You are on page 1of 2

Shulamaye P.

Velasco February 23, 2011

Sa Mga Bulaklak ng Heidelberg

Hayo kayo sa bayan ko, bulaklak ng ibang lupa


Na tanim ng naglalakbay sa lupaing mapayapa
At sa lilim niyong langit na sa buhaw ay sagana’ t
Nagtatago rin ng lahat ng pag-ibig ko at haka
Hayo kayo at sabihing akong dito ay banyaga
Pananalig ay kimkim pa sa Bayan kong minumutya

Hayo kayo at sabihin, ang pagbubukang liwayway,


Na una unang nagbukas ng talulot ninyong mahal
Sa tabi ng ilog Neckar na labis sa kalamigan,
Ay nakita ninyo akong tahimik na nagninilay
Sa piling ng inyong punong sa tagsibol nabubuhay

Ibalita ninyo tuloy na paghihip ng amihang


Nagnanakaw ng pabango ng inyo ring kagandahan
At awing ng pagmamahal ang sa inyo ay pang-alay
Ako naman ay iyo ring pabulong na kinaringgan
Na awit ko sa pag-ibig sa sariling wika naman

Na kapag ang haring araw, ang tugatog ng bundukin


Ng Koenigsthul ay natyagang giniginto sa paningin
At ang kanyang malahiningan liwanag ay nagniningning
Pinasisigla ang nayon, ang gubat at ang kaingin
Ako nama’y nagpupugay sa araw na bagong dating.
Sa ngalan ng araw roon sa Bayan ko’y maningning din.

Paliwanag:

Ginamit ni Rizal ang mga bulaklak sa Heidelberg bilang simbolo ng kanyang


pagmamahal sa lupang sinilangan. Ang kagandahan ng mga bulaklak ay naikukumpara sa
kung paano niya tingnan ang ating bansa na kung sino mang makakita rin nito ay
mararamdaman ang pagaaalala at pagmamahal ni Rizal sa Pilipinas.Ang halimuyak naman
ng mga ito ang sumisimbilo sa mga adhikain niya para sa bansa.

Pinapakita ang kanyang katayuan bilang dayuhan sa ibang bansa, na kahit ang
kanyang anyo o katawan ay nabubuhay dito, ang kanyang kaluluwa o pagkatao ay nakatanim
sa kanyang Inang Bayan, ang Pilipinas.Gaya ng mga bulaklak na maiiwan ang bango
athalimuyak nito sa lupang kanyang tinubuan,
Shulamaye P.Velasco February 23, 2011

Sa Mga Bulaklak ng Heidelberg

Pumaroon kayo mga bulaklak


na itinanim ng manlalakbay sa ibang bayan
Sa ilalim ng bughaw na kalangitan,
Na lakip ang saloobi’t alala
Para sabihing ako’y isang banyagang
Alaala ang Bayan kong minumutya

Pumaroon kayo at sabihing sa pagkagat ng liwanag


Ay unang nagbukas ang talulot nitong mga bulaklak
Sa pampang ng ilog Neckar na labis ang kalamigan
Ako’y nagmumuning naratnan
Sa tabi ng iyong punong sa tagsibol nabubuhay

Sabihin sa pagsabay sa pagihip ng hanging


Dala ang inyong halimuyak
At himig ng pagmamahal
Ay ako ri’y kinaringgan ng awit ng pagi-big sa tinubuang lupa

Dagling sumungaw ang liwanag sa pagitan ng bulubundukin


Ng Koenigsthul na kahangahanga
Kasama ng pagtapon ng liwanag sa kapaligiran
Habang binabati ang araw sa kanyang pagsikat
Na siyang sumisikat rin sa sariling Bayan.

You might also like