You are on page 1of 4

Ang Kabataan Noon at Ngayon

Ang kabataan noon at ngayonay may maliit lamang na puwang sa kanilang pagkakalayo sa kilos, gawi, ugali, pananamit, damdamin at iba pang bagay. Sinasabing ang mga kabataan noon ay higit na magalang, masunurin at mabait di-tulad ng mga kabataan ngayon. Lubhang taimtim sa pusot isipan nila ang kanilang ginagawa; sa kabilang dako, ang kabataan ngayon ay may mapagwalang-bahalang saloobin. Lalong masinop sa pagaayos ng katawan at pananamit at lubhang matapat sa pagsunod sa batas ang mga kabataan noon, kaya wika nga, ang kabataan noon ay hubog sa pangaral at kababaang- loob at ang asal ay ipinagmamalaki ng lahat. Kaiba naman ang mga kabataan ngayon. Mulat sila sa makabagong panahon kaya higit na maunlad sa pangangatwiran na kung magkaminsan ay napagkakamalang pagwawalang-galang sa kapwa. Lubhang mapangahas sa mga gawin at mahilig sa maraming uri ng paglilibang. Napakatayog ng mga mithiin nila at higit na maunlad ang tunguhin. Marami rin ang magkasimbat at magkasinsipag sa mga kabataan noon at ngayon. Ang kabataan noon at ngayon ay pag-asa ng bayan natin. Kapwa sila makabayan, mapagmahal, matulungin sa mga kaangkan at may mga mithiin a buhay. Ang pagkakaiba ay ayon sa lakad ng panahon. Hindi bat mayroon tayong Sampung Lider na mga Kabataan na pinipili taun-taon? Sila ang saksi sa ating pinakamahuhusay na kabataan noon at ngayon.
Kabataan:Isang Pagtatanong C.C Marquez, Jr. Ako, ikawkayosilatayong mga kabataan,

Saan natin ihahatid itong ating inang bayan? Sa altar ba ng pag-asa o sa bibig ng kabiguan Sa paanan ba ng langit o bunganga ng libingan? Dapat tayong manghilakbotdapat tayong kilabutan Sa lahat ng pangyayaring nagaganap ng hayagan Unti-unting naglalaho nang di natin nalalaman Ang sariling tatak natin bilang Perlas ng Silangan; Kilos natin at damdaminang kulturat kabuhayan, Dahan-dahang nalalagom ng masakim na dayuhan!

Nanaisin pa ba natin ang magbalik ang panahon Ng nabaon na sa limot na duguang mga taon? Noong tayong mga kabataan ay may pusong nag-aapoy At wala ng hinahangad kundi gulot rebolusyon? Sa kumpas ng paaralay nais pa ba natin ngayong Maglagay ng barikadat magdaos ng demonstrasyon? Di bat dahas ay sa dahas sumugpong na lubos noon Upang ganap na sikangan ang sa bayay nagsusulsol? Kabataankabataanako nayoy nagtatanong: Saan natin ihahatid itong ating henerasyon?

Papayagan kaya natin sa sarili nating bansa, Ang sariling tatak natit kakanyahan ay mawala? Sa kultura ng dayuhang dito ngayoy bumabaha, Ang sariling kalinangay lulunurin na rin kaya? Ang malagim na kahapong dugot luha ang napunla Bakit ngayong susupling na saka tayo nagpabaya?

Ang aral ni Dr.Rizal na tayoy pag-asa nga, Bakit ngayoy aral pa ring matupad ni bahagya? Sa paningin ng daigdig, dapat tayong mangahiyaPilipinong naturingan ay dayuhan ang kamukha!

Ikaw kayay isang bulag at hindi mo nakikita Ang talamak na pagyurak sa sarili mong kultura? Sa harap ng telebisyon panatag kang nakatawa At ni hindi ka mapaknit kung dayuhan ang programa Ang likas mong panooring makulay na zarzuela, Ngayoy nagging video tapes at Betamax sa tuwina Ang tamis ng tulain mo at kundimng pangharana, Pinalitan mo ng disco, ng swing, ng rock, boogie; Dumilat ka, kabataanang lahi moy nakukuha Ng dayuhang sa bansa moy nagpapanggap na turista!

Ang agwat ng talastasan ng magulang at anak, Hindi mo ba napapansing kaylawak ng isang agwat? Dumaraan ang maghapot lumilipas ang magdamag, Ni putol mang dayalogoy hindi kayo nakabigkas; Kahit isang problema mosa kanilay di naungkat, Kaya itoy nananatiling suliraning hindi malutas Papaano, tayong bunsoy sa lansangan nagpupuyat Sila namang ama at inay sa Gawain nagbababad; Ah! Sa aba ng Maykapal kapag itoy di nagwakas, Wawasakin ang pamilyat ang bansa moy malalansag.

Ikaw, akokayo, sila dapat tayong mangag-isip, Itong ating Inang Bayay saan natin ihahatid? Sa altar ba ng pag-asa o libingang sakdal lamig? Sakuko ng kabiguan o tagumpay na marukit? Tayong mga kabataan ang pag-asa ng daigdig, Sa magulang at ninunoy tayong lahat ang magpapalit Ang kulturat kabuhayan ay linanging buong higpit Upang tayoy makalaya sa dayuhang mapanggipit; Isang bansa Isang diwa ang satiy bumibigkis, Tayoy mga kabataan Pilipino bawat saglit!

You might also like