You are on page 1of 2

Bimby squeals on "real score" between his dad James Yap and Isabel Oli

  

Noel Orsal

Si Bimby—o Baby James—na mismo ang


nagbuking na "girlfriend" ng kanyang ama na si
James Yap ang Kapuso actress na si Isabel Oli.
 
May exclusive interview si Ricky Lo, para
sa Startalk, kay Kris Aquino kasama ang anak
nitong si Bimby. Kinunan ito sa advance birthday
party para kay Bimby na ini-sponsor ng RFM
Foods noong Huwebes, March 17.
 
Sa susunod na buwan pa magsi-celebrate si
Bimby ng kanyang fourth birthday. Balak ng mag-
ina mag-Disney cruise at sa mismong kaarawan
ni Bimby sa April 19 ay nasa Mexico raw sila,
ayon kay Kris.
 
Sa panayam ni Ricky kay Kris, muling naungkat ang isyu kina James at Isabel.
 
Ani Kris, "I made a promise to James last week na hindi ko talaga pag-uusapan iyan."
 
Si Bimby ang hinarap ni Ricky at tinanong kung alam ba nito kung sino ang girlfriend ng kanyang
Papa.
 
Narito ang takbo ng kanilang usapan:
 
Ricky: Who's your Papa's girlfriend?
 
Bimby: Isabel.
 
Ricky: Isabel who?
 
Bimby: Isabel lang.
 
Sumali na si Kris sa usapan na "Isabel" lang daw ang alam ng kanyang anak.
 
Tinanong na rin ni Kris si Bimby kung nagkakilala na ba sila ni Isabel.
 
"Hindi pa," sagot ni Bimby
 
Kris: Do you want to meet her?
 
Bimby: No.
 
Ricky: Why not?
 
Hindi na pinasagot ni Kris ang anak at niyakap na niya ito.
 
Hiningan na rin ng reaksiyon si Kris tungkol sa isyu ng pagkaka-link nina James at Isabel.
 
"Wala talaga sa akin. Kasi okay na kami ni James, e. Hindi na kami nag-aaway. Whomever he will end
up with, my main concern is pag pinakilala na kay Bimby, di ba? Magkaroon [ba] sila ng magandang
relationship?" sagot nito.

You might also like