You are on page 1of 2

Ferdinand Marcos's Aussie daughter axed from Australian reality show

Jojo Gabinete

Tinanggal sa The Renovatorssi Analisa Hegyesi


dahil sa pag-amin nito sa mga producers ng
programa na anak siya ng yumaong presidente ng
Pilipinas na si Ferdinand Edralin Marcos.
 
Ang The Renovators ay isang upcoming home
makeover reality show sa Australia. Si Analisa ay
ang 40-year-old interior designer na inalis sa
contest dahil anak siya ni Marcos.
 
Si Marcos ay napatalsik mula sa Malacañang
noong February 25, 1986, dahil sa People Power.
Ang People Power, o EDSA 1, ang siyang nagluklok
naman kay Corazon Cojuangco Aquino bilang
presidente ng Pilipinas.
 
Nalaman ni Analisa noong Lunes, March 28, ang
pagkakatanggal sa kaniya sa nabanggit na show
nang makatanggap siya ng tawag sa telepono
mula sa representative ng Shine Australia, ang
production company na producer ng The
Renovators at Junior Masterchef Australia.
 
Nakapasa si Analisa sa mahabang proseso ng auditions at interviews, pero inalis siya bilang contestant
ng The Renovators nang ipagtapat niya sa mga producer ang katauhan ng kanyang tunay na ama.
 
News sa Australia ang nangyari sa The Renovators bid ni Analisa, at sa interview sa kanya na lumabas
sa The Daily Telegraph  UK ay sinabi niya ang kanyang mga saloobin.
 
"The thing is that I've had to juggle my business and clients to make time for the show after I was
asked to audition and was then chosen from hundreds of people around Australia.
 
"I was chosen on my own merits but then I was dropped due to aspects of my private life which I will
not discuss.
 
"I was told there was a fear, too, attention would be paid to me and not the show and other
contestants," sabi ni Analisa sa interview.
 
Ayon sa mga report mula sa Australia, naniniwala ang Shine Australia staff na unfair ang ginawa kay
Analisa dahil hindi raw tama na siya ang magdusa sa mga kasalanan ng kanyang namayapang ama.
 
Si Ferdinand Marcos ay madalas tawaging diktador o autocrat dahil nagdeklara ito ng martial law sa
Pilipinas nang hindi na siya pinahihintulutan ng Constitution na tumakbo ng isa pang termino bilang
presidente.
 
Sa pagdeklara niya ng unpopular martial law, nagpatuloy siya bilang presidente at naging all-powerful
ang executive branch, habang ang ibang branches ng gobyerno gaya ng legislative  (senate and
congress) at judiciary (mga korte at judges) ay nawalan ng tunay na kapangyarihan.
 
Halimbawa, siya na ang tanging gumagawa ng mga batas at panukala, gaya ng pagdedeklarang
krimen ang "gossip mongering" at mga umpukan; at maaari ng makulong ang kahit sino nang di
kinakailangan ng warrant mula sa isang judge.
 
Pinatay din niya ang mga media (diyaryo, telebisyon, radyo), liban doon sa mga pagmamay-ari ng
gobyerno, ng kanyang cronies, at ng trusted aides.
 
Malawak ang pagkondena sa mundo ng deklarasyong ito, na naging sanhi ng pagkakakulong at
pagkakapatay ng maraming Pilipino, kasama na si Benigno Aquino Jr., ang ama ng kasalukuyang
presidente ng Pilipinas.
 
Ang People Power ay bunsod ng mga pangyayari sa ilalim ng sinasabing conjugal dictatorship ni
Ferdinand Marcos at ng kanyang asawang si Imelda Romualdez Marcos.
 
Ang pagkawala ni Analisa mula sa The Renovators ay hindi unang pagkakataon na nalagay sa news si
Analisa at ang kanyang ina na si Evelin Hegyesi.
 
Si Evelin ang former Sydney swimwear at Playboy model na nakarelasyon ni Marcos noong 1970.
Nang mga panahong ito, asawa na ni Marcos si Imelda at meron na silang tatlong anak, sina Imee,
Bongbong, at Irene.
 
Nineteen years old si Evelin nang magkakilala sila ng dating pangulo ng Pilipinas, at si Analisa ang
bunga ng kanilang relasyon.
 
Analisa Josefa ang tunay na pangalan ni Analisa, at nanggaling ang Josefa mula sa pangalan ng ina ni
Marcos, si Josefa Edralin Marcos.
 

You might also like