You are on page 1of 2

 

  

Nonito Donaire Jr. on tiff with sportswriters: "We've learned na to forgive is


divine."
Glen P. Sibonga

Masayang humarap ang mag-


asawang Nonito at Rachel Donaire sa
entertainment press kasama na ang
PEP (Philippine Entertainment Portal)
para sa launching nila bilang
endorsers ng Mariko Tokyo beauty
and medical clinic na ginanap last
March 18 sa Annabel's restaurant sa
Tomas Morato, Quezon City.
 
Sunud-sunod daw kasi ang
magagandang bagay na nangyayari
sa kanilang mag-asawa ngayon. Una
na nga rito ay ang pagkapanalo ni
Nonito Donaire Jr. kamakailan ng
WBC/WBO bantamweight
championships nang mapatulog niya
si Fernando Montiel sa second round.
 
Sumunod ay ang pagkakaayos ni
Nonito at ng kanyang
nakatampuhang ama. Ang latest
blessing nga na natanggap nila ay ang pagiging endorser ng Mariko. Ang pagpunta daw sa Mariko ang
isa sa bonding moments nilang dalawa.
 
"Sabay kasi kaming pumupunta sa Mariko. And it's kinda relaxing like yung body scrub.
Nakakatanggal ng stress," sabi ni Nonito.
 
ISSUE WITH SPORTWRITERS. Isa nga raw sa source ng stress nilang mag-asawa ang iba't ibang
kontrobersiyang kinasasangkutan nila. Tulad na lang ng naging isyu sa kanila ng ilang sportswriters
partikular na si Chino Trinidad.
 
Dahil daw sa pangingialam ng mga ito sa kanilang private life, lalo na sa naging gusot sa kanilang
pamilya, ay lumala raw ang sitwasyon. Nakapagbitiw pa nga si Nonito ng salita na dapat ay
sportswriting na lang ang isipin nila at iwan na lang ang pang-iintriga sa showbiz press.
 
Hindi raw kasi nila maintindihan kung bakit kailangang hingin ng media ang side nila pagdating sa
problema sa pamilya.
 
Maging si Rachel daw ay nakiusap na sa mga press, lalo na kay Chino Trinidad, na sana ay huwag na
siyang kulitin na ibigay ang side niya sa isyu na siya raw ang dahilan kaya nag-away si Nonito at ang
tatay nito. Dapat daw ay silang magpapamilya na lang ang umayos nito.
 
"I told Chino huwag na lang kasi I didn't want Nonito to get distracted sa fight niya. But he insisted na
dapat I give my side. I didn't want to make things worse, di ba? There are already people being hurt.
Our focus that time was for Nonito to win his fight for the country," sabi ni Rachel.
 
Ngayong naayos na ang problema sa pamilya, napatawad na ba nila ang mga sportwriters na nang-
intriga sa kanila?
 
"Forgiveness is never an issue. We've learned na to forgive is divine. But of course we will take into
account yung mga ginawa nila. But definitely nandun yung forgiveness. Ayaw na naming mag-focus
dun sa nangyari kasi kung mag-focus ka dun, part ng negativity yun e.  Gusto namin positivity," ani
Nonito.
 
Mabuti raw noong nakiusap sila ay tumigil na sa pagtira sa kanila ang ibang press.
 
"That's good, masaya kami doon because Pilipino tayo, e, tapos nagsisiraan tayo. Pilipino tayo, we
should support each other. Ako naman, lahat ng fighters sinusuportahan ko e," sabi ni Nonito.
 
May plano ba sila to reach out sa ibang press na nakaalitan nila?

"We're always here naman, we're always open. We had a bunch of press conferences," sabi ni Rachel.
 
Alam naman daw nila na hindi lahat ay magiging close sa kanila. Ang importante raw ay marami pa
ring members ng press ang kaibigan nila at sumusuporta sa kanila.
 
Hindi pa raw sila nagkikita ulit ni Chino Trinidad. Pero kung sakaling magkita sila, ano ang gagawin
nila at sasabihin nila rito?
 
"Wala, hi lang. I think if there will be an incident sa GMA or even sa sports event, we're not gonna be
rude naman. We'll be professional on how we will react," ani Rachel.

 
GOLDEN BOY PROMOTIONS. Hinaharap din ng mag-asawa ngayon ang isyu ng umano'y balak na
pagdedemanda ng dating promoter ni Nonito na si Bob Arum ng Top Rank Promotions dahil daw sa
breach of contract.
 
Pumirma na kasi si Nonito ng kontrata sa Golden Boy Promotions ng dating boxing champ din na si
Oscar dela Hoya. Tumanggi namang sabihin ni Nonito kung gaano katagal ang kontrata niya sa Golden
Boy at confidential daw kasi ito.
 
Pinaninindigan ni Nonito na free agent siya kaya may karapatan siyang lumipat ng promoter sa gusto
niya. May mga lawyers din daw sila na nag-aasikaso ng isyung ito kaya hindi sila nag-aalala masyado.
 
Diumano idinadahilan ni Bob Arum na dahil daw sa tinamong injury ni Nonito noon kaya kailangang
ma-extend pa ang kontrata sa kanya ng Pinoy boxing champ. Pero pinabulaanan naman ito ng
Donaire couple.

You might also like