You are on page 1of 2

John Lapus on suing Jobert Sucaldito: "Feeling ko, kapag hindi ko siya

idinemanda, patuloy pa rin niyang gagawin ito."

Noel Orsal

  

Pinag-uusapan ngayon ang planong pagdedemanda ng


comedian-TV host na si John "Sweet" Lapus laban sa
entertainment columnist na si Jobert Sucaldito dahil
diumano sa "imbentong" write-up nito sa kanya.
 
Ayon kay Sweet, dati ay pinapalampas lang niya ang
"paninira" sa kanya ni Jobert, pero ngayon daw ay
talagang tila nasagad na siya dahil sa inilabas nitong
diumano'y pagwawala niya sa bar. At hindi rin matanggap
ni Sweet ang headline na lumabas sa tabloid: "Sweet
nagwala sa bar."
 
Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at
iba pang media kay Sweet sa presscon ng
pelikulang Who's That Girl? kagabi, February 21, aniya,
"Hindi naman ako pikon na tao. Pero parang this time,
parang over na. Feeling ko, kapag hindi ko siya
idinemanda, patuloy pa rin niyang gagawin ito. 
 
"Kaya ang sinabi ko nga, yung pagdemanda ko sa kanya,
not just for me, not just for my family, for my fans, it's
also for the people na sinulatan niya ng maling artikulo at
nilait niya noong araw sa kanyang mga articles or sa
kanyang radio program. At marami ang mga artista na
'yan, and all of them are actually happy for me for doing
this and filing a case against Jobert."
 
Sabi pa ni Sweet, ang pag-iimbento raw ng writeup sa kanya ang talagang ikinagalit niya.
 
"Yung pagwawala, nagwala raw ako. Nambastos daw ako ng isang lalaki ro'n. Yung lalaki raw, sa
sobrang pikon, halos hampasin na raw ako ng bote. Na ako raw, kapag nalalasing, nag-iiba ang
pananaw sa buhay, nagwawala. So, these are all false. 
 
"At para bagang kinu-confirm mo. He wrote the article na parang nandoon siya. E, yung mga taong
nandoon, nagsalita naman na walang katotohanan ang article ni Jobert Sucaldito. 
 
"We're talking about Andrew de Real, the owner of the Library, Philip Lazaro, mga credible people, at
hindi naman po magsisinungaling ang mga taong ito. Kahit naman po yung mga waiters sa bar,
puwede nilang kausapin, wala pong ganito."
 
WORD WAR. Pero naninindigan si Jobert na totoo ang kanyang isinulat. Sa column niyang "Expose"
sa Bandera na lumabas ngayong araw, February 22, ay isinulat niyang nakausap niya ang lalaking
"binastos" diumano ni Sweet at pinatotohanan daw nito na "umabot sa point na parang gusto ko na
siyang [Sweet] basagan ng bote."
 
Ano ang masasabi ni Sweet dito?
 
"Naku, walang problema," sabi niya. "Ako naman, I have nothing against the guy. Sabi ko nga, okay
kami. So, my case will be against Jobert Sucaldito at yung kanyang tabloid. 
 
"So, okay kami noong lalaki. I would rather not comment about that. Tingnan ko na lang."
 
Ano naman ang reaksiyon niya sa sinabi diumano ng lalaki na may insidente raw talagang naganap?
 
"Siyempre, it would be the word of the guy and against my word, word of Philip Lazaro, Andrew de
Real. Although, the more na yung mga friends ng lalaki, nakausap din namin at nagsasabi naman na
walang nangyari," sagot ni Sweet.
 
JUST A JOKE. Iginiit ng Showbiz Central host na biruan lang daw talaga ang namagitan sa kanilang
lahat, kunsaan tinutukso nila si Kiko sa comedian na si Shalala.
 
Ani Sweet, "Biruan! At yung lalaki... Sige, hindi nga lang ako, pero sige, aakuin ko na. Binibiro namin
siya, yung lalaking yun. 
 
"Actually, bago napunta sa kanya, may isa pa. Ako, si Philip. O ikaw, si ganito, si ganyan, yung guy,
pinapili pa namin kung sino ang pipiliin niya sa tatlong bakla. Biruan, tawanan. 
 
"Yung mga barkada niya, nandoon. So, masayang inuman. Noong nauna silang umuwi, nagbeso-beso
at nagpaalam sila nang maayos sa amin.
 
"At yung mga lalaking nabanggit sa artikulo ni Mr. Jobert Sucaldito ay mga disenteng lalaki. Okay sila.
Mababait sila. Kaya nakakapagtaka kung bakit may artikulong ganito. Na all along, yung isa pala,
hahampasin daw ako ng bote. Parang, 'Huh? Saan nanggaling yun?'"
 
Totoo bang sinabi niyang bakit pinatulan ng lalaki si Shalala?

You might also like