You are on page 1of 6

Ang Tamang Pagtatapon ng Basura

Aksiyon Reserts
na iniharap sa
Cabarroguis National School of Arts
& Trades
Cabarroguis, Quirino

Isang Bahagi ng Katapusan


Sa mga pangangailangan sa pagtatapos
Ng asignaturang Filipino

Ni: Fredeliza B. Espiritu

Taong Pampaaralan 2010-2011


PASASALAMAT

Ang mananaliksik ay lubos na nagagalak sa natapos at maganda ang


kinalabasan ng aksiyon reserts na ito kaya naman siya’y nagpapasalamat sa mga
sumusunod na tumulong sa kanya:

Sa aking mga magulang, bukod sa inaambag na pinansyal, sila’y walang


humpay na sumoporta sa paggawa nito;

Gng. Josefina Mapalo, aking guro sa Filipino, na humamon sa amin na gumawa


ng isang magandang aksiyon reserts;

Alyssa Ashley Abenojar, aking pinsan, na tumulong na mag-isip ng magandang


paksa at pagtulong sa paggawa ng aksiyon reserts na ito;

Sa mga naging respondente sa aking isinagawang surbey, na sumagot sa aking


mga katanungan;

At higit sa lahat, sa Panginoon dahil sa pagbibigay kalakasan, talino at tiyaga sa


paggawa nitong aksiyon reserts.

FREDELIZA BARCELA ESPIRITU


Mananaliksik
PAGHAHANDOG

Ang aksiyon reserts na ito ay buong puso kong inihahandog sa aking mga
inspirasyon, sa aking mga magulang, sa aking kapatid, sa aking mga tito at tita, at sa
aking mga pinsan. At higit sa lahat, sa ating Panginoon na siyang aking nagiging gabay
sa aking buhay.
TALAAN NG NILALAMAN

Pasasalamat i
Paghahandog ii
Talaan ng Nilalaman iii
Unang Kabanata 1
*Paglalahad ng Suliranin 2
Kabanata I

Panimula

Wastong Pagtatapon ng Basura. Ipinakahulugan nito ang pagsasaayos at


paghihiwalay ng basura ayon sa tatlong klase: nabubulok, di-nabubulok at
napapakinabangan pa o residwal.

Isa sa mga malalaking problemang kinakaharap ng Pilipinas ang kawalan ng


kontrol ng mga Pilipino sa pagtatapon ng basura. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang
mga hindi mabuting naidudulot ng pagtatapon ng basura sa kung saan lang, higit lalo sa
mga tabi ng kanal. Hindi maitatangging bawat isa ay naaapektuhan nito.

Ipinagpapalagay na ang karaniwang problemang ito ay isa sa mga problemang


mahirap hanapan ng solusyon. Sa kabila ng batas na pinagtibay para sa wastong
pagtatapon ng basura (Section 59 of Republic Act No. 9003, Phil. Ecological Solid
Waste Management; Executive Order No. 192, Series of 1987) hindi maikakailang maliit
ang porsyento ng mga Pilipinong sumusunod ditto.

Sa bawat paglipas ng araw, halos hindi na rin naman napupuna ang nagkalat na
basura. Kung hindi pa umaalingasaw ang amoy ay wala rin namang halos pupuna.
Bihira na ang nagkokomento ukol sa problemang ito.

Ipaghalimbawa ang paisa-isang upos ng sigarilyo ng mga nagdaraan. Paisa-isa,


ngunit nagkalat sa gilid-gilid ng kalsada. Ang mga balat ng pagkain ng itinatapon ng
mga naglalakad. Mga plastic na maliliit ngunit kapag naipon sa isang tabi ay bumubuo
ng maliliit na bundok. Mga perpektong ehemplo ng kawalan ng disiplina ng mga
mamamayan.
Paglalahad ng Suliranin

Sa pagtalakay ng paksa, sinaklaw nito ang mga mag-aaral mula sa III-Generous


at II-Loyal ng Cabarroguis National School of Arts and Trades.

Sa naunang obserbasyon,

You might also like