You are on page 1of 2

AGA, IRITA KINA SHARON AT VILMA?!

OLA CHIKKA! HABANG tinitipa ko ang aking

mga chikka ay agad-agad hinirit sa akin ng

aking parazzi girl ang tungkol sa paglilitis sa

kaso ni Willie Revillame laban sa ABS-CBN.

Hanggang ngayon, hindi pa rin

napagdedesisyunan ng korte kung tuluyan na

ngang mawawala ang Willing Willie sa ere,

kaya magkakaroon muli ng hearing sa

Huwebes at Biyernes.

Ibig sabihin, tuloy pa rin ang Willing Willie

kasabay ng mga kadramahan ng host nitong

si Willie Revillame. Nakatulong kaya ang

pagbibigay niya ng jackpot prize na kotse,

bahay at pera sa kanilang contestant noong

Lunes ng gabi kaya medyo napahaba pa ang

airing ng kanilang show? Eh, ‘di kung ganu’n, ito ay isang good news para sa mga contestants na

makapaglalaro bago pa man madesisyunan ang kanilang kaso.

HANGGANG NGAYON, HINDI ko pa rin mawari kung ano ba talaga ang problema nitong si Vilma

Santos sa kasabayan niya dati na si Nora Aunor. Bulung-bulungan kasing ayaw niyang makasama sa

isang project itong si Ate Guy at mas gugustuhin pa niyang makatrabaho si Sharon Cuneta.

Ang rason naman kasi ng Star for all Season eh, masyado siyang busy sa mga proyekto lalo na ang

kanyang concentration ay nasa mga Batangueño. Ang tanong ko naman, bakit ‘pag sa Megastar ayos

lang, pero sa Superstar eh, hindi? Napag-isip tuloy ako na maaaring hanggang ngayon ay hindi pa rin
niya tanggap na mas sikat pa rin sa kanya si Nora at laging pangalawa lamang siya kaya nga ito

tinawag na SUPERSTAR. Tingin n’yo?

KUNG TINATANGGIHAN ni Vilma na makatrabaho si Nora, gayundin naman daw ang pagtanggi nitong

napakaguwapong si Aga Muhlach na makatrabaho sina Sharon Cuneta at Vilma Santos. Nabalitaan

kasi ng aking parazzi girl na walang tinanggap na proyekto itong guwapong aktor na kasama ang

dalawa.

Ano kaya ang galit ni Aga at nagawa niya iyon o sadyang hindi niya lang feel ang dalawa dahil ilan sa

mga kumentong narinig ko ay kaya raw ayaw ng aktor, dahil itong si Sharon ay pagkalaki-laki na ng

katawan na parang drum at halos mukhang tita na niya, habang si Vilma naman ay nakikita na ang

sign of aging na nagmumukha nang lola ni Aga. Anong mga komento ba naman iyon, hindi ba?

Hmmm… Sa tingin n’yo?

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Mahulaan n’yo kaya itong sexy actress na winner na winner pagdating sa

drama? Hindi lamang sa mga teleserye ang pagdrama niya kung hindi maging sa press conference ng

isa nilang project ay umagaw-eksena pa siya!

Ang chikka kasi, nasa isang presscon si sexy actress, kung saan pinaalalahanan ang mga reporters na

mag-concentrate sa project at huwag nang magtanong sa nakaraan ng sexy actress. Sa kasagsagan

ng presscon, nagtanong ang isang late na reporter kay sexy actress at inungkat ang kanyang

nakaraan. Kaya walk-out ang drama ni sexy actress at hindi na talaga nagbalik. Galit na galit ang mga

press at ayun, naglisanan ang mga tao at nilangaw ang presscon.

Masaklap ang nakaraan ni sexy actress, ngunit dapat ay naging mas professional sana siya dahil kung

sakali mang nakalimutan niya ay ibibigay ko na rin ang clue na sa insidenteng iyon mula sa kanyang

nakaraan kaya siya nakilala at nagkapangalan. Ano ‘di n’yo pa rin gets?!

Paki subaybayan na lamang po sa aming programa sa DWSS 1494 kHz weekdays from 11:30 AM to

12:NN at makigulo at maging una sa chikka kasama ang aking mga parazzi girls na sina Lady Camille,

Lady Ghaga and Lady Khianna. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing linggo

mula 2:30 to 3:30 pm. Thank you very much and God Bless us all!

You might also like