Professional Documents
Culture Documents
Silangang Dasmariñas
DULANG TRAHEDYA
Ipinasa ni:
Monleon, Jhon Carlo B.
IV-Gold
Ipinasa kay:
Bb. Aida Catibayan
Petsa ng Pagpasa:
3 Agosto 2010
Talaan ng Nilalaman
DULANG TRAHEDYA
Hiblang Abo (Panitikan)- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
1
ni Rene O. Villanueva
Madawag na Lupa(Panitikan)- - - - - - - - - - - - - - - - -
5
ni Pedro L. Ricarte
Sigwa(Panitikan)- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
8
ni Rene O. Villanueva
Moses moses(Panitikan)- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
- - 11
ni Rogelio R. Sikat
Hiblang Abo
ni Rene O. Villanueva
Pagkilala sa may-akda
Si Rene O. Villanueva ay kasalukuyang Creative director ng
Philippine Children’s Television Foundation Inc. at Managing
Director ng Filmag
Napabilang sa Carlos Palanca Memorial Awards Hall of Fame
noong 1995.
Nanalo ng mga pambansang patimpalak panliteratura, gaya
ng Cultural Center of the Philippines Playwriting Contest, CCP
Literary Grants at Palihang Aurelio Tolentino Drama
Competition.
Uri ng Panitikan
Ang DULA ay isang uri ng panitikan na kinapapalooban ng usapan
o diyalogo ng mga tauhan. Nilalarawan dito ang iba’t-ibang
damdamin na nais ipadama sa mambabasa. Ang dula ay maiuuri
sa TRAHEDYA, KOMEDYA, MELO-DRAMA, at HEAVY-DRAMA.
Ang dulang HIBLANG ABO ay nasa uri ng DULANG TRAHEDYA.
Ang Dulang TRAHEDYA ay isang uri ng dula na kung saan ang
simula ng kuwento hanggang sa wakas nito ay humantong sa
pagkasupil ng pangunahing tauhan o bayani sa kwento.
Layunin ng may-akda
Layunin ng may-akda na ipabatid sa mambabasa na ang
matatanda ay dapat nating alagaan dahil sila ang nagkalinga sa
atin noong tayo ay bata pa.
Nais ding ipabatid sa atin ng may-akda na ang buhay ay may
hangganan kaya hangga’t maaga ay dapat nating gawin kung ano
man ang ating dapat gawin at hangga’t maaga pa ay itama natin
an gating pagkakamaling nagawa.
Tagpuan o Panahon
Ang tagpuan ay sa isang silid sa institusyon ng abandonadong
matatand; isang abuhing silid. Inaamag ang mga sementong
dingding. Nagsisimula ng mabakbak ang pintura ng silid.
Buod
Lugmok na nakaupo si HUSE 70, sa silya. Nag-iisa. Nakapako ang
tingin sa sahig. Binabaybay ng lipaking palad ang hilatsa ng puluhan ng
lumang tungkod.
Naglalakbay ang tingin sa mga bakanteng kama. Babalong sa
mata ang luhang hindi malaglag-laglag. Mapupuna mo sa mga kilos ni
Huse na naaalala niya ang mga kasama niya sa silid na iyon at
mahahalata mo din na siya ay nalulungkot dahil sa mga nangyayari
noon. Naalala niya ng una niyang makaharap si MISIS SALVACION sa
opisina nito. Paulit-ulit siyang tinanong nito tungkol sa kanyang
pagkatao. Nang umupo si Huse sa silya na nakaharap sa mesa ay bigla
niyang naalala ang tatlong matanda na kanyang kasama. Sa dilim,
muling mabubuhay ang ala-ala. Isa-isang papasok sina, BLAS, 70;
SOTERO, 75; at PEDRO, 72. Aayusin ng tatlo ang kanilang higaan.
Makikita dito na si Sotero ay nangungulila sa kanyang bunsong anak na
si VICTORIA. Gabi-gabi ay napapanaginipan ni Sotero si Victoria. Ang
kanyang na si Victoria ay hindi na niya nakita simula ng siya makulong.
Ang apat na matanda ay laging nagtatalo. Ito ay dahi kay Sotero. Hindi
pa rin matanggap ni Sotero na ang kanyang ay patay na. Si Blas ay ang
laging nakakasagutan ni Sotero. Tuwing gabi na lamang kasi ay hindi
maayos ang tulog nila dahil kay Sotero.
Madaling araw ng magising si Blas. Madilim na madilim sa
tanghalan. Pagkaraan ng ilang saglit habang unti-unting lumiliwanag
ang ilaw ng silid ay bumangon na si Blas upang gisingin si Huse, Pedro,
at Sotero. Habang ginigising ni Blas si Sotero ay bumalik na naman ang
kanyang pagka-ulila sa kanyang anak. Kung anu-ano na naman ang
kanyang pinagsasabi. Nang suwayin siya ni Blas na tigilan na niya ang
kanyang ginagawa ay tumayo si Sotero at sinugod si Blas gamit ang
kanyang natitirang lakas. Sinakal niya si Blas, ngunit nanlaban din
naman si Blas. Inawat ni Huse ang dalawa ngunit tinulak siya ni Blas.
Mangigisay si Sotero. Nang marinig ni Blas ang malakas na nguyngoy ni
Pedro ay doon pa lamang siya tumigil. Lumabas si Blas upang pumunta
sa misa na ginaganap sa ibaba. Naiwan namang umiiyakl si Pedro sa
sulok at lalapitan naman ni Huse ang hindi na gumagalaw na katawan
ni Sotero. Nang oras ding iyon ay namatay na si Sotero. Dinala na siya
sa ospital. Tanggap ni Blas ang nagawa niyang kasalanan kaya naman
maluwag sa kanyang kalooban na hinintay ang mga pulis. Habang
naghihintay sa pulis ay nagkwentuhan muna si Huse at Blas. Ilang
sandali pa ay dumating si Misis Salvacion at ang pulis sa kanilang silid
upang dakpin si Blas. Una ng nawala sa silid na iyon si Sotero at
sumunod si Blas. Naisip naman ni Pedro na maglinis na lamang sila ni
Huse sa silid nila. Pinapulot ni Huse kay Pedro ang mga palaspas na
nagkalat sa sahig at pinatapon ito sa labas. Nang akmang lalabas na sa
pinto si Pedro ay sinabi niya kay Huse na “Huse........paalam na” Walang
kakibo-kibo si Huse dahil ang akala niya ay nagbibiro lamang si Pedro.
Ngunit ilang saglit pa ay dumating si Misis Salvacion sa kanilang silid
upang kamustahin siya. At ng sabihin na ni Misis salvacion kay Huse na
patay na si Pedro ay nagulat ito at walang kaimik-imik. Pag kalabas ni
Misis salvacion ay lumugmok si Huse sa mesa at tahimik na umiyak.
Wala ng nagawa si Huse kung hindi tumingin sa tatlong higaang tiklop
ang gapok na kutson at umiyak ng umiyak.
~W A K A S~
Madawag na Lupa
ni Pedro L. Ricarte
Pagkilala sa May-Akda
Si Pedro L. Ricarte ay nag-umpisa o nagsimula bilang kuwentista
ngunit higit na nakilala bilang modernistang makata at kritiko
noong 1960.
Pitong gantimpala Palanca sa maikling kuwento, sanaysay at dula
ang kanyang natnggap.
Kinilala ng Surian ng Wikang Pambansa ang kanyang kritisismong
pamapnitikan at ang kanyang mga tula.
Uri ng panitikan
Ang dulang Trahedya ay isang uri ng dula kung saan ang wakas
ay humahamtong sa pagkasupil ng pangunahing tauhan.
Layunin ng May-akda
Layunin nito na ipaalala sa atin na hindi dahil sa mayaman o may
kapangyarihan ka ay puwede ka ng mang-api ng mahihirap.
Gusto din ng may akda na ipabatidsa mambabasa n adapt
ipaglaban ng mahihirap ang kanilang karapatan ng sa gayun ay
hindi sila maapi ng mayayaman at may kapangyarihan.
Tagpuan o Panahon
Ang mga pangyayari sa dulang ito ay naganap sa Maynila noong
taong 1960 panahon ng mga Hapon.
~W A K A S~
Sigwa
ni Rene O. Villanueva
Pagkilala sa May-akda
Noong 1993 ay kinilala si Rne O. Villanueva bilang isa sa The
Outstanding Young persons of the World (TOYP) para sa cultural
achievement.
Kabilang din sa 1989 Ten Outstanding Young men of the
Philippines (TOYM) para sa literature.
Taong 1991, kinilala siya ng Gawad CCP sa telebisyon ang
kanyang kontribusyon sa children’s TV sa Pilipinas.
Pinagkalooban siya ng Linangan ng Wikang pambansa ng Gawad
Pagkilala noong 1988 sa kontribusyon niya sa drama at panitikang
pambata.
Uri ng panitikan
Ang uri ng panitikang ito ay dula. Isang dulang trahedya na kung
saan ang simula ng kuwento hanggang sa wakas o katapusan ay
marahas ang pinagdaanan ng pangunahing tauhan.
Layunin ng May-akda
Layunin ng may-akda na ipabatid sa atin na kahit ano man ang
mangyari, mamatay man ang mga kaibigan mo, huwag natin
silang kalilimutan at dapat natin silang bigyang importansya.
Tagpuan o Panahon
Isang gabi noong 1982, sa isang maliit, nayuyungyungan-ng-
akasyang-silid sa Diliman, muling magbabalik ang alala ng Unang
Sigwa
Buod
Isang umaga ang lahat ay maagang gumising at naghanda para
maki-libing kay Nick. Si Nick ay isang sundalo na namatay sa isang
inkuwentro at namatay ng may laban ang dangal. Emosyunal ang
naiwang pamilya ni Nick. Maging ang kanyang mga kabarkada ay
naging emosyunal din. Nagkita doon ang dalawa sa kaibigan ni Nick na
si Del at Richie. Hindi naman naka-abot sa libing si Mol na kaibigan din
ni Nick dahil sa ito ay nasa Cebu at nagtatrabaho.
Matapos ang libing ay nagderetso naman ang dalawang
magkaibigan na sina Del at Richie sa bahay ni Del upang doon hintayin
ang kaibigang si Mol. Habang naghihintay ang dalawa, walang tigil
naman sa pagtatanong itong si Del kay Richie. Mahigit isang dekada din
kasi ang lumipas ng huli silang nagkita at ngayon lamang ulit nangyari.
Habang nagtatanong si Del kay Richie ay napapansin nito na parang
hindi nagbago si Richie dahil kung paano siya sumagot dati ay gnoon pa
rin siya sumagot ngayon. Walang tigil sa pagpapalitan ng salita ang
dalawa. Mapapnsin na si Richie ay hindi mapatigil sa isang tabi.
Hanggang sa naalala nila ng mga masasaya nilang araw noon. Ilang
oras ding naghintay ang dalawa kay Mol. Upang hindi mainip ay pinag-
usapan nila ang mga artikulo na isinulat ni Richie tungkol sa mga
militar. Panay naman ang iwas ni Richie sa mga tanong ni Del tungkol
doon. Maya-maya ay nauwi naman ang usapan sa pagiging guro ni Del.
Gabi na ng dumating si Mol sa bahay ni Del.
Sa pagdating niyang iyon ay nagkuwentuhan ang tatlo at nag-
iinuman din sila. Pinagkukuwentuhan nila ang namatay nilang kaibigan
na si Nick. Si Nick kasi ang pinaka-mabiro sa kanilang apat. Kaya
naming laking panghihinayang ni Mol kay Nick. Habang tumatagal ay
tumatakbo din ang oras at ang dalawa si Mol at Richie ay unti-unti ng
nalalasing. Maghahating gabi ng magpasya si Richie na uuwi na siya,
ngunit ayaw naming pumayag ni Mol. Kaya naman nagyaya na lamang
si Mol na pumunta sila sa sementeryo upang dalawin ang puntod ni
Nick. At habang nandoon sila ay naaalala nila ang masasaya nilang
alala kasama si Nick. Biglang naalala ang nilalaman ng huling sulat ni
Nick para sa kanyang mga kaibigan. Habang nag-iiyakan ang tatlo ay
bigla na lamang nasabi ni Del na “wala na si Nick” at sinagot naman ito
ni Richie na “pero narito pa naman tayo.”
~W A K A S~
Moses-Moses
ni Rogelio R. Sikat
Pagkilala sa May-akda
Ang kanyang maikling kuwento na IMPENG NEGRO ang nakakuha
ng 1962 Gawad Palanca.
Naging propesor at dekano ng Arte at Literatura sa Unibersidad
ng Pilipinas.
Uri ng panitikan
Ang dulang Trahedya ay isang uri ng dula na kung saan ang
simula nito ay marahas na at ang wakas ng kuwento ay
nakakaranas ng paghihirap o pagkasupil ang pangunahing
tauhan.
Layunin ng May-akda
Layunin nito na ihatid sa mambabasa na dapat maging pantay-
pantay ang pagtingin sa tao mahirap o mayaman.
Tagpuan o Panahon
Ang tagpuan ay sa isang apartment sa Maynila. Naganap ito
noong panahon ng Marshal Law.
Buod
Isang gabi, nag-uusap si Regina at Ana.napag-usapan nila ang
tungkol sa nangyari kay Aida. Si Aida ay nagahasa ng anak ng Alkalde.
Si Aida ngayo'y hindi parin makapasok sa paaralan dahil siya'y na-
trauma at wala siyang maiharap na mukha sa kanayang mga kaklase.
Kaya't kumuha ng leave si Regina sa pagtuturo upang mabantayan niya
si Aida. Tapos, biglang dumating sa bahay nila ang Alkalde kasama ang
isang Konsehal. Naparoon sila upang humungi ng dispensa sa nagawa
ng anak ng Alkalde at ninanais nila na i-urong na lamang ni Regina ang
pagsampa sa kaso. Ngunit hindi pumayag si Regina dahil akala niya'y
hustisya ang mananaig. Ng umalis na ang Alkalde at Konsehal, nag-
usap si Tony at Regina. Gusto ni Tony na i-urong na ang pagsampa ng
kaso dahil sa kalagayan ngayon, ang hustisya ay hindi na nananaig.
Ang malakas, makapangyarihan, at mayaman na ang hustisya, sila ang
laging mananaig.
Ang nais na lamang ni Tony ay mapatay ang anak ng Alkalde.
Buhay sa buhay kumbaga. Pinaalala rin ni Tony ang nangyari sa
kaniyang ama. Nang namatay kasi ito, hindi nila nakamit ang hustisya.
Pero, ipinagpilitan parin ni Regina na itutuloy niya ang pagsampa ng
kaso. Matapos ang usapan, sumulpot si Ana at sinabing sinusumping
nanaman si aida, kailangna ni Aida ng tranquilizer upang siya'y
kumalma. Kaya't nagpabili ng gamut si Regina kay Tony. Nung nakaalis
na si Tony, nasi ni Regina kay Ana na malaki na ang pinagbagi ni Tony.
Biglang dumating si Ben at tinanong niya kung nakaalis naba si Tony.
Tumugon si Regina. At inamin ni Ben sa ina na may dlaang baril si Tony
dahil binabalak niyang patayin ang anak ng Alkalde. Binilin ni Tony si
Ben na huwag itong ipagsasabi ngunit nagawang sabihin ito ni Ben.
Nagising si Aida at bumaba mula sa kwarto. Dumiretso siya sa cabinet
at naghahanap ng gamut ngunit natabig niya ang isang bote ng gamut
at ito'y nabasag. Nagising mula sa pagkaka-idlip si Regina. Sinabi ni
Aida sa ina na hinahanap niya ang gamut. Tugon naman ni Regina ay
binili na ito ni Tony. Nang matanong ni Regina kung anong oras na,
nagulat siya dahil hindi niya namalayang pasado alas-dos na ng umaga.
Sinabi ni aida na hindi siya makatulog, kaya't tinimplahan siya ni Regina
ng gatas. Naikwento ni Aida ang tungkol sa panaginip niya na
pinapainow daw ng mga lagad ng anak ng Alklde ang kanyang kuya
Tony ng lason, kahit anung pilit daw niya na humngi ng tawad ay
patulor parin pinapainow ng lason si Tony, ang masaklpa sa panaginip
na iyon ay ininom ni Tony ang laosn. Takot na takot na kinwento ni Aida
ang kaniyang panaginip.
Matapos ikwento ni Aida ang kaniyang panaginip na umabot
hanggang umaga, biglang dumating si Tony na duguan. Sinabi niya na
tumawag na si Ben ng taksi dahil parating na sila. Pinatay na ni Tony
ang anak ng Alkalde, ngayo'y hinahabol na siya ng Alkalde at ng mga
pulis. Iyon lamang daw ang paraan upang makuha ang hustisya. Ngunit
sinabi ni Regina na mali ang nagawang paghihiganti ni Tony, na si Tony
ay isa ng mamamatay-tao. Kinuha ni Regina ang baril at sinbing wag
silang umalis dahil susuko si Tony. Nang nakarating na ang Alkalde,
tinutukan niya ng baril si Tony ngunit tinabig ito ni Regina. Pinagtulung-
tulungan ng mga pulis si Tony. Nang kinukuha na ng mga pulis iyong
baril sa kamay ni Regina, sa hindi sinasadyang pangyayari ay nabaril ni
Regina so Tony. At dinakip ng mga pulis si Regina dahil sa kasalanan
niya. Matapos ikwento ni Aida ang kaniyang panaginip na umabot
hanggang umaga, biglang dumating si Tony na duguan. Sinabi niya na
tumawag na si Ben ng taksi dahil parating na sila. Pinatay na ni Tony
ang anak ng Alkalde, ngayo'y hinahabol na siya ng Alkalde at ng mga
pulis. Iyon lamang daw ang paraan upang makuha ang hustisya. Ngunit
sinabi ni Regina na mali ang nagawang paghihiganti ni Tony, na si Tony
ay isa ng mamamatay-tao. Kinuha ni Regina ang baril at sinbing wag
silang umalis dahil susuko si Tony. Nang nakarating na ang Alkalde,
tinutukan niya ng baril si Tony ngunit tinabig ito ni Regina. Pinagtulung-
tulungan ng mga pulis si Tony. Nang kinukuha na ng mga pulis iyong
baril sa kamay ni Regina, sa hindi sinasadyang pangyayari ay nabaril ni
Regina so Tony. At dinakip ng mga pulis si Regina dahil sa kasalanan
niya. .
~W A K A S~