You are on page 1of 2

Kim Chiu on Green Archer Simon Atkins's Twitter message: "Ang haba naman

ng hair ko!"
   

Noel Orsal

Panay ang ngisi ni Kim Chiu nang tanungin siya ng entertainment


media tungkol sa pagpaparamdam sa kanya ng De La Salle University
basketball star na si Simon Atkins sa Twitter.
 
Isang araw matapos ang nakakakilig na pag-aya ng Azkals member
na si Phil Younghusband kay Angel Locsin para sa isang date,
lumabas naman ang balita na nag-iwan din ng mensahe ang
hardcourt cutie sa kanyang Twitter ng kanyang intensiyong makilala
ang dating Pinoy Big Brother Teen Edition housemate.
 
SIMON WHO? Sa panayam kay Kim sa Chinese New Year celebration
ng Chowking kagabi, Pebrero 15, sa Mercato Centrale, The Fort,
Taguig, inamin ng dalaga na wala siyang ideya kung sino si Simon.
Pero nagkaroon na raw ng pagkakataong magkausap sila kahapon.
 
"Actually, hindi ko naman siya kilala. Naririnig ko lang," sabi ni Kim.
 
"Hindi ko pa siya nakikilala, 'yon lang. Pero nakausap ko pa lang siya
sa phone. 'Yong isang friend niya, 'tapos pinakausap sa akin."
 
Kahit anong impormasyon, ayon kay Kim, ay wala siyang alam tungkol kay Simon.
 
"Hindi ko talaga alam. Sinearch ko lang siya sa Google.Okay naman siya. Basketbolista naman siya.
'Yon, thank you kung gusto niya ako makilala," nakangiting sabi ni Kim.
 
Kumusta naman ang kanilang pag-uusap?
 
"Sandali lang, e, kasi nga may ginagawa nga ako. E, bakit ko siya kakausapin, hindi ko nga siya
kakilala? Gusto niya raw ako makausap, so 'yon."
 
Ayon kay Kim, nalaman niya ang tungkol sa Twitter message ni Simon sa weekly talk show na The
Buzz.
 
"After noon, maraming nag-text sa akin, 'Kilala mo ba siya?' Sabi ko, 'Hindi. Hindi ko siya kilala.'
Sinearch ko na lang siya after that."
 
Magkakaroon kaya ng chance na personal silang magkikita?
 
"Naku ha, hindi ko pa alam!" sabay tawa si Kim.
 
"Nakakataba ng puso na may nagkakagusto sa 'yo. Ang haba naman ng hair ko!
 
"Thank you lang sa paghanga. Nakaka-flatter."

BASKETBALL PLAYER. Nang tanungin naman kung type ba niya ang mga basketbolista, naging
matinis ang boses ni Kim sa pagsagot ng, "Yes naman, 'no!"
 
Ibig sabihin ba nito ay may pag-asa si Simon sakaling umakyat siya ng ligaw?
 
"Hindi ko po alam. Tingnan na lang po natin," sagot ni Kim.
 
Bagamat tila nagustuhan ni Kim ang ipinakitang paghanga ni Simon sa kanya, hindi raw ibig sabihin
nito na handa na siyang magmahal.
 
"Hindi muna, hindi ko alam," sabi ni Kim.
 
Matatandaan na kahit hindi naman diretsahang inamin ni Kim at ng kanyang rumored boyfriend noon
na si Gerald Anderson ang tunay na relasyon nilang dalawa, nagkaroon pa rin ng mga emosyunal na
kaganapan noong nakaraang taon. Lalo na nang lumabas ang mga balibalitang namuong relasyon sa
pagitan nina Bea Alonzo at Gerald, at ang pansamantalang paghihiwalay umano ng tambalang
Kimerald.

You might also like