You are on page 1of 3

Pwede Ba? Ayokong Magsulat!

Gonzales, April
Jane C.

Psy 15
G. Nathaniel Golla
Pwede ba? Ayokong magsulat!

Asar na asar talaga ako sa tuwing sa eskwelahan ay pinapasulat kami. Tamad

ang kamay ko sa pagsusulat, sinabayan pa ng malabo kong mata. Anak ng tinapay,

sayang sa oras yon, tsaka sayang din sa pera, kasi pwede naming hindi isulat lahat.

Bakit pinag-dudutdutan pa rin nila?

Hindi ko maintindihan kung bakit pinapasulat pa sa amin ang mga lecture nung

high school na kapag inistretch mo ang mga word at isusulat ng dere-deretso eh

magiging kasing haba ng Aguinaldo high way, tapos kapag nagbigay ng quiz ang

teacher tungkol dito eh kinseng word lang yata ang lalabas. Parang yung MAPEH

namin nung fourth year, bawat meeting na ginawa ng Diyos, pinasusulat kami, at take

note, minimum na yung dalawang page. Kumustahin mo na lang iyong kamay ko

pagkatapos. Kaya tuloy kahit na pnipilit kong maging mabuting mamamayan ng

Republika ng Pilipinas, napipilitan akong mandaya, shino-short cut ko yung sulat ko

para umikli, yun kasi ang attendance naming. Minsan nga doodle na lang yung laman

ng papel ko, para lang masabing nagsusulat ako.

Eto. Sa isang araw, kung sisipagan akong magsulat, eh makakagastos ako ng

10 page ng notebook(back to back yan, hindi pa kasama yung tinta ng bolpen). Sa

sampung pilas ng notebook na 'yon eh 10 cm ng punong kahoy ang masesave mo, at

sa isang taon ay nagkakahalaga ng dalawang puno.


Minsan technique din yata ng mga teacher namin ang magpasulat ng

napakarami. Kasi may teacher ako nung first year na ok lang sa kanya kahit wala kang

notes, basta natutunan mo yung sinasabi nya at may marereview ka pagdating ng test.

Ok yun, kasi dapat naman talaga, yung important keywords lang isusulat mo. Hindi

yung pilit pinupuno ng kung ano-anong lecture ang notebook, tapos sa end of the year

ipapapasa. Alam mo ba kung saan mapupunta yun? Tama ka, sa timbangan ng junk

shop.

Baka tanungin mo, "eh ikaw pag nagsusulat ka ng story mo ba't hindi ka

tinatamad?". Simple lang ang sagot ko dyan kapatid, kapag nagsusulat kasi ako, hindi

tuloy-tuloy. Minsan pa nga hindi ko na tinatapos dahil itina-type ko na s'ya. Para sa 'kin

kasi, ang pagsusulat ng mahaba, parang paulit-ulit na pag-aaral yan ng kasaysan ng

kung anu-ano. Wala naman silang practical application, ‘di ba? Bakit, ngayon ba pag

mabilis kang magsulat ng lecture na kasing haba ng two pages ng notebook

matatangap ka agad sa trabaho? O kaya hahanapan ka pa ba ng sandamukal na notes

pagka-graduate mo ng college?

Patuloy at patuloy kong dedepensahan ang side ko sa pagsusulat ng super

daming lectures. Hindi naman kasi yun ang batayan ng dedikasyon mo sa pag-aaral,

gaya ng nauuso ngayon na porke kumpleto yung notes mo eh as in super dedicated ka

na. Oo masipag ka nga, pero ano ba ang premyo mo dun?

You might also like