay sa kanila ng karapatan di lamang upang magkaroon ng natatanging katangian pati rin ang tendensiyang mag bisyo. Pumalya ang kanilang plano. Ang naghihingalong tao ay maaari pang mabuhay sa pamamagitan ng kabayanihan. Nasagad na ang kanyang tibay at ang lakas ay muling nabuhay. Yaon ang nakaraan, at ang ngayon ang kinabukasan? Maraming mga bagay ang dapat isaalang-alang, at ang tanong na maaring sagutin batay sa panahong nais saklawin. Dahil dito, ipapalagay nating marami tayong oras. Pangalawang Bahagi: Ano ang magiging Kalagayan ng Bayan sa Loob sa Loob ng isang Daang Siglo. Ano ang mangyayari sa Pilipinas sa loob ng isang siglo, lalo na kapag nahulog na ang maskara. Magiging madali sana ang kasagutan kung naitanong na ito sa nakaraang mga dantaon. Walang magbabago lalo na sa mga taong isinilang na nakagapos sa tanikala. Noo y pinamahalaan tayo ng mga Espanyol gamit ang kakaunting pulutong ng mga sundalo at di regular na pangungusap, subalit tumagal ng 3 dantaon ang nasabing pamamahala. Samakatuwid, sa unang tingin, ay nakatakda na ang lahat para sa 300 taon ng mapayapang pagdomina. Hindi umayon ang lahat sa inaasahan dahil ang Pilipino na handang magsakripisyo ng lahat para sa isang hangarin ay nakalilimot sa lahat ng kanyang sakripisyo minsang masugatan ang kanyang pagmamahal sa sarili at hindi naman niya malimutan na ang minsang naisip niya pero hindi natanggap. Ang dominasyong Espanyol ay lumakas pagkat hindi nakita ng mga tao na masugatan ang kanilang pansariling pagmamahal, subalit ngayo y wala na silang kompiyansa sa mga protektor nila noon na ngayo y pawang mga mananamantala at mamimitay sa kanila (ang mga pari at ang pamahalaan). Nalaglag na ang kanilang maskara, pekeng mukha. Nahayag na hindi lamang nila nais na pakanin ang tao para lumaki, subalit nilason nila sila upang palakasin ang sarili tungo sa paglaki. Gayundin, galit na galit sila ultimo sa maliliit na mga pakikibaka. Sa panahong ito ay tumaas ang mga obligasyon at buwis, subalit hindi ang mga karapatan, pribilehiyo at kalayaan.

Samakatuwid, mayroong Penal Code, subalit maraming paraan upang pagdusahin at patayin ang isang tapat na mamayan. Kardado na ang mga bateriya, anumang oras ay handa nang magliyab. Kapag hindi nagbago ang nasabing mga pinuno, mapipilitan ang bayan na kumilos maging malinaw lamang ang kanilang pag-iral. Ang diwa ng bayan ay gising na, at ang mga pagpapababa sa kanila ng mga kolonisador ay nagbigkis sa kanila. Ang pagmamalupit na pinagdusahan nila ay hindi lamang nag-udyok sa mabilisan nilang pagkilos kundi nagpatibay pa man din sa kanila. It is impossible to brutalize the inhabitants of the Philippines! Ang pagsulong at etnikal na pag-unlad ng Pilipinas ay hindi maiiwasan at nakatadhana. Kung hindi, dadanak ang dugo sa Inang Bayan makamit lamang ng mga Pilipino ang inaasam na kalayaan. Ikatlong Bahagi: Kinakailangan ang Pagbabagong Pulitikal upang Maiwasan ang Karahasan kung hindi ay Maghahangad ang Pilipino ng Kalayaan Kinilala ito ng mga gobernador, subalit sila y mga nakahalukipkip lamang at ang kanilang pagkilos ay paiba-iba. Ang mga pagbabago ay hindi epektibo bagkus pa may prehudisyal kapag ginamit sa kasamaan kaya marapat lamang na gamutin sa radikal na pamamaraan. Kaya habang ang pamumuno ng Espanya ay gaya ng sa bulaang doktor sa Pulo ng Barataria kung saan ang interes ay upang hindi galawin ng Pilipinas ang mga pinagkukunang-yaman nito upang sila (mga Espanyol) ang magkamal nito, ang mga tao ay mabubuyong maghimagsik laban sa kanila. Upang maging totoo ang mga pagbabago, dapat magkaroon ng malayang pamamahayag. Di tulad ng karaniwang paniniwala na mapanganib ang malayang pamamahayag, ipinakita ng kasaysayan na higit na marami ang mga pag-aalsa at paghihimagsik sa mga bansang siniil kung saan ang mga kaisipan at puso ng mga tao ay pilit na pinatahimik At bakit nga ba hindi ginagawa ang mga reporma? Dahil ang mga pinunong Pilipino ay isang banta sa rehimeng Kastila. Maari silang hindi ma kontrol ng Espanya, maging Political Trimmers, o maging isang matinong pulitiko at hikayatin ang mga Indio na humingi ng marami pang karapatan at reporma. Sa kabila noon at may ilan pang reporma na patungkol sa isang sibilisadong bayan. Kung ang mga Pilipino ay nagbabayad ng buwis, nararapat din silang bigyan ng karapatan (Consejo). Marapat din lamang na magkaroon ng pantay pantay na kumpetensya para sa mga pwestong pamumunuan, at tulad sa patakaran ngayon ay dapat malaman ng bansa ang resulta nito. Pang-Apat na Bahagi: Ano ang maaaring mangyari sa Pag-sasarili ng mga Pilipino? Makikita sa siyensya na iilang bagay lamang ang maaring mangyari sa ganong eksena. Pwedeng maging iisa ang dalawa, ngunit halatang halata na hindi ito nangyari o mangyayari sa Pilipinas at Espanya. Malaki ang puwang sa gitna ng mga mamamayang Kastila at Indio. Pangalawa ay pwedeng mamatay ang orihinal na organismo. Sa layong ito ay malinaw na hindi madaling malulupig at mauubos ng iilang Kastila sa bansa ang libo libong Pilipino, bukod pa dito ay bakit mo papatayin ang kalabaw na pinagkakakakitaan mo? Mawawalang halaga ang Pilipinas sa mga Espanyol kung wala ang mga Filipino na magbubungkal ng lupa at tapos ay magababyad ng buwis. Huli ay pwedeng mabuhay ang dalawa na magaksabay at mapayapa. Ngunit hindi mabubuhay ang mga Pilipino at Kastila na magkasama, na may pantay na karapatan at responsibilidad ay hindi magtatagal at hindi na mapipigilan ang pagdeklara ng independensya ng mga Pilipino sa Espanya.

Ang napakaraming pagmamalabis ay nagpapalaki lalo ng patlang sa gitna ng dalawang lahi. Dahil dito ay kahit na isang tamang parusa ay nakikita na isang di makatarungang paghuhusga dahil sa isang banyaga na tingin nila ay walang simpatya o isang kaaway ang nagpataw. Sa huli, sinabi ni Rizal na kailangang ang isa ay magpaubaya. Kung hindi man ay magkakaroon ng matinding banggaan ang dalawa, at isa sa kanila ang malulupig. Ang Espanya na mula sa bilang ng mamamayan, sa kundisyon ng kanyang militar sa bayan, sa layo nito sa Pilipinas, sa di sapat na kaalamanan, hanggang sa pag away sa isang pamayanan na nawalan na ng amor sa kanya ay malamang na kailangang magbigay daan. Pagkatapos ay tulad ng isang batang pinawalan sa eskwela ay matatayo ang bayang Pilipino ng pinkamalayang gobyerno. At pagkatapos naman ng maraming di pagkakasundo dahil sa pagdeklara nito ng kanyang independensya at mapaaalis nito ang Espanya, ay sigurado nang walang ibang banyagang bayang ang kukuha sa isang pobreng grupo ng mga isla na di lamang rebelde ay napakalayo pa sa kanila. Pagkatapos pa ng ilang taon ay makukuha ng Afrika ang buong atensyon ng mga Europeo at tuluyan nang iiwan ng mapayapa ang Pilipinas. Isa isang tinignan ang mga banyagang bayan kng may sapat ba silang tao, kung kailangan nila ng iba pang kalonya, kung wala silang kanya kanyang problema. Malinaw na mas pinipili ng mga Europeong kolonyisador ang mga lugar na mas maraming yaman, walang nagma may-ari, at walang dumedepensa. As huli isa lang amg maramil na magkaroon ng adhikain na kunin ang Pilipinas; ang mga Amerikano. Mahihinuha ito sa nauuso at madalas mangyari sa mga nasyon, pagkagahaman, at pagka ambisyoso. Ngunit sa panahon ni Rizal ay wala pang pngangailangan ang nasabing bansa sa lupa at yama dahil marami pa naman sila nit sa kanilang lugar. Ngunit kahit na anu pa man as malamang na ipaglalaban ng husto ng Pilipinas ang kanyang kalayaan, dahil magiging mahal ang presyo nito. Pagkatapos ay gagamitin nila ang mga likas na yaman ng bansa upang muling buhaying muli ang lahing mapayapa, masayahin, at mapangahas. Sinabing maraming maaaring mangyari sa loob ng isang daang taon. Maaaaring may magkataon lamang na pangyayari na babaliktad sa paniniwala ng isang lahi tulad ng pagkakapako kay Kristo, ngunit hindi dapat iasa sa isang aksidente ang kinabukasan ng ating bayan. Kaya dapat hanggat may oras pa, mas mabuting makinig sa kagustuhan ng lahing Pilipino na tutugunan naman nila ng simpatya at pagmamahal, kabaligtad kung hindi bibigyang pansin ay magkakagera. Di magsasawang bigkasin ng mga manunulat ng La Solidaridad ang kanilang pagmamakaawa, dahil di hamak namang mas madali ang di kaaya-ayang gawaing ito kaysa sumating sa puntong kailangan nilang sabihin sa Pilipinas na ang Madre Espanya ay hindi nakinig, o makikinig kialanman sa kanya at upang maibsan ang pagpapakasakit ay kailangan kunin niya ito para sa kanyang sarili.

Ukol sa artikulong ito, itinatalakay dito ang pagbabago ng Pilipinas sa loob ng Isang daang taon. Nakasaad dito na sinabi ni Rizal na walang ipagbabago ang Pilipinas sa loob ng taong ito na kung saan magdudusa parin ang Pilinas sa kahirapan. Sa artikulong ito, isinaad na ang kahirapan ang pinakamatinding kalaban ng Pilipinas at tama nga si Rizal sa puntong iyon dahil ang kahirapan ang siyang nagdudulot o bumubunga sa mga masasamang gawain ng mga pilipino gaya ng pagnanakaw upang mabuhay. Isinaag din sa artikulo na ang katumbas ng mga lumang bayani ng Pilipinas, gaya nina Rizal ay naikukumpara sa mga OFW sa ngayon o ang tinatawag na mga Oversees Filipino Worker, dahil gaya nina Rizal, ang mga OFW ay nagtrabaho at tumungo rin sa ibang bansa ngunit sila nga ba ay pumunta sa

ibang bansa upang pagsilbihan ang Pilipinas. Maaaring oo at maaring hindi dahil iba iba ang intensyon ng mga OFW ngunit ang mga OFW kumpara kina Rizal, ay tumungo sa ibang bansa upang magkaroon ng pera na kung saan ay kabaliktaran nina Rizal na sadiyang nagutom at naghirap habang gingawa niya ang kanyang mga nobelo. Naisaad sa nasabing artikulo kung gaano kalayo ang mga bagong bayani kumpara sa mga lumang bayani ng Pilipinas, at sino sino nga ba ang nag udyok upang tumungo ng ibang bansa sina Rizal pati narin ang mga OFW? Isa lang ang maaring sagot diyan at ito ay dahil sa paghihirap dahil hindi naman tutungo sa ibang bansa sina Rizal at ang mga OFW kung masagana ang buhay sa Pilipinas.

You might also like