You are on page 1of 2

c 

         





i 


Noong Sabado, March 12, may kumalat na
balitang na-ambush diumano si Batangas
Governor at Star For All Season Vilma Santos-
Recto habang lulan ng kanyang sasakyan. Ayon pa
sa ilang Twitter messages ay nasa "delikadong
kundisyon" daw ang actress-politician.

Nakaabot ang balitang ito sa panganay na anak ni


Governor Vi na si Luis Manzano kaya agad niya
itong binigyang-linaw sa Entertainment Live noon
ding Sabado.

Nilinaw nitong hindi ang kanyang ina ang


nakasakay sa kotse kundi ang executive assistant
and liaison officer nito na si Cesar Guce, 62, at
ang driver nitong si Randy Reyes, 34.

Parehong namatay sa ambush sina Guce at Reyes.

Ayon kay Luis, "Si Mommy, naka-text ko this morning and, yun nga, si Mommy is okay. Nagkaroon ng
mabilis na medyo text issue na una pang umabot sa akin, si Mommy ang na-ambush. But the
unfortunate incident happened to my mom's executive assistant na si Cesar.

"But to clarify, tinawagan ko agad si Mommy ko habang ongoing and E-Live. She was on her way
home. Tinanong ko nga, 'Nangyari ba na ikaw ang target, nadamay lang?' Sabi niya, 'Hindi. Ako
pauwi, sila completely iba ang way na pupuntahan nila.'

"So, I guess, iba yung rason kung bakit nangyari yun. I don't think na may kinalaman sa Mommy
ko. Basta ganun, it's very personal level para mangyari 'yun.

"Gagawin nila ang lahat para hanapin ang salarin at kung bakit nangyari ang mga bagay-bagay. Pero
we can only wish for the best and justice be serve. "

Ayon sa report ng mga pulis, pinagbabaril daw ng tatlong lalaking nakamaskara ang sasakyan nina
Guce noong Sabado ng umaga sa Lipa City.

Kinondena naman ni Governor Vi ang malagim na pangyayari.

"I was shocked and I really feel bad on what had happened to Ka Cesar. He's a good man at wala
akong alam na dahilan para siya patayin," sabi niya.

Hindi naman matukoy ng Governor ng Batangas kung may kinalaman sa trabaho ang pagpatay kay
Guce.

"I have no idea kung may nasasagasaan siya sa trabaho niya, and knowing him, he's not the type na
nakikialam sa interes ng ibang tao," saad ni Governor Vi.
Nangako naman ng tulong ang gobernador sa pamilya ng mga biktima.

"Hindi ko sila pababayaan, gagawin ko ang lahat para mahuli ang mga gumawa sa kanila ng bagay na
ito," saad niya.

You might also like