You are on page 1of 1

Wika at Kalikasan Pangalagaan Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura.

Ito ang kasangkapang ginagamit ng tao sa lipunang kanyang ginagalawan. Ang pagsilang ng wika ay nagbigay buhay sa sibilisasyon. Sa pamamagitan nito, malinaw na nailalarawan ang mga karanasan at damdamin ng bawat tao. Ito ang nakapaglalamang sa atin sa lahat ng likha ng Diyos sapagkat tayo lamang ang nakagagamit nito. Paano ba natin mapapangalagaan ang wika? Tulad ng pag-aalaga ng isang ina sa kanyang anak, hindi natin mapapangalagaan ang wika kung hindi natin ito matutunang mahalin. Isapuso natin ang wika sa pamamagitan ng pagamit nito ng wasto. Araw-araw ibat-ibang mga salita at istilo ang nadaragdagan dulot na rin ng modernisasyon. Nakalulungkot isipin na sa pagdaan ng panahon, unti-unting naaabuso ang wika. Tila nakalimutan natin na ang wikay ipinagkaloob sa atin upang tayoy magkaunawaan at magkaintindihan, hindi para magkasakitan. Tandaan natin na kung wala ang wika, hindi rin natin matatamasa ang globalisasyong natatamasa natin sa ngayon. Habang ang wikay patuloy na nagbabago, sumasabay naman dito ang kalikasan. Ang kalikasan na nangangailangan ng atensyon at pangangalaga sapagkat itoy pinagkukunan n gating pangaraw-araw na pangangailangan. Masasabi ba nating nasa mabuting kondisyon pa ang ating kalikasan sa ngayon? Ang pagbabagu-bago nga panahon, mga kalamidad, pagkaguho ng kabundukan, mga pagbaha at ang pagkatuyo ng mga halaman dahil sa sobrang init ay ilan lamang sa mga sintomas ng pagka-kanser ng ating kalikasan. Kung itoy sa tao pa, nangangailan na ito ng lubusang atensyon at ibat-ibang therapy upang itoy maisalba pa. Paano na lamang kung itoy biglang maglaho? Paano na tayo? Saan na tayo kukuha ng ating pagkain sa arawaraw? Makalalanghap pa ba tayo ng preskong hangin? Paano na ang mga hayop, na tulad natin ay nakadepende rin sa kalikasan? Ilang sakuna na rin ang ating naranasan. Nagpapatunay lamang ito na kapag ang kalikasan na ang gumanti, itoy hindi natin mapipigilan o matatakasan. Kailan pa tayo kikilos? Kung tayoy huli na? Tayong mga kabataan, dapat tayong tumulong sa pagreserba ng ating likas na yaman sa pamamagitan ng pagsimula mismo sa ating sarili. Sa pamamagitan ng pagtapon ng basura sa mga wastong basurahan at pagtago muna ng basura sa bulsa kapag walang makitang basurahan, malaki na ang maiaambag mo. Hindi naman masama ang makisabay sa modernong panahon. Itoy kinakailangan din natin upang tayoy hindi mahuli sa pag-unlad. Siguraduhin lamang panatilihin natin sa ating pusot isipan ang wastong gamit at pangangalaga ng ating wikat kalikasan. Kung gusto talaga nating pangalagaan ang ating wikat kalikasan dapat maikintal muna sa bawat isipan ng mga mamamayan ang wagas na pagmamahal sa pangangalaga nito. Ito ay ang pangangalagang nangaling sa atin mismo.

You might also like