Professional Documents
Culture Documents
Ang Kastila o Espanyol ay isang wikang Romanse na nagbuhat sa Espanya at ngayon ay ang
pangunahing wika ng Latin Amerika. Sa Latin Amerika, ito ay kilala din sa tawag na
“Castellano” na tumutukoy sa Castilla (Kastilya), kung saan ito nagmula, pero ang tawag lamang
dito sa Espanya ay “español” upang makilalang iba sa wika ng ibang bansa. Castellano naman sa
loob ng Espanya upang makilalang iba sa mga wika ng Espanya (tulad ng Galiciano, Basco, at
Catalan). Sa mga bansang gumagamit nito, español ang tawag ng ilang bansa ngunit sa iba
naman mas malimit ang paggamit ng castellano. Castellano ang tawag rito sa Argentina, Chile,
Pero at Uruguay. Ilang pilologo ang tumatawag sa Kastilyano kapag bumabanggit sa wika sa
Kastilya noong Gitnang Panahon at Kastila sa makabagong porma nito. Ang Kastelyano ay
maari ring subdyalekto ng Kastila na sinasalita sa Kastilya sa panahong ito. Ito ay may serye ng
pagkakaiba sa pagbigkas na naiibang Kastila halimbawa rito ang Andulusia o Aragon na kung
saan sila'y nagsasalita ng ibang sub-diyalekto.
Klasipikasyon
Ponolohiya
Ang Kastila ay isa sa mga wikang opisyal ng United Nations, Unyong Europeo at African Union.
Ang Mexico ang may pinakamaraming tagapagsalita nito na nasa bilang na 100 milyon. Ang
sumunod ay ang mga bansang Colombia (44 milyon), Espanya (41 milyon), Argentina (39
milyon) at Estados Unidos (30 milyon).
Kastila ang opisyal at pinakamahalagang wika sa 20 mga bansa: Argentina, Bolivia (koopisyal sa
Aymara), Chile, Colombia, Costa Rica, Cuba, Ecuador, El Salvador, Espanya (koopisyal sa
Catalan, Galyego, at Basko), Guatemala, Equatorial Guinea (koopisyal sa French), Honduras,
Mexico, Nicaragua, Panama, Paraguay (koopisyal sa Guaraní), Peru (koopisyal sa Quechua at
Aymara), Puerto Rico, Dominican Republic, Uruguay, at Venezuela.
Ito ay ginagamit ng karamihan sa mga taga-Gibraltar (na inaangkin ng Espanya), pero ang
Inggles ang nananatiling tanging opisyal na wika ng kolonya.
Ang Kastila ay may mga tagapagsalita rin sa Netherlands Antilles, Aruba, Canada, Israel (kapwa
Kastila at Ladino o Hudeokastila), Western Sahara, hilagang Morroco, Trinidad at Tobago,
Turkey (Ladino), at US Virgin Islands.
Sa Brazil, kung saan ang salita ay Portuges, ang wikang Kastila ay nagiging pangalawa o
pangatlong wika sa mga kabataang estudyante at propesyonal. Ang popularidad nito sa bansa ay
dahil na rin sa maraming pagkakahalintulad ang dalawang wika at pati na rin sa halos lahat ng
karatig bansa ng Brazil ay Kastila ang gamit.
Sa Pilipinas, kung saan ang paggamit nito ay bumababa ng husto sa mga nakalipas na dekada,
tinanggalan ng opisyal na status ang wikang Kastila noong 1973. Bagamat tadtad ng katutubong
salita at Inggles ang mga wika sa Filipinas, nanatili pa rin ang Kastila sa wika tulad ng sistema
ng pagbibilang, pananalapi, pagsasabi ng oras, ng edad, atbp. Pati ang sistemang kalendaryo ng
Filipinas ay isang bersyon ng Kastila. Gayunpaman, ang natatanging kryolyong Kastila-
Asyatiko, ang Wikang Zamboangueno o Chabacano de Zamboanga at Wikang Caviteno o
Chabacano de Cavite, ay ginagamit ng 292 630 mga Pilipino (senso ng 1990) sa ilang rehyon sa
isla ng Mindanao at sa isang rehyon sa kalapit-timog ng Maynila sa isla ng Luzon. Ang ibang
mga wika sa Pilipinas ay naglalaman din ng maraming hiram na salitang Kastila.
Wikang Latin
Ang Latin ay isang wikang Indo-Europeano na unang sinalita sa rehyong pumapalibot sa
Lungsod ng Roma na tinatawag na Latium. Nagkamit ito ng dakilang kahalagahan bilang opisyal
na wika ng Imperyong Romano. Ang lahat ng mga wikang Romans, tulad ng Kastila, French,
Portuges, Italyano, at Romanian, ay umapo mula sa Latin, at mahahanap ang maraming mga
salitang batay sa Latin sa iba pang mga makabagong wika tulad ng Inggles (madalas sa
pamamagitan ng French) at pati na rin ang mga katutubong wika ng Pilipinas (madalas sa
pamamagitan ng Kastila). Ang alpabetong Latin, hango sa sinaunang alpabetong Italic na sa huli
rin ay hango sa alpabetong Griyego, ang nananatiling pinakaginagamit na alpabeto sa daigdig.
Bukod dito ang Latin ang lingua franca, ang wika ng agham at politika, ng Kanluraning daigdig
ng higit 1000 taon, pinalitan pagkatapos ng French noong ika-18 dantaon at ng Inggles noong
ika-19. Nananatili ang Lating Pansimbahan (Latina Ecclesiastica) bilang pormal na wika ng
Simbahang Katoliko at, hanggang sa ngayon, ang opisyal na wika ng Vatikan. Ginamit ng
Simbahan ang Latin bilang pangunahing banal na wika hanggang noong Ikalawang Kapulungang
Vatikan noong dekada 1960. Ginagamit pa rin (hango sa mga ugat na Griyego) ang Latin upang
ipagkaloob ang mga pangalang ginagamit sa syentipikong pagsasauri ng mga bagay na may
buhay. Ang makabagong pag-aaral ng Latin, kasama ng Griyego, ay kilala bilang Klasiks.
Sumusunod ang isang tala ng mga titik at ponema wikang Latin. Alang-alang sa katumpakan,
gamitin sa halip ng kinagawiang gabay sa pagbaybay sa Tagalog na Wikipedia ang IPA maliban
na lang kung banggitin na hindi.
Sa gitna ng dalawang patinig, doble ang papel na ginagampanan ng titik J: bilang katinig
at bilang tagapagbuo ng kambal-patinig (diphthong) kasama ng naunang patinig. Halimbawa
(gamit ang sistemang panggabay sa Tagalog na Wikipedia), major (baybay /máy·yor/), cujus
(/kwí·yus/), rejectus (rey·yék·tus).
Mga Salita