You are on page 1of 10

I.

Introduksyon Mula pagkabata pa lamang ng isang Pilipino ay namulat na ang kanyang kamalayan na si Rizal ay isang repormista lamang at mahigpit na tumututol sa rebolusyon. Ngunit ang tanong, repormista nga lamang ba talaga si Rizal? Sa papel na ito, gagamitin ang pakahulugan ni Teodoro Agoncillo sa repormista bilang hindi sang-ayong maging nagsasarili ang Pilipinas, kundi mahangay nais lamang nilang magpasok ng mga pagbabago sa pamamahala ng bayan.1 Samantala, gagamitin naman ng papel na ito ang kahulugan ng rebolusyon batay sa sinabi ni Padre Florentino sa El Filibusterismo (na kung mapapansin, sa pamamagitan niya ipinararating ni Rizal sa mga tao ang kanyang mga kaisipan). Ayon sa kanya, ang rebolusyon ay hindi nangangahulugan ng marahas na pakikipaglaban upang dumanak lamang ang dugo ng ibang tao kundi nangangahulugan ito ng kahandaan ng isang tao na magbuwis ng kanyang sariling buhay para sa kapakanan ng karamihan.2 Sa papel na ito, muling susuriin kung isa nga lamang ba talagang repormista si Rizal. Nagnais nga lamang ba talaga siya ng asimilasyon sa Espanya? Ni minsan ba ay hindi man lamang sumagi sa isip niya ang paghiwalay dito? Ang mga katanungang nabanggit ang sisikaping sagutin ng papel na ito. Sa pamamagitan ng pagsusuri sa kanyang mga isinulat na nobela at mga liham sa kaibigan, papatunayan ng papel na ito na si Rizal ay naging rebolusyonaryo rin at hindi lamang isang repormista na taliwas sa naging pagkakakilala sa kanya ng karamihan. At matapos mapatunayan na si Rizal ay isang ring rebolusyonaryo, tatalakayin naman ng papel na ito ang ideya niya sa himagsikan batay pa rin sa kanyang mga isinulat na mga akda. Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na bigyan ng kalaliman ang pagkaunawa kay Rizal
1

Teodoro Agoncillo, Ang Pilipinas at ang mga Pilipino Noon at Ngayon (Quezon City: R.P. Garcia Publishing Co. Inc., 1981), 148. 2 John Schumacher, The Noli Me Tangere as Catalyst of Revolution, BUDHI Papers 7 (1987): 105.

2 bilang bayani na walang ibang inisip kundi ang kapakanan ng kanyang bayan. Bukod dito, naglalayon din ang papel na ito na itama ang mga naging maling pakahulugan kay Rizal. II. Reporma o Rebolusyon? Katulad ng nabanggit na kanina, isa ang mga liham ni Rizal sa susuriin ng papel na ito upang lalong maisakonteksto ang kanyang mga naging pananaw at nang sa gayon ay lalong maunawaan ang itinakbo ng kanyang isip sa pagdaan ng panahon. Oo, masasabi ngang naging isang purong repormista si Rizal noong una, ngunit nagbago ang kanyang paniniwala habang tumatagal. May mga pangyayaring nagdulot ng pagbabago sa pananaw niyang ito ngunit sa ngayon ay susuriin muna ang kanyang mga liham upang mapatunayan ang mga naging pagbabago sa kanyang pananaw mula sa pagiging asimilista tungo sa pagiging separatista; mula sa pagiging isang repormista lamang, patungo sa pagiging isang rebolusyonaryo. Sinasabi na matapos pa lamang maipalimbag ni Rizal ang Noli noong mga huling buwan ng taong 1886 ay napagtanto na niya na hindi na epektibo ang layunin ng ibang mga Pilipino na makakamit lamang ng reporma sa Espanya.3 Sa isang sulat niya kay Blumentritt noong ika-26 ng Enero 1887 ay sinabi niyang: Akoy kasang-ayon ninyo tungkol sa paghiwalay ng Pilipinas,4 [sa akin ang empasis] ngunit hindi lamang darating kailanman ang gayong pangyayari. Ang pakikibakang payapa ay lagi nang magiging isang pangarap, [sa akin ang empasis] sapagkat hindi matututuhan kailanman ng Espanya ang ibinigay na aral ng kanyang mga dating sakop sa Timog Amerika. . . . Datapuwat sa ilalim ng mga kasalukuyang pangyayari ay hindi namin hinahangad ang paghiwalay sa Espanya; ang lahat ng hinihingi namin ay lalong mabuting paglingap, lalong mabuting pagtuturo, lalong mabubuting kawani sa pamahalaan, isa o dalawang kinatawanan at higit na katiwasayan para sa aming pagkatao at sa aming ari-arian. Maaaring matamo tuwina ng Espanya ang pagmamahal ng mga Pilipino kung ang Espanya lamang ay magiging makatuwiran!5
3 4

Ibid. , 97. Ang pagbanggit ni Rizal sa opinyon na ito ni Blumentritt tungkol sa paghiwalay ng Pil. sa Espanya ay marahil nasa isang sulat ni Blumentritt na sa kasamaang palad ay hindi matagpuan sa Epistolario o kahit sa iba pang mga aklat. 5 Jose Rizal, Pagsusulatan nina Rizal at Blumentritt 1886-1896 (Maynila: Pambansang Komisyon ng mga Bayani, 1963), 36.

3 Sa liham na ito, makikita na talagang nawalan na ng loob si Rizal sa Espanya. Malinaw na ayaw na niya ng asimilasyon. Ipinapahayag din ng kanyang liham na kung hihiwalay man ang Pilipinas sa Espanya, hindi ito makakamtan ng Pilipinas sa mapayapang paraan. Para sa akin, ito ay lantarang pagpapakita na ng pagiging rebolusyonaryo ni Rizal. Sa Veneration Without Understanding na isinulat ni Renato Constantino ay nabanggit niya rin ang liham na ito. Ayon sa kanya ito raw ay nagpapatunay ng pagiging isang asimilista ni Rizal dahil sa sinabi nitong, sa ilalim ng mga kasalukuyang pangyayari ay hindi namin hinahangad ang paghiwalay sa Espanya.6 Sa bagay na ito ay sumasang-ayon ako sa sinabi ni Quibuyen sa kanyang libro na A Nation Aborted: Rizal, American Hegemony, and Philippine Nationalism na tinanggal daw kasi ni Constantino ang unang bahagi ng pangungusap ng talata ng liham at ang salitang datapuwat na napakahalaga ng ibig sabihin. Dahil para sa akin, sa liham na ito ni Rizal ay sinasabi niya lamang na hindi niya muna gustong humiwalay sa Espanya ngunit dahil hindi naging makatuwiran ang Espanya sa pamamalakad nito sa Pilipinas, ay bukas na siya sa ideya ng paghiwalay dito at handa na siyang lumaban sa anumang paraan. Sa isa pang liham ni Rizal kay Blumentritt noong ika-19 ng Hunyo 1887 ay ipinahayag niya ang kahandaan niyang makisama sa pakikipaglaban sa Espanya kahit na sa marahas na paraan. Dito ay sinabi niyang: Tinitiyak ko sa inyong wala akong kanais-nais na makilahok sa mga panghihimagsik, na inaakala kong napakaaga sa panahon at napakamapangahas. Datapuwat kung kamiy pipilitin ng pamahalaan na gawin ang gayon, alalaong bagay kung wala nang nalalabi sa aming iba pang pag-asa kundi hanapin ang aming pagkapariwara sa pakikidigma, kapag lalong minamarapat ng mga Pilipino ang mamatay kaysa magpatuloy sa lalong pagtitiis, sa gayoy makikisama na rin ako sa mga mararahas na kaparaanan. . . . [sa akin ang empasis] Hindi ko mapaniniwalaang kayo na isang taong malaya, isang mamamayan ng Europa, ay magtatangkang magpayo sa inyong mabuting kaibigan na magtiis sa lahat ng bagay at mag-asal na parang isang taong mahina
6

Renato Constantino, Veneration Without Understanding in Dissent and Counter Consciousness (1970), 19.

4 ang loob, walang tapang. Maniwala kayong wala akong ibang inaadhika kundi ang kaligayahan ng aking bayan at habang akoy naniniwalang ang kasamaan ay nasa pamamalakad lamang ng pamahalaang Kastila, ay babakahin ko ang lahat ng babalakin laban sa Espanya. [sa akin ang empasis] Maaasahan ninyo iyan.7 Marahil ang liham na ito na ang maituturing na pinakamalakas na ebidensya ng pagiging reboulusyonaryo ni Rizal, dahil nanggaling na mismo sa kanyang bibig na handa na siyang makisama sa paglaban sa Espanya sa marahas na paraan. Ito ay taliwas sa sinasabi ni Constantino na isa lamang siyang repormista hanggang sa huli at ang tanging nais niya lamang ay asimilasyon. Mapapansin din dito na ang pagtitiis ni Rizal ay umabot na sa hangganan, dahil sa animo sinusumbatan niya si Blumentritt sa ipinayo nito sa kanya na magtiis na lamang muna siya. Ang tanong ngayon, bakit nga ba hindi na matiis ni Rizal ang ginagawa ng mga Kastila? Anu-ano ang mga pangyayari na naging sanhi upang tuluyan nang naisin ni Rizal ang paghiwalay sa Espanya at labanan na ito kahit sa marahas na paraan? Isa sa pangyayari na naging dahilan ng pagbabago ng pananaw ni Rizal ay ang pangyayari sa asyenda ng Calamba. Noong ika-30 ng Disyembre 1887, nagsimulang mapansin ng gobyerno na ang ibinabayad na kita ng mga Dominikano sa kanila ay hindi man lamang tumataas sa kabila ng paglaki ng sukat ng nalilinang na lupa sa nasasakupan ng mga ito. Dahil dito, inatasan ng gobyerno ang konseho ng bayan ng Calamba na alamin kung mayroong pagtaas sa produkto at sa sukat ng lupain na pag-aari ng mga Dominikano. Sumunod nito ay humiling ang konseho ng bayan kay Rizal na gumawa ng ulat tungkol dito. At ang natuklasan nga ay ang talamak na pangungurakot ng mga Dominikano. Ang totoo nito ay hindi talaga nila pag-aari ang 9/10 ng mga lupain na kinukuhaan nila ng upa. Dahil dito ay nagpetisyon ang mga taga-Calamba sa gobyerno na gumawa ng bagong kontrata sa pagitan nila at ng mga Dominikano. Samantala,

Rizal, 87-88.

5 sa kamalas-malasan naman ay dumating ang konserbatibong Heneral na si Weyler noong Mayo 1888 at pinalitan nito ang liberal na Heneral na si Terrero. Naging tuta si Weyler ng mga prayle at gumawa siya ng hakbang pabor sa mga ito. Dahil dito ay agad na pinaalis ang animnapung pamilya sa kanilang mga bahay at lupain at ang masaklap pa rito ay winasak pa ang kanilang mga ari-arian at ipinatapon ang iba sa kanila sa ibat ibang lugar. At kasama nga sa naapektuhan sa sitwasyong ito ang pamilyang Rizal. Ipinatapon sa Mindoro ang kanyang ama, ang kapatid niyang si Paciano, at ang mga bayaw niya na sina Silvestre Ubaldo at Antonio Lopez. At ang pinakamasaklap ay ang nangyari sa kanyang ina sa bundok ito pinadaan mula sa Maynila papuntang Sta. Cruz, Laguna dahil lamang sa hindi nito sinabi na ang pangalan niya ay Realonda de Rizal at ang sinabi nito ay Teodora Alonzo lamang! 8 Napakasaklap ng pangyayaring ito at sa katunayan ay isinulat niya pa kay Blumentritt ang tungkol dito. Sa sulat ay makikita ang matinding galit sa kanya. Sinabi niya rito na, Ang buhay sa Pilipinas ay hindi na mababata; walang pagpipitagan, walang kabaitang asal, walang katarungan!9 Sa sinabi niyang ito ay makakaramdam ka ng matinding emosyon at masasabi mo na tuluyan na talaga siyang nawalan ng pag-asa na maidadaan pa sa reporma ang lahat. Ang isa pang pangyayari na nakaapekto sa pagbabago ng pananaw ni Rizal ay ang tinatawag na Manifestasyon ng 1888. Ayon nga kay Coates, ito raw ang unang publikong resulta ng impluwensya ng Noli. Ito ay nangyari nang hiniling ng mga gobernadorcillo ng Maynila sa Gobernador Sibil na patalsikin na ang mga prayle. Ito ay ginawa nila sa pamamagitan ng paghahain ng isang petisyon. Ngunit minasama ng pamahalaan ang petisyon at dahil dito ay nakulong ang 28 na tao. Matapos nito ay pinagdebatehan ang manifestasyon sa Senado sa

Floro Quibuyen, A Nation Aborted: Rizal, American Hegemony, and Philippine Nationalism (Quezon City: Ateneo Press, 1999), 24-28. 9 Rizal, 318.

6 Madrid ngunit wala rin naman nangyari at sa halip ay lalo lamang nilang kinutya ang mga Pilipino.10 Sa pangyayaring ito ay napagkuro na ni Rizal kung ano ang magiging reaksyon ng Espanya sa mga ganitong sitwasyon; na magbibingi-bingihan lamang ito sa hinaing ng mga Pilipino. Malinaw na hindi man lamang nito susuriing mabuti ang mga kaso na ihahain sa kanila at sa halip ay hahamakin pa nila. Sabi nga, sa panahong ito ay masasabing tumigas na talaga ang loob niya sa Espanya at sinabi niya sa isang sulat niya kay Blumentritt noong ika-23 ng Hunyo 1888 na hindi na raw siya umaasa sa alinmang pamahalaan.11 Isa pang insidente ay nangyari noong Abril 1889 nang isang malawakang pag-aresto ang isinagawa sa Maynila. Ito ay dahil sa natuklasan nila na ang kapatid ni Jose Maria Basa na si Matias ay sekretong nakikipagsabwatan sa propaganda na laban sa mga prayle. Kinondena ito ni Rizal at sinabi niya na ang mga ganitong pag-aresto ay lalo lamang magpapasidhi ng damdamin ng mga Pilipino laban sa Espanya.12 Ang mga pangyayaring ito ay labis na nakaapekto sa pananaw ni Rizal tungkol sa Espanya. Kung noong una ay humihingi lamang siya ng reporma para sa Pilipinas, pagsapit ng huling buwan ng taong 1886, ayon kay Schumacher, o noong mga unang buwan ng taong 1887, ayon naman kay Quibuyen, ay nagbago na ang isip niya. Ayaw na niya ng asimilasyon. At natitiyak na niya ang kanyang nais para sa Pilipinas. At ito ay ang pagtungo na ng mga pangyayari sa rebolusyon. Kaugnay nito, ano nga ba ang ideya ni Rizal sa rebolusyon?

10

Austin Coates, Rizal: Makabayan at Martir (Salin sa Filipino ni Nilo S. Ocampo) (Quezon City: University of the Philippines Press, 1995) 207. 11 Rizal, 136. 12 Quibuyen, 22.

7 III. Ideya ni Rizal sa Rebolusyon Upang lalong maunawaan ang ideya ni Rizal sa rebolusyon ay kailangan munang maunawaan ang konsepto niya ng sentimyentong nasyonal.13 Ayon kay Quibuyen, may ibat ibang magkakaugnay na kahulugan ang konseptong ito. Unang-una na raw rito ay ang pagsusulong ng kabutihan para sa nakararami o common good. Ikalawa naman daw ay ang tinatawag ni Rizal na espiritung nasyonal. Maiuugnay dito ang isinulat ni Isaiah Berlin na Bent Twig. Ayon kay Berlin, bawat bansa ay may sariling pagkakakilanlan at may kanya-kanyang tradisyon. At dahil sa pinagbubuklod ang mga indibidwal na naninirahan sa iisang bansa ng magkakaparehong tradisyon, ay nagkakaroon sila ng pare-parehong damdamin na ipagtanggol ang lahi nila kapag may superyor na lahi na umapi sa kanila.14 Para sa akin ay ganito rin ang kahulugan ng espiritung nasyonal na iniuugnay sa pakahulugan ni Rizal sa sentimyentong nasyonal. Sa pananaw ni Rizal, kailangang mapagtanto ng bawat Pilipino na pare-pareho sila ng nararanasan; kailangan nilang malaman na hindi lang sa iisang lugar sa Pilipinas nangyayari ang pang-aapi ng mga Kastila sa mga Pilipino kundi sa buong bansa. At upang matamo ito ay kailangang: (1) masira ang propaganda ng mga Kanluranin na ayon sa kanila ay pumunta sila rito upang gawing sibilisado ang mga katutubo; (2) mailantad ang kasamaan ng mga mananakop; (3) maitatak sa mga tao ang kanilang nasyonal na pagkakakilanlan at kultura.15 Sa pamamagitan ng anotasyon ni Rizal ng Sucesos de Las Islas Filipinas ni Antonio Morga at ng pagsulat niya ng Noli at Fili ay isinakatuparan ni Rizal ang mga bagay na ito na nais niyang mapagtanto ng mga Pilipino. Sabi nga ni Schumacher, sa pamamagitan ng anotasyon ni

13 14

Ibid. , 172. Isaiah Berlin, The Crooked Timber of Humanity: Chapters in the History of Ideas (Edited by Henry Hardy) (New Jersey: Princeton University Press, 1998), 16. 15 Quibuyen, 174-175.

8 Rizal sa isinulat ni Morga ay inilatag niya ang ugat ng mga Pilipino bilang isang nasyon. 16 Inilantad ni Rizal dito ang mayamang nakaraan ng mga Pilipino. Gusto niyang mapagtanto ng mga ito na hindi totoong walang sibilisayon dito sa Pilipinas bago dumating ang mga Kastila. Alam naman ng lahat na ang pagtingin ni Rizal sa kasaysayan ng Pilipinas ay tripartite view liwanag, dilim, liwanag. Gusto niyang palabasin na bago dumating ang mga Kastila ay may mayamang nakaraan ang Pilipinas. Nang dumating ang mga ito ay saka lamang naranasan ng mga Pilipino ang labis na paghihirap o kadiliman. At mararanasan lamang uli ng mga Pilipino ang kaliwanagan kung aalis na sa Pilipinas ang mga Kastila. Nagnais si Rizal na pataasin ang dignidad ng mga Pilipino sa pamamagitan ng aklat na ito at ang sumunod naman na aklat ay magpapamukha sa mga Pilipino ng kanilang abang kalagayan sa ilalim ng mga mananakop. Inilatag ni Rizal sa Noli ang mga pangyayari noon sa Pilpinas sa pamumuno ng Espanya. Hindi lamang niya isinulat dito ang masasamang gawi ng mga prayle kundi isinulat niya rin ang masasamang gawi ng mga Pilipino. Kailangan kasing maunawaan ng mga Pilipino ang mga pangyayari sa kanila noong panahong iyon upang maging responsable sila sa kanilang mga sarili at mas umunlad pa ang kanilang pagkatao. Kaya nga sinasabi na ang Noli ay paghingi ni Rizal ng reporma para sa mga Pilipino at hindi paghingi ng reporma para sa Espanya.17 Kung ang Noli ay ang pagtalakay sa kasalukuyan, ang pagtalakay naman sa hinaharap ay ginawa ni Rizal sa El Filibusterismo. Tinalakay niya rito kung ano ang mga nararapat gawin upang matapos na ang paghihirap ng mga Pilipino; at ito nga ay tungkol sa rebolusyon. Mapapansing nagbigay si Rizal dito ng dalawang paraan upang labanan ang mga Kastila: ang paraan ni Padre Florentino at ang paraan ni Simoun. Pinatay ni Rizal si Simoun na nangangahulugan na hindi siya sumasang-ayon sa paraan nito. Para kasi kay Simoun, hindi

16 17

Scumacher, 101. Ibid. , 99.

9 mahalaga na maituwid pa ang mali, mas nakatuon ang kanyang atensyon na maparusahan ang mga nagkamali. Kumbaga, nilalagay ni Simoun ang batas sa sarili niyang mga kamay. At para kay Rizal ay walang kahihinatnan ang ganitong uri ng rebolusyon. Mas pinapaboran niya ang paraan ni Padre Florentino. Ayon kasi dito, dapat maging karapat-dapat muna ang mga Pilipino sa kalayaan na gusto nilang matamo. Kailangan maging responsable mismo ang mga Pilipino sa kanilang mga sarili. Kaya kinondena ni Rizal ang pagiging makasarili ni Simoun at ipinahiwatig niya na kung saka-sakaling ang mga katulad nito ang mamumuno sa hinaharap ay magiging isang malupit lamang itong pinuno at kung saka-sakali ay mababale-wala lamang ang lahat ng pinaghirapan ng mga Pilipino.18 Ayaw ni Rizal ng walang katuturang pakikipaglaban. Kaya hanggat maaari ay inumpisahan niya muna sa bagay na kung saan pinakamahalaga sa kanya at ito ay ang mapanumbalik ang moral ng mga Pilipino. At kapag napanumbalik na ito ay magkakaroon na ng mga indibidwal na handang magsakripisyo ng kanilang sariling buhay para sa bayan na kung saan magtutulungan na ang lahat para sa ikabubuti nito. At ang resulta ay ang pagkakaroon ng isang bansa na kung saan ang bawat indibidwal ay ginagawa ang lahat para sa kapakanan ng bayan. IV. Konklusyon Napatunayan na sa papel na ito na si Rizal ay hindi lamang isang repormista kundi isa ring rebolusyonaryo. Ang problema lang ay marami ang hindi nakaunawa sa nais niyang iparating kaya nagkaroon ng maling pagpapakahulugan sa kanyang mga ideya. At ngayon nga ay nailahad na ang ninais niyang mangyari sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila hindi lang asimilasyon kundi separasyon na sa Espanya at kahandaang magbuwis ng sariling buhay ng bawat indibidwal tungo sa katuparan ng layunin na ito.
18

Ibid. , 101-102.

10 PINAGSANGGUNIAN MGA AKLAT-TALAAN Agoncillo, Teodoro. Ang Pilipinas at ang mga Pilipino Noon at Ngayon. Quezon City: R.P. Garcia Publishing Co. Inc., 1981. Berlin, Isaiah. The Crooked Timber of Humanity: Chapters in the History of Ideas (Edited by Henry Hardy), New Jersey: Princeton University Press, 1998. Coates, Austin. Rizal: Makabayan at Martir. (Salin sa Filipino ni Nilo S. Ocampo), Quezon City: University of the Philippines Press, 1995. Daroy, P. at D.S. Feria. Rizal: Contrary Essays. Quezon City: Guro Books, 1968. Quibuyen, Floro. A Nation Aborted: Rizal, American Hegemony, and Philippine Nationalism. Quezon City: Ateneo Press, 1999. Rizal, Jose. Pagsusulatan nina Rizal at Blumentritt 1886-1896. Maynila: Pambansang Komisyon ng mga Bayani, 1963. Rizal, Jose. El Filibusterismo. (pinahalagahan at isinaayos nina Estrelita M. Marasigan at Florentina S. Gorrospe), 2001. Salazar, Zeus. Wika ng Himagsikan, Lengguwahe ng Rebolusyon. Quezon City: BAKAS, Lathalain Blg. 8, 1999.

KATIPUNAN NG MGA DOKUMENTO Bonoan, Raul. Tasio El Filosopo and Padre Florentino: An Inquiry into Rizals Prophetic Vision, BUDHI Papers 7 (1987): 1-16. Constantino, Renato. Veneration Without Understanding. In Dissent and Counter Consciousness (1970). Schumacher, John. The Noli Me Tangere as Catalyst of Revolution, BUDHI Papers 7 (1987): 97-108.

You might also like