You are on page 1of 1

Pakikinig --Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng pandinig at pag-iisip.

Aktibo ito dahil nagbibigaydaan ito sa isang tao na pag-isipan, tandaan at suriin ang kahulugan at kabuluhan ng mga salitang kanyang napakinggan. Ang pakikinig, samakatuwid, ang pag-unawa saU kahulugan ng mga tunog na napakinggan. Nangangahulugan ito ng pakikinig nang may layunin- ang pag-unawa sa kahulugan ng mga salita at pangungusap na narinig. Inuunawa ang mga katotohanan at ideya na nakapaloob sa mga salitang napapakinggan. U Natatamo ang pag-uunawa sa pamamagitan ng ating isipan. Isang aktibo itong kasanayan sapagkat may nagaganap sa isipan ng isang tao habang nakikinig. Ipinoproseso ng kanyang isipan ang mga bagay na kanyang napapakinggan hanggang sa maunawaan niya ang kahulugan ng mga ito.Napakahalaga ng pag-unawa sa proseso ng pakikinig. Proseso ng pakikinig Pagtugon Pagtanggap ng mensahe

Komprehensibo pinagtutuunan ng pansin ang nilalaman at ang kahulugan ng pinakikinggan. Paglilibang ginagawa upang maglibang o aliwin ang sarili. Paggamot makiramay o makisimpatiya sa pamamagitan ng pakikinig sa suliranin o hinaing. Kritikal ginagamit sa pagbubuo ng hinuha upang makabuo ng ganap na pag-aanalisa o pagsusuri sa paksang narinig.

Gabay sa Mabisang Pakikinig 1. 2. Bumuo ka ng layunin sa pakikinig. Ituon ang pakikinig sa pangunahin at mahalagang puntos na sinasabi ng tagapagsalita. Itala ang mahahalagang sinasabi ng tagapagsalita sa kwaderno. Pakinggang mabuti ang nilalaman ng sinasabi at hindi ang paraan ng pagsasalita. Isaisantabi ang panghuhusga sa panlabas na anyo ng tagapagsalita at sa halip, pagtuunan ng pansin ang nilalaman ng sinasabi niya. Sikaping maging sensitibo sa verbal at di-verbal na mensahe ng tagapagsalita. Tiyakin kung tama ang pagkaunawa sa mga narinig. Laging isaisip na isang paghamon tungo sa mabilis na pagkatutuo ang mabisang pakikinig.

3.

4. Pagpokus ng atensyon sa tinanggap na mensahe Pagpapakahulugan Pagtanda sa narinig MGA SALIK NA NAKAKAIMPLUWENSYA SA PAKIKINIG May pitong salik na lubhang nakakaimpluwensya upang maging epektibo ang pakikinig. 1. Oras o Panahon may tinatawag na oras de peligro at mga panahon na malaking hadlang sa pakikinig. Halimbawa nito ay ang alas dose hanggang alos dos na syang nakakaantok, kapag malamig naman ang panahon ay talagaang nakakaantok, at kapag mainit namay hindi ka komportable at marami pa na syang humahadlang sa ating pakikinig. 2. Edad mainiping makinig ang mga bata ngunit mas mahusay ang kanilang memorya samantalang sa matatanda namay matyagang makinig kayat mas naiintindihan nila ang kanilang pinapakinggan 3. Kasarian mahaba ang pasensya ng mga babae sa pakikinig dahil interesado sila sa mga detalye ng mga ideya. Samanatalang ang mga lalake namay madaling mabagot at ibig nila ang diretsong pagpapahayag. 4. Tsanel ang tsanel ay ang daluyan ng komyunikasyon. Sa pamamagitan nito, ang mensahe mula sa enkowder ay naipapadala sa decoder. Sa kaso ng pakikinig, ang hangin ang daanan ng mensahe. 5. Lugar o Kapaligiran isang lugar na malinis, tahimik, maliwanag, at malamig ang kailangang kapaligiran upang efektibong makapakinig ang isang indibidwal. Malaki ang magagawa na kapaligiran at sitwasyong kinaroroonan ng tagapakinig sa paraan ng kanyang pakikinig. 6. Kultura may sagabal sa pag- uunawa ng mga konseptong naririnig kung iba ang kultura ng nakikinig. Maaaring asahan na higit na mahusay na tagapakinig ang taong naturuan ng tamang asal tulad ng paggalang sa kapwa at may sariling disiplina. 7. Konsepto sa sarili maaaring ang taing may malawak na kaalaman ay magkaroon ng sagabal sa pakikinig sapagkat mataas ang pananaw sa sarili, at dahil dito, ang ilang maririnig ay maaaring hindi paniwalaan o maunawaan dahilan sa taglay na konsepto sa sarili. Uri ng Pakikinig Deskriminatibo matukoy ang pasalita at di- pasalitang paraan ng komunikasyon. 6. 5.

7. 8.

Hadlang sa Pakikinig 1. 2. 3. 4. 5. 6. Pagbuo ng maling kaisipan Pagkiling sa sariling opinyon Pagkakaiba-iba ng pakahuluga Pisikal na dahilan Pagkakaiba ng Kultura Suliraning Pansarili

Mga Kasanayan sa pakikinig 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. Pakikinig para sa kagandahan, kaaliwan at gamit ng musika Pakikinig para sa pagtukoy ng pamaksang diwa, aral at pagpapahalaga na napapaloob sa isang pahayag o kwentong napakinggan Pakikinig para makasunod sa tagubilin at panuto kaugnay sa sadyang gawain Pakikinig para sa paghinuha ng natatanging impormasyon Pakikinig upang matukoy ang pagkakaiba Pakikinig upang mahinuha ang mga paguugali, at upinyon para sa pahaya o textong napakinggan Pakikinig upang mailahad ang detalye ng paghahambing sa pakikipagtalo at pagpapahayag Pakikinig upang makilala ang mahahalagang kaisipan Pakikinig upang makapagbalangkas ng mga katanungan at matamo ang tamang sagot sa mga tanong

You might also like