You are on page 1of 14

PANONOOD

Mayroong apat na makrong kasanayan na madalas italakay at ito ang pakikinig, pagbabasa, pagsusulat at pagsasalita. Ngunit may isa pang kasanayan na hindi madalas pagtuunan ng pansin at ito ang panonood.

Ano ang Panonood?


Ito ay ang proseso ng pagmamasid ng manonood sa palabas, video recording, at iba pang visual media upang magkaroon ng pagunawa sa mensahe o ideya na nais iparating nito.

Iba t-ibang uri ng panonood


Deskriminatibo Paggamit ng opinyon o prejudice sa panunuri. Kaswal o Panlibang Impormal na pamamaraan at hindi nagbibigay pokus sa detalye.

Komprehensibo
Nagpapahalaga lamang sa mensahe at hindi sa ibang detalye.

Kritikal
Gumagamit ng pagbubuo ng hinuha mula sa mga detalye upang makabuo ng ganap na pagaanalisa o pagsusuri sa paksang napapanood.

Uri ng Manonood
Eager Beaver
Siya ang tagapanood na ngiti nang ngiti o tangu nang tango habang nanood ngunit hindi matitiyak ang pag-unawa Sleeper Siya ang tipo ng tagapanood na nauupo sa isang tahimik na sulok ng silid. Wala siyang tunay na intensyong manood. Tiger Siya ang tagapanood na laging handang magbigay ng reaksyon sa anumang mangyayari sa palabasupang sa bawat pagkakamali ay parang tigre siyang susugod at mananagpang

Bewildered
Siya ang tagapanood na kahit na anong pilit ay walang maiintindihan sa nakikita. Kapansinpansin ang pagkunot ng kanyang noo, pagsimangot at anyong pagtataka o pagtatanong ang kawalan niya ng malay sa kanyang mga napapanood. Frowner Siya ang tipo ng tagapanood na wari bang lagi na lang may tanong at pagdududa. Makikita sa kanyang mukha ang pagiging aktibo, ngunit ang totoo, hindi lubos ang kanyang panonood kundi isang pagkukunwari lamang sapagkat ang hinihintay lamang niya ay ang oportunidad na makapagtanong para makapag-paimpres.

Forward Watcher Siya ang pinakaepektibong tagapanood, nanonood siya gamit hindi lamang ang kanyang mata kundi maging ang kanyang utak. Lubos ang partisipasyon niya sa gawain.

Antas ng Pag-unawa
literal - pinakasimpleng pag-unawa interpretatibo - Inaalam ang mensahe o ang konotasyon na kahulugan ng palabas. mapanuri o kritikal - Pormal at factual ang pag-intindi.

internatibo - Pagbuo ng pansariling opinyon mula sa pinanood Malikhain Malawak na pag-unawa.

Uri ng Palabas
Impormatib Naglalayong maghatid o magdagdag ng bagong kaalaman sa manonood. Persuasive Nanghihikayat o nanghihimok ng pagsangayon ng manonood

Narrative Nagsasalaysay ng pangyayari o kuwento Expository Nagpapaliwag at nagbibigay ebidensya Argumentative Nanghahamon ng paniniwala o ng pangkalahatang opinyon Sympathetic Pumupukaw ng damdamin

Kasanayan sa Panonood
paghihinuha paghuhula pagwawakas paglalahat pagkilatis sa katotohanan at opinyon ebidensya at pangangatwiran/argumento

You might also like