You are on page 1of 2

Wika ibat-ibang depinisyon ***"Ang wika ay isang sistematik na balangkas na may binibigkas na tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitrari

i upang magamit ng mga taong may iisang kultura." - Henry Gleason ***"Ang wika ang pangunahin at pinakamabusising anyo ng gawaing pansagisag ng tao." - Archibald Hill ***"Itinuturing ang wika bilang saplot ng kaisipan; gayunman, mas angkop marahil sabihing ang wika ay ang saplotkalamnan, ang mismong katawan ng kaisipan." - Thomas Carlyle ***"Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makapagkomyunikeyt ang isang grupo ng mga tao." - Pamela Constantino at Galileo Zafra Wika ng Kalikasan Ang wika at salitain ay nahahati sa apat na uri. Una, ang balbal, na siyang pinakamababa. Halimbawa ng mga ito nito ay ang mga salitang "parak (pulis), iskapo (takas), istokwa (layas), juding (binbabae) at tiboli (tomboy)". Ikalawang uri naman ay ang lalawiganin. Kabilang sa uri o antas na ito ay ang mga salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan o panlalawigang salita. Ang mga Cebuano, Iloko, Batangueno, Bicolano at iba pa ay may temang lalawiganin sa kani kaniyang dila. Isang matibay na indikasyon ng lalawiganing tema ay ang punto o accent AT (hindi, O) ang paggamit ng mga salitang hindi banyaga at hindi rin naman Tagalog. Ang ikatlong uri naman ay ang Pambansa. Sa Pilipinas, laman pa rin ng pagtatalo kung ano ang kasama sa antas na ito. Marami ang nagsasabing ito ay Filipino, samantalang ang iba naman ay may katwiran din na tawaging Tagalog lamang ang Wikang Pambansa ng Pilipinas. Kung mauunawaan na ang Filipino at ang kaniyang alpabeto (Simpleng alpabeto) ay maunlad, at may mga hiraw na titik. Ang Filipino naman ay kalipunan ng mga salitain ng lahat ng mga Filipino (tao) maging lalawiganin man, o balbal, mapa Tagalog man o banyaga. Sa kadahilanang ito, ang Tagalog ang syang tinuturing na wikang Pambansa at hindi ang Filipino. Gayumpaman dahil kasulatan at kasaysayan, ang Filipino pa rin ang naitala at kinikilalang wikang pambansa. Ang ikapat na uri naman ng wika ay ang Pampanitikan. Ito ang pinakamayaman na uri. Kadalasay ginagamit ang mga salita sa ibang pakahulugan. Mayaman ang wikang pampanitikan sa paggamit ng tayutay, idioma, eskima at ibat ibang tono, tema at punto. Isang eksperto na rin ang nagsabi na ang Panitikan ay ang "Kapatid na babae ng Kasaysayan", ito ay dahil sa ang wikang pampanitikan ay makasaysayan at maaring tumaliwas din sa kasaysayan dahil sa kaniyang kakayahan na lumikha ng mga tauhang piksyunal o kathang isip. Ito ay kadalasay nagaganap sa tuwing ang wikang pampanitikan at malayang nagagamit sa pagkatha ng dula, katha, palabas, at iba pang likhang-pampanitikan. 1. dapat may masistemang balangkas 2. dapat ito ay pantaong tunog 3. dapat isa itong arbitraryo 4. dapat pangkomunikasyon 5. dapat ito may antas o level 6. dapat isa itong malikhain at natatangi 6. dapat ito ay nagbabago-bago Mga katangian ng wika: 1. may balangkas -Ako ay nag aaral sa de la sale college of saint benilde. (may masistemang ayos ang mga salita sa isang pangungusap) 2.binubuo ng makahulugang tunog -Gumagamit ang mga tao ng piling tunog upang magkaroon ng kahulugan ang wika. 3.pinipili at isinasa-ayos -Madali ang pag aaral kung ikaw ay matiyaga. 4. arbitraryo

-Laging nagbabago ang wika ayon sa panahon. 5.nakabatay sa kultura -Tagalog ang isa sa pinaka ginagamit na wika ditto sa Pilipinas. 6. ginagamit -Ang wika ay parte ng pang araw-araw na buhay natin. 7. kagila-gilagis -Ang wika ay may kakayahan na umakit ng mga tao. 8. makapangyarihan -Ang wika ay nakaka-kontrol ng pagiisip ng isang indibidual. 9. may antas -Ang wika ay nahahati sa apat na uri. 10.may pulitika -Nakakahatak ng impluwensya ang pagsasalita. 10.Ginagamit araw-araw - lahat tayo ay gumagamit ng wika upang maipahay natin ang atin mga layunin araw-araw.

Mga Kahalagahan ng Wika A. Instrumento ng Komunikasyon - ginagamit ng tao ang wika sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan. Kung minsan, hindi kinakailangang ang isang tao ay magkaroon ng mataas na kaalaman sa isang wika upang maipahayag nya ang kanyang saloobin. Ang kawastuang gramatika ay hindi na gaanong pinapansin lalo na kung ang nag-uusap ay may magkaibang wika. Sapat nang maipahayag ng bawat isa ang konseptong nais nilang iparating sa wikang pareho nilang mauunawaan. Ang mahalaga sa komunikasyon ay pagkakaunawaan. B. Nag-iingat at Nagpapalaganap ng kaalaman - maraming kaalaman ang naisasalin sa bawat saling-lahi sa pamamagitan ng wika. Kung ang isang tao ay nakatuklas ng isang mahalagang kaalaman, ang kaalamang ito ay sinusulat niya o kaya'y sinasabi sa isang kakilala. Dahil dito ang kaalamang kanyang natuklasan ay hindi kasamang nalilibing kapag ang taong nakatuklas ay namatay na. Kung sakaling matapos matuklasan ni Benjamin Franklin ang kuryente siya ay namatay nang hindi man lang nya ito naisulat o hindi man lamang nasabi sa isang kakilala, Marahil ay wala pa tayong kuryente ngayon. Sa ganitong pagkakataon masasabi nating ang wika ay gumanap ng tungkuling pag- iingat sa kaalaman. Sa pamamagitan ng wika ang kaalaman ay nanatili o napangangalagaan. Wika rin ang ginagamit na midyum upang ang nabanggit na kaalaman ay mapalaganap. Mabisang gamitin ang wika sa pagtuturo at pagpapalaganap ng kaalaman sa loob at labas ng paaralan. C. Nagbubuklod ng Bansa - ang pagkakaroon ng isang pambansang wika ay mahalaga upang magkaisa at mabuklod ang mga mamayan nito. Kung titingnan nating ang mga bansang kalapit natin, mapapansing lahat sila ay nagsisikap na malinang ang kanilang pambansang wika. Ang China na siyang pinakamalaking bansa sa daigdig ay may isang pambansang wika, ang Mandarin. "Ang mga Indonesyan, noong sila ay nakikipaghamok sa mga Olandes upang makamit ang kalayaan ay sumisigaw ng "Satu Bangsa! Satu Bahasa! Satu Tuna-ir!" (Isang Bansa! Isang Wika! Isang Inangbayan!). Maagang nakilala ng mga Indonesyan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang pambansang wika upang ang kanilang mga mamayan ay mabuklod. Kaya naman ang unang ginawa nila matapos makamit ang kasaimlan ay bumuo sila ng isang Bahasa Indonesya na ngayon ay kanilang wikang pambansa buhat sa lahat ng wikaing sinasalita sa kanilang bansa." (Relova: 1973) D. Lumilinang ng Malikhaing pag-iisip - ayon kay Reynaldo L. Aguilar (1994), ito ang pinakamahalagang tungkuling ng wika, sapagkat dito pinaiiral ang malikhaing paglalang ng mga bagong pamamaraan at bagong paniniwala. Sa tungkuling ito, ang wika ay kinakailangang matatas at maunlad. Kapag tayo ay nagbabasa ng maikling kwento o nobela, parang nararamdaman natin ang nararamdaman ng pangunahing tauhan dahil pinagagana ng wika at ating imahinasyon. Sa pamamagitan ng payak at tiyak na panuto, naituturo sa ating ang paggawa ng isang bagay kahit hindi natin nakikita kung paano ito ginagawa. Dahil sa wika maraming mga bagay ang nabubuo, nalilikha o naiimbento. Sa pamamagitan ng pagpapalitan ng idea ng mga tao, nakabubuo sila ng mga bagong konsepto na humahantong sa paglikha o pag- imbento ng mga bagong bagay.

You might also like