You are on page 1of 7

Pambungad na Pananalita

sa Pagbubukas ng Buwan ng Wikang Pambansa 2006

KUNG BAKIT ISANG MALAKING PAKINABANG SA PILIPINAS


ANG PAGKAKAROON NITO NG MARAMING WIKA

Ricardo Ma. Nolasco, Ph.D.


Nanunungkulang Tagapangulo
Komisyon sa Wikang Filipino

May isang islogan na naging popular noong dekada 70 tungkol sa


ugnayan ng wika at ng pagkabansa. Ang islogang ito ay “isang bansa, isang
wika”. Ang islogang ito ay magandang pakinggan, ngunit nagpapalaganap
ng mapanganib na hakahaka. Ito ay ang hakahaka na ang pagkakaroon ng
isang wika ay mabuti at ang pagkakaroon ng maraming wika ay masama.

Marami sa inyo ang magtataka kung bakit sinasabi ko na napakarami ng


wika sa Pilipinas, samantalang ang turo sa atin sa eskuwelahan at sa midya
ay may iisang wika lamang ang Pilipinas, at ang marami tayo ay mga
“wikain” o “dayalekto.” Ikinalulungkot ko pong ipagbigay-alam sa inyo na
namamali rin po ito. Ang tinatawag nating mga “wikain” o “dayalekto”
gaya ng Sebwano, Ilokano, Hiligaynon, Bikol, Pangasinan, Kapampangan,
Samar-Leyte, Tausug, Maguindanaw, Manuvu, Subanen at Ivatan ay ganap
na mga wika. Ang pangunahing batayan sa pagklasipika ng mga pananalita
sa wika o dayalekto ay “mutwal na pagkakaunawaan” o “mutual
intelligibility”. Ang isang Ilokano at isang Sebwano, kapag nag-usap sila
sa sarili nilang wika, ay hindi mutwal na magkakaunawaan. Kung gayon,
sinasabi natin na nagsasalita sila ng magkaibang wika. Samantala, ang isang
dayalekto ay baryasyon ng isang wika. Halimbawa, ang Tagalog ay may
iba’t ibang dayalekto gaya ng Tagalog-Bulakan, Tagalog-Quezon, Tagalog-
Marinduque, at marami pang iba. Ang mga nagsasalita ng mga dayalekto
ng Tagalog ay magkakaintindihan sa kabuuan, kung kayat sinasabi natin na
nagsasalita sila ng parehong wika.

Batay sa depinisyong ito ng wika at dayalekto, sinasabi ng mga


linggwista na may 160-170ng wika sa buong Pilipinas – pansampu sa
pinakamarami sa buong mundo.

1
Nais kong pag-usapan ngayong umaga kung bakit, tumbalik sa
karaniwang akala, ay napakalaking pakinabang ang pagkakaroon ng
Pilipinas ng maraming katutubong wika. Bukod sa nabibiyayaan tayo ng
maraming katutubong wika ay mayroon din tayong wikang pambansa—ang
Filipino— na nagbibigkis sa ating bayan sa isang kabuuan. Bukod sa may
wikang pambansa ay mayroon din tayong wikang pang-internasyunal – ang
Ingles – na nag-uugnay sa atin sa sandaigdigan. Ang pagtutulungan ng mga
wikang ito—lokal at dayuhan— sa buhay nating mga Pilipino ay siyang
nagpapatotoo kung gaano ka-linguistically diverse at culturally diverse ng
ating bansa, isang bagay na dapat nating ipagbunyi at ipagmalaki.

Saan nagmula ang pag-iisip na ang pagkakaroon ng iisang wika ay


mabuti at ang pagkakaroon ng maraming wika ay masama?

Sa wari ko, ang ganitong pag-iisip ay nagmula sa palagay na ang pag-


unlad ng Pilipinas ay nakasalalay sa kung gaano at paano natin matutularan
ang modelo ng mga bansang industriyalisado. Ang ganitong modelo ay
nakahulma sa ideya ng isang sentralisadong nasyon-estado at iisang
sentralisadong wikang pambansa.

Ang ideya ng isang sentralisadong nasyon-estado na may iisang


sentralisadong wikang pambansa ay isang mito, isang ilusyon na hindi
pinatototohanan ng historikal at maging ng kasalukuyang kalagayan. Higit
na marami ang mga wika sa daigdig kaysa mga nasyon-estado. Ilan ang
mga wika sa daigdig? Mga 6,000 hanggang 7,000. Ilan ang mga nasyon-
estado? Humigit-kumulang sa 200 lamang. Ano ang ibig sabihin nito?
Ibig sabihin nito na sa kabila ng pagpoproklama ng nasyon-estado ng kani-
kanilang wikang pambansa ay hindi lamang ito ang wikang sinasalita sa
teritoryo ng mga ito. Kahit ang Estados Unidos ay binubuo ng mga
komunidad pangwika na hindi Ingles o hindi lang Ingles ang sinasalita.

Kaugnay ng ideya ng “isang bansa, isang wika” ay ang ideya na ang


natural na kundisyon para sa karaniwang tao sa buong daigdig ay iisa
lamang ang alam niyang wika. Hindi po ito totoo. Karamihan ng mga
mamamayan dito sa balat ng lupa at sa Pilipinas ay hindi lang isa ang alam
na wika. Karaniwan, ang tao sa daigdig ay may alam na dalawa o higit
pang wika. Ang isang dahilan para sa kalagayang ito ay sapagkat marami sa
mga komunidad pangwika ay namumuhay katabi ng iba pang komunidad
pangwika. Ito ang nagtutulak sa kanila na matutuhan ang wika ng kanilang
mga kalapit-pamayanan. Si Hesukristo ang pinakamainam na halimbawa

2
ng pagiging multilinggwal. Marunong siya ng Aramaic, ng Ebreo at
Griyego at Romano. Si pangulong GMA ay mainam na halimbawa ng isang
Pilipino, kung wika ang pag-uusapan. Marunong siya ng Ilokano,
Kapampangan, Binisaya, Tagalog, Ingles at Espanyol.

Ganito ang deskripsyon ng yumaong Brother Andrew Gonzales (1980) sa


punsyonal na distribusyon ng mga wika sa Pilipinas:

The Filipino is in reality, multilingual, using a vernacular in his


intimate familial interaction; a lingua franca (a regional vernacular
and increasingly Tagalog-based Filipino akin to the language of the
Greater Manila area) in his urban communities and in his
transactions with other ethnic groups, English in business, industry,
academia, for negotiations in international circles and as a language
of wider communication.

The Filipino’s languages are thus in complementary distribution and


will most likely remain so for a while. For as long as the Filipino
does not uproot himself from his original region, then his local
vernacular is assured of its place and its domain. He loses this
vernacular only in the process of deethnicization that inevitably
follows migration and urbanization. (1980:149, italics added)

Samakatwid, ang lahat ng halimbawang ito ay pawang nagtuturo sa atin


na sa kabila ng pagkilala ng mga nasyon-estado ng katapatan sa iisang
bandila at iisang wika, ang mga nasyon-estadong ito ay binubuo ng
maraming kultura at maraming wika. Hindi sila mono-cultural at
monolinggwal. Kung ang mga bansang industriyalisado ay mga lipunang
pluralistiko, ano pa kaya ang mga bansang tropiko, gaya ng Pilipinas?

Hindi batid ng maraming Pilipino na ang pagkakaroon ng kanilang bansa


ng maraming wika ay palatandaan din ng kalusugan ng kanilang
kapaligirang pang-ekolohiya. Isa po ang ating bansa na nakapanatili sa
ating biological diversity, samantalang ang mga bansa sa Norte, sa kabila ng
kanilang kasaganaan at kaunlaran, ay dumaranas ng matinding krisis sa
kanilang environment. Ayon sa mga mananaliksik, may malaking
korelasyon ang pagkakaroon ng dibersidad pangwika sa dibersidad na
pangbayolohiya o biodiversity. Ibig sabihin, kung saan maraming wika ay
ito rin ang mga pook na mayroong biological diversity. Samakatwid,

3
kung gaano tayo kasigasig sa pagprotekta ng ating biodiversity ay gayundin
tayo dapat maging kasigasig sa pagprotekta sa ating dibersidad pangwika o
linguistic diversity.

Ang bokabularyo ng isang wika, gayundin ang kanyang gramatika, ay


isang imbentaryo ng mga bagay na pinag-uusapan ng isang kultura, isang
pagkakategorya ng nasabing kultura, upang maunawaan ang daigdig at
mabuhay sa lokal na ekosistema. Ang mga wikang matatagpuan sa
Pilipinas at sa mga bansang tropiko ay nauugnay sa katutubong kaalaman sa
lokal na ekosistema. Ang mga kaalamang ito na nasa katutubong wika ay
malaki ang maiaambag sa siyensiya at taksonomiya. Ang alam natin sa
agham ng kanluran ay sa katotohana’y nakabatay sa punto de bista o
pananaw sa daigdig ng mga Europeo. Wala pa ito sa kalingkingan ng
maaari nitong abutin kung mapag-aaralan ang mga lokal na sistemang
pangkaalaman. Ang agham ng kanluran ay walang monopolyo o
pribilehiyadong pusisyon kapag pag-uusapan ang pangangasiwa o
pangangalaga sa ating kapaligiran.

Ang isang madalas na mabanggit na halimbawa ng katutubong sistema ng


kaalaman ay ang Hanunuo, isang grupo sa Mindoro na binubuo ng humigit-
kumulang sa 12,000ng katutubo na may sariling panitikan at paraan ng
pagsulat. Ganito ang importansya ng kaalaman ng mga Hanunuo sa
kanilang kapaligiran ayon kay Nettle at Romaine (pp. 166-167):

“The Hanunuo distinguish more than 450 types of animals and 1,500
plants. Their categories for the plants of the area exceed those of
Western science by around 400. Over a thousand types are gathered
from the wild for various practical purposes, which gives the
Hanunuo a strong incentive to preserve the wonderful diversity of
their surroundings. Some 430 plants are cultivated in their gardens.
Hanunuo farmers recognize ten basic and thirty derivative types of
soil. They have four different terms for soil firmness, nine color terms
which distinguish different soil types, five classes of land topography,
and three different ways of classifying slope. The information would
be absolutely invaluable to anyone interested in understanding or
preserving the ecosystem, and its specificity and subtlety must lie at
the heart of initiatives to improve rural output in a sustainable way.”

4
Samakatwid, ang halimbawang ito ay nagpapakita lamang ng potensyal
na kaalamang sayantipiko na hindi dokumentado na matatagpuan sa ating
mga katutubong wika.

Kung importante sa siyensya ang ating mga lokal na wika, maliwanag


kung gayon na hindi rin matatawaran ang importansya ng mga ito sa ating
edukasyon, laluna sa ating batayang edukasyon na binibigyang-diin ng
kasalukuyang administrasyon. Ang importansyang sinasabi ko ay hindi
lamang tumutukoy sa pagpapaunlad ng nilalaman ng ating kurikulum, kundi
maging sa isyu ng midyum ng pagtuturo. Batid ninyo na sa kabila ng
dibersidad pangwika sa ating bansa ay sinusunod natin ang isang patakarang
bilinggwal sa ating edukasyon. Ingles para sa English, Math at Science,
Filipino para sa iba pang asignatura. Subalit, marami nang ebidensya ang
nagpapakita na sa aktwal na praktika ay ginagamit ng guro ang bernakular o
lokal na wika para ituro ang curriculum content. Bakit ginagawa ito ng
ating mga guro? Upang matiyak na nauunawaan ng mga estudyante ang
nilalaman ng kanilang mga subject. Naobserbahan na, ang ganitong
penomenon ay laganap laluna sa mga batayang grado at maging sa hayskul
at kolehiyo. Ang totoo’y may iba pang nagsasabi na bagamat sa papel ay
bilinggwal ang patakaran, sa aktwal naman ay multilinggwal na patakaran
ang ipinapatupad.

Kung tutuusin ay hindi ito nakapagtataka. Ito’y sapagkat sa


karanasan, nangyayari lamang ang quality na edukasyon kapag ang learner
ay nagsisimula sa pagsusulat at pagbabasa sa pamamagitan ng kanilang
unang wika—ang wika ng kanilang tahanan at komunidad. Pinadadali ng
unang wika ang kasanayan sa pagsulat at pagbasa at pinatatatag ang
pundasyon sa patuloy na pagkakatuto. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga
halimbawa na malapit sa kanilang karanasan at kultura ay nakakabuo ang
estudyante ng mga konsepto at nagagamit nila ito para magbuo ng bagong
mga konsepto. Ang mga pag-aaral ni Bernardo (1998) ay nagpapatunay na
ang cognitive maturity at ang nagreresultang kritikal na pag-iisip ay
naisusulong sa pamamagitan ng paggamit ng lokal na wika sa elementarya.
Nagsisilbing tulay ang lokal na wika upang bumulas ang kanilang
kognitibong kakayahan at upang sistematikong matuto sila ng wikang
Filipino at Ingles at ng bagong mga kaalaman sa naturang mga wika.

Hindi ko na po kailangang sabihin sa inyo na kapag hindi po natin


ginamit ang ating mga wika ay mamamatay po ito. Kapag nangyari ito ay
napakaraming mahahalagang katawagan na pangkultura at pang-katutubong

5
agham ang tuluyang maglalaho. Ito ang dahilan kung bakit kailangan natin
itong patuloy na pag-aralan, saliksikin, panatiliin at ituro sa paaralan.
Ihalimbawa natin ang salitang “gesangan” na ang pinakamalapit na
katumbas sa Ingles ay coral reef. Marami sa atin ay natututuhan ang
konsepto at kahulugan nito sa di-tuwirang paraan, sa eskuwelahan. Ngunit,
ang mga Dumaget sa Quezon ang unang nagturo sa akin na may salita sila
para sa konseptong ito. Ito na nga ay ang gesangan. Tiningnan ko ang
diksyunaryo ni Panganiban at nakita ko rin ang salitang ugat nito, ang
gasang. Nang mapunta ako sa Kabisayaan, sinabi rin nila na gayundin ang
terminong ginagamit nila para sa batuhan sa karagatan na pinaninirahan ng
mga isda at lamang-dagat. Ang ibig kong sabihin, ano na lang ang
mangyayari sa salitang gasangan o gesangan kung ang patuloy nating
gagamitin ay coral reef? Sabi nga ni Nettle at Romaine, ang pagkamatay ng
isang wika ay nagbabawas sa “suma total ng ating kaalaman ng daigdig”
sapagkat “binabahaw nito ang mga tinig na naglalarawan ng kayamanan
nito” (Nettle at Romaine, p. 199). Mas tumatagos sa kaluluwa ang sabi ng
isang katutubo. Anya, kailangan natin ang wikang dayuhan para mabuhay
sa kasalukuyang panahon. Pero, kailangan natin ang wikang sarili para
mabuhay nang habampanahon.

Nagsimula ako sa aking panayam sa pagsabing ang islogang “isang


bansa, isang wika” ay maling islogan. May mga nagmumungkahi na
kailangan nang palitan ito ng “isang bansa, dalawang wika”. Gusto ko pong
imungkahi – kung inyong mamarapatin – na may higit na tumpak at angkop
na islogan para sa Pilipinas, at ito ay: “isang bansa, maraming wika.” Ito
po ang tema ng ating kasalukuyang buwan ng wika. Sa pamamagitan ng
maikling pananalitang ito ay hayaan po ninyong pormal kong buksan ang
pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2006.

Maraming salamat at magandang umaga sa inyong lahat.

Piling reperensya:

Cummins, Jim. 2000. Language power and pedagogy: bilingual children in


the crossfire. Bilingualism Education and Bilingualism 23, eds. Colin
Baker and Nancy Hornberger. Clevedon: Multilingual Matters Ltd.
Dekker, Diane and Catherine Young. 2005. “Bridging the gap: the
development of appropriate educational strategies for minority

6
language communities in the Philippines.” Current Issues in
Language Planning, Vol. 6, no. 2, 2005.
Fishman, Joshua. 1991. Reversing language shift. Theoretical and
empirical foundations of assistance to threatened languages.
Clevedon: Multilingual Mattes Ltd.
Gonzales, Andrew B. and Ma. Loudes S. Bautista. 1996. Language surveys
in the Philippines (1966-1984). Manila: De La Salle University
Press.
Mithun, Marianne. 1991. The role and motivation in the emergence of
grammatical categories: the grammaticization of subjects. In
Elizabeth Traugott and Bernd Heine (eds). Approaches to
grammaticalization , vol. II, 159-184. Amsterdam and Philadelphia.
John Benjamins.
Nettle, David and Romaine. S. 2000. Vanishing voices: the extinction of
the world’s languages. New York: Oxford University Press.
Nolasco, Ricardo Ma. 2003. Ang pagkaergatibo at pagkatransitibo ng mga
wikang Pilipino: Isang pagsusuri sa sistemang bose. Ph.D
Dissertation. Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Quezon City.
Quakenbush, J. Stephen. 1998. “Other” Philippine languages in the third
millennium. Philippine Journal of Linguistics, Vol. 29, Numbers 1
and 2. June and December 1998.
Reid, Lawrence and Hsiu-chuan Liao. 2004. A brief syntactic typology of
Philippine languages. Languages and Linguistics 5(2):433-490.
Traugott, Elizabeth and Bernd Heine (eds). 1991. Approaches to
grammaticalization , vol. II, 159-184. Amsterdam and Philadelphia.
John Benjamins.

You might also like