You are on page 1of 2

Sharon Cuneta not worried about KC and Piolo: "They are both smart, alam

nila ang hirap ng pagiging taga-showbiz na may relasyon."

Noel Orsal

Sa nakaraang interview kay Sen. Kiko Pangilinan


sa bagong branch ng Mesa Grill Restaurant this
week, naging usap-usapan ang kapansin-pansin
na pag-iwas daw nito magbigay ng komento kung
boto ba siya o hindi kay Piolo Pascual bilang
boyfriend ng stepdaughter niyang si KC
Concepcion.
 
Masasabing anak na rin ang turing ni Sen. Kiko
kay KC kung kaya't di maiiwasang mahingan ng
reaksyon ang senador sa pag-amin ng dalawa sa
kanilang tunay na relasyon sa ngayon.
 
Sa nakarang pictorial ni Sharon Cuneta sa studio
ni Raymund Isaac para sa The Biggest Loser last
March 16 ay agad naming tinanong ang Megastar
kung ano ang masasabi niya na mukhang hindi raw boto ang asawa nito sa bagong boyfriend ng
panganay na anak.
 
"Si Kiko ganito yan, kahit let's say gusto niya talaga yung boyfriend ng anak ko ke si Piolo 'yan o
hindi, wala ng lalaking nabubuhay ang mas gagaling pa kahit na santo na sana maging asawa ng anak
ko.  Ganyan ang sasabihin niyan, kunwari ganyan-ganyan pero pag nandiyan naman si PJ, very like
niya kasi before pag nakakasama namin siya minsan, enjoy naman siya," paliwanag ni Sharon.
 
Tulad ng amang si Gabby Concepcion, aminado si Sharon na hindi pa naipapakilala nang pormal ni KC
si Piolo bilang boyfriend nito sa kanyang ina.
 
"Yung totoo, hindi ko pa sila talagang nakasamang magkasama mula nang maging sila, kasi ang dami
nilang ginagawang dalawa, separately and together.  Siguro they see each other, pareho silang busy,
tapos ako rin so sobrang hirap magtugma ng mga sked namin. 
 
"Hindi na namin inoobliga yung mga bata, I'm sure magkikita rin kami, makakakain kami nang sabay-
sabay na walang tatayo, na hindi mali-late."
 
"Before naman na maging sila, pag pupunta siya sa bahay, very ano naman kami ni Kiko sa kanya. 
Ayoko nang pag-usapan ang iba pang okasyon kasi pribado, dapat pribado.  Kung ako, ikukuwento ko,
pero siyempre it's respect for them also."
 
SHE TRUSTS KC AND PIOLO. As a mother, masaya na si Sharon na inamin ni Piolo ang relasyon nila
ni KC sa publiko.
 
"Kasi normal yun. Matatakot ako pag ayaw niyang ipakita ang anak ko, secret or something.  I trust
them both.  KC is an adult and has grown into a lovely human being so if I trust someone, it's my
daughter."
 
Tinanong din namin si Sharon kung pabor ba siya na showbiz ang naging boyfriend ng anak. Bilang
ina, hindi ba siya nagwo-worry na pinupukol ng mga intriga sila KC at Piolo?
 
"Hindi ako nagkukulang ng paalala kay KC. Si Piolo, I'm sure nadaanan na niya yan e... Basta ang
anak ko babae, yung mga maibabahagi ko sa kanya ay yung mga experiences ko. 
 
"Alam mo, iba-iba ang tao. Puwede naman siyang mag-asawa ng doctor or attorney  tapos
napakalungkot naman ng buhay niya.  Hindi dun nababase yun e. I think the two of them, they
understand  each other," aniya.
 
"They are both smart, alam nila ang hirap ng pagiging taga-showbiz na may relasyon. Pero I'm sure
alam nila ang solusyon dun.  Yun ngang two years na lumalabas sila, di ko alam yun.
 
"Ako hindi ako worried basta hindi sila worried.  I keep telling KC to stay strong. Pag nagpa-apekto ka,
tuloy-tuloy na yan.  Ang nakakaalam at nakakakilala ay silang dalawa. Kahit kami di namin alam yun,
you feel it in your heart. 
 
"Protect what you have, don't allow anyone to destroy it. Kung mayroong sisira dapat galing sa inyo,
hindi sa labas kasi dinaanan ko yun," ang sabi ni Sharon.
 
NEW FAMILY MEMBER. Napag-usapan din ang legal adoption ng batang si Miguel.
 
"Ongoing na siya... Alam naman ng [publiko] na hindi kami masamang tao at mahal na mahal namin
yung bata.  We're praying na sana mapadali, by the end of the year, para mayroon na siyang travel
permit.  He's 16 months old, magse-17 months na siya," kwento ni Sharon.
 
Gagawin din pala ni Mega ang The Sharon Cuneta Show Special na magsisimula this coming March 20.
 
"I'm happy about it kasi it's purely musical.  Dapat abangan yung unang episode. Nandun sila Mike
Hanopol, Mackoie, Jett Pangan, Angeline, Raimund Marasigan, at si Aiza Seguerra."

You might also like