Wikang Filipino: Simbolo Ng Kultura at Lahing Pilipino
Ni Pat Villafuerte
Bawat bansa ay may watawat na simbolo ng pagkabansa-
Iba-ibang kulay, iba-ibang disenyo, iba-iba ang may likha may simbolo ang bawat kulay, ang disenyo ay may diwa.
Bawat bansa ay may awit na pinipithaya-
may himno man o marta, oyayi o pandigma; may ritmong kaibigibig, may medolohiyang kahanga-hanga. kompositor ang humimig, isinatitik ng makata
Sa Pilipinas at may mga mamamayang dinarakila -
bayani ng epiko o mangingibig na dukha mayamang politico o henyong masalita matalinong imbentor o gurong dakila
Sa Pilipinas, sa sinilangan kong bayan ng Diyos ang nagpala -
may lahing kinagisnan, inanak ng dugo, kambal ng hapis at luha; lahing matapang, lahing magiting, lahing inandukha ng mga bayaning nabuwal sa dilim, makamit lang ang laya.
Ang wika ng bayan ko'y simbolo ng kulturang
mayaman, maunlad, payapa gamit ng bayan ang wikang Filipinong may kulturang di-banyagal mapa-silangan, mapa-kanluran, mapa-timog, mapa-hilaga, ang masasalamin ay kulturang katutubo, sining ang may likha.
Sa Pilipinas, sa sinilangan kong bayan, ay may iba;t ibang wika-
may unang wika, may pangalawang wikal may wikang ofisyal, may wikang pambansa; may wikang akademiko, may wikang teknikal, may balbal na wika; may wikang malikhain, may wikang bernakular, may wikang banyaaga.
Mangyari, ang wikang gamit sa bayan ko,
ay wika ng pagkakaisa at wika ng paglaya wikang pinuhunan ng mga hinaing, sigaw, at pithaya, wikang isinabatas nang upang magamit kasalit ang tuwa, wikang simbolo ng pambansang kultura't lahing makabansa.
Ang wika ng bayan ay wika ng lahing may matalas na diwa,
Ang wika ng bayan ay wika ng lahing may pusong malinis, wagas at dakila; Ang wika ng bayan ay wika ng lahing may marangal na adhika, Wikang Filipino, ang wikang gamit ko sa isip, sa salita at sa gawa.