You are on page 1of 2

Honorable Chairman,

Honorable Members of this August Body,

I stand on a question of Privilege as Youth Sector Representative of


Cotabato City.

Sa loob ng anim na buwan na panunungkulan ko bilang


Representante ng mga Kabataan, ay unti unti kong naiintindihan ang
dahilan kung bakit binigyan ng boses ang mga kabataan sa ating
pamahalaan. Unti unti ko ring naintindihan sa mura kong edad, kung
paano ang kalakaran sa Gobyerno.

Nagpapasalamat ako bilang representante ng kabataan at


nabigyan kami ng pagkakataon na makilahok sa mha prorama n gating
pamahalaan.
Nasabi ko na po nung una akong nagtalumpati dito sa
Sangguniang Panglungsod na ako ay isang reluctant politician.

Itinuturo ng aming mga guro sa amin paaralan ang


importance ng PAGKAKAISA. Ito ay hindi isang ligaw na salita na basta na
lamang naririnig. Ang kahalagahan ng pagkakaisa ay dapat na isapuso ng
bawat isa sa atin sapagkat walang saysay ang lahat n gating pagsulong ng
iba’t ibang proyekto tungo sa kaunlaran kung hindi tayo nagkakaisa.

Maaaring iniisip ninyo na sa mura kong edad, ako ay


inudyukan lamang upang magsalita, ngunit nais kong ipaalam sa inyo na
itong aking kagustuhang maibigay ng aking saloobin ay personal kong
desisyon bilang isang kabataan. Hindi ko kayang ipikit ang aking mata sa
mga nakikita ko.

Napakaraming problemang hinaharap ang lungsod ng


Cotabato. Tuwing Martes, pinagdedebatehan dito ang iba’t ibang suliranin
na kinakaharap ng Cotabato City. Maaaring ako ay isa lamang baguhan at
bagito sa larangan ng politika. Subalit ako labg po ay nagtataka bakit sa
simpleng mga bagay na kaya naman nating ayusin o pag-usapan ay
inaabot tayo ng siyam siyam.

Sa isang advertisement sa telebisyon, nabanggit na “ANG


MALING GINAGAWA NG MGA MATANDA AY NAGIGING TAMA SA MATA NG
MGA BATA”. Alam ko, na hindi ninyo ikinatuwa ang aking obserbasyon.
Maaaring ang ilan sa inyo ay magsasalita pa pagkatapos ng akin talumpati.
Karapatan ninyo yon. Subalit ako ay naninindigan ay umaapela na sana,
kung ang isang proposal ay para sa ikabubuti ng buong lungsod ng
Cotabato, suportahan natin ito.

Tama na po ang sobrang diskusyon. Baka po pwede, tulungan


ninyo kaming mga kabataan na magkaroon ng isang tahimik at matiwasay
na kinabukasan sa Lungsod ng Cotabato.

Maraming salamat po.

You might also like