You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Filipino VI

I. Layunin
Pagkatapos ng 50-minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naibibigay ang pagkakaugnay ng pangunahing diwa sa balita o ulat na
napakinggan.
2.
3. Nakakahanap ng arikulo sa pahayagan sa paglutas ng isang suliranin.
II. Paksang Aralin
1. Paksa: Pagbibigay ng Pangunahing Diwa sa Balita o Ulat
2. Kagamitan: tape ng balita, player
3. Kasanayan: Pakikinig
4. Pagpapahalaga: Kamalayan sa mga pangkasalukuyang suliranin/ isyu ng
bansa
III. Pamamaraan
1. Pagganyak
Balik aral.
Magtatanong ang guro:
1. Anu-ano ang mga pambansang suliranin o isyu?
2. Ang pagluluwas ba ng mga produkto sa bansa ang may
kaugnayan sa dinaranas nating economic crisis? Ano ang
kaugnayan nito?
2. Paglalahad
Paghahanda sa pakikinig sa balita o ulat.
Pagbigay ng kahulugan ng mga salitang di-kilala o mahirap tulad ng:
1. produksyon
2. dessicated coconut
3. produkto
4. kopra
5. UCAP
6. copra meat
7. pagluluwas
8. coco chemicals
Pakikinig sa balita:
PRODUKSYON NG NIYOG, BUMABA
Tinatayang hihina ang pagluluwas ng niyog sa bansa. Ayon sa ulat na pinalabas
nng United Coconut Association of the Philippines (UCAP), bumaba ng tatlong
bahagdan ang produksyon ng niyog. Inaasahang ang langis ng niyog ang siyang
pinakamalaking produktong niluluwas sa bansa ay bababa ng mahigit pitong
bahagdan, ang kopra ng halos siyam na bahagdan gayundin ang iba pang
produktong mula sa niyog tulad ng dessicated coconut, copra meat at coco
chemicals.
Sinasabing ang Pilipinas ay may hawak ng 2/3 hanggang ¾ sa kalakal ng mga
produktong mula sa niyog sa buong mundo.

3. Pagtatalakay
Magtatanong ang guro:
1. Ano ang paksa ng ulat?
2. Saan nanggaling ang impormasyong napalood sa ulat?
3. Ano ang pinakamalaking naluwas ng bansa? May ilang
bahagdan ang ibinaba ng produksyon ng kopra at iba pang
produkto ng niyog?
4. Ilang bahagdan sa kalakal ang mga produktong mula sa niyog
sa buong mundo ang hawak ng Pilipinas?
5. Anu-ano ang pangunahing diwa sa ulat ang napakinggan?
4. Paglalahat
Kailangan mo bang malaman ang mga suliranin/ isyung hinaharap ng bansa?
Bakit?
IV. Ebalwasyon
Pakinggan ang ulat at alamin kung aalin ang mga pangunahing diwa nito. Lagyan
ng tsek (/) kung ito ay nagsasaad ng pangunahing diwa o eks (X) kung hindi.
PENSIYON atbp. PARA SA MANGGAGAWANG PINOY SA ESPANYA
Makakatanggap na ng pensyon at iba pang mga benepisyo ang 80,000 mga
Pilipinong manggagawa sa Espanya. Sinabi ng POEA ng nilagdaan kamakailan ng
Pilipinas at Espanya ang kasunduang ito. Inaasahan magdudulot ng kabutihan na
sa mga manggagawang Pilipino.
Sa isang pulong na itinaguyod ng UN sa Athens ay humingi ang kinatawan ng
Pilipinas ng tulong sa International labor Organization at United Nations
Commission on Human Rights upang mabigyan ng proteksyon at pantay na
karapatan ang mga manggagawang Pilipino lalo na ang kababaihan.

_____1. Ang Pilipinas at Espanya ay naglagda ng kasunduan na bibigyan ng


pensyon at iba pang benepisyo ang mga Pilipinong manggagawa sa Espanya.
_____2. Ang kasunduan ay inaasahang magbibigay ng kabutihan at proteksyon sa
2 bansa.
_____3. Humingi ng tulong sa ILO at UNCHR ang Pilipinas.
_____4. 80,000 mga Pilipino sa Espanya ang tatanggap ng pensyon at iba pang
benepisyo.
_____5. Maraming manggagawang Pilipino sa Espanya.

V. Kasunduan
Maghanap ng limang artikulo sa pahayagan tunngkol sa mga hakbang ng
pamahalaan sa paglutas ng pambansang suliranin o isyung unemployment. Idikit
sa short bond paper.

You might also like