You are on page 1of 2

May magagawa ako….

Ano-ano ang iyong ginampanang


gawain sa nakaraang halalan?

Ako si Boy Cabingke……Bilang Lente


Volunteer nag-observed at nagbantay
kaming 3 (Ako, si Enie at si Eder
Pelegrino) , sa mga precinto na may
bilang na 11A at 14B sa Saclag
Settlement Farm School ng Barangay Caagutayan sa Bayan ng San
Teodoro, na tinatayang 60-70% ng botante ay mga Mangyan
Iraya.….naroon ako sa lugar ng botohan mula ika-6 ng umaga, naglagay ng
tarpulin ng lente sa gate, nagsimula ang botohan sa tamang oras alas-7 ng
umaga., at nanatili hanggang tapusin ang bilangan sa ganap na 11:30 ng
gabi , dahil kailangan ko ang 29th copy ng Election Returns na pinagbilin ni
kuya Noel ng sila ay bumisita kasama nina Atty Kat at kuya Jonjon.

Ano ang pinakamagandang karanasan?

Nalaman ng mga kasamahan ko na may mahalagang resposibilidad ako sa


araw ng halalan, di nila ako inabala ,di nila ako kinampanya, naramdaman
ko na , “Proud”, ang mga kaibigan ko sa akin bilang boluntaryo.

Ano naman ang pinakamasama o pangit na karanasan?

May isang tao, kilala ko, siya si Pol Pahutag. Isa syang mayaman na
namimili ng ginto, tuluyan sila ng mga Mangyan, at siya ay di taga-roon sa
amin, taga-kabilang barangay-sa Bigaan…Lumapit sa akin at nagsabi na,
“wag daw akong Mag-assist baka daw magkaliwa.” Maaaring
nangangahulugan ito na panig sya sa isang kandidato sa paka-Mayor.
Nalulungkot ako dahil kahit ang nanay ko ay di- ko na natulungang
bomoto, nangyari ito mahigit kumulang alas 10 ng umaga.
Paano mo i-assest ang iyong sariling pagtataya?

Mahirap, sobrang mainit ang sikat ng araw, pero naroon pa rin ang saya
dahil natutuwa ako na may nagtiwala sa akin, sa aming mga Mangyan sa
gawaing ito bilang Volunteer na walang pinapanigan (non-partisan).

Paano mo-encourage ang iba?

1. Sa mga susunod pang mga botohan, mahalaga na walang


kinikilingan at ang lahat ay pantay-pantay.
2. Iginagalang ako ng mga BEI at ng mga Pulis. Matapos ang bilangan,
noong nakita nila akong naglalakad pauwi sa poblacion mahigit
kumulang 7-8 kilometro mula saclag-bayan, ako ay kanilang
pinasakay sa kanilang sasakyan.

Mga Aral/malasakit na napulot.

1. Para sa sarili...”seryoso sa ini-atang na gawain, kahit ako ay nasa


kabataan pa lang”.
2. Para sa mga botante…”bomoto at maging matalino sa pagboto”.
3. Para sa mga Kandidato…”Iwasan ang *karahasan at panatilihing
masaya ang sarili sa tinig o resulta ng halalan.” *Note: Napabalitang
dinukot ang tumatakbong Mayor, dispiras ng eleksyon.
4. Para sa mga suportang Grupo…Mahalaga ang voter’s Ed, tinatalakay
ang lokal na kalagayan at may patuloy na ugnayan sa mga tulad
naming Boluntaryo, di kami pinabayaan. Salamat sa lahat ng suporta.
12th Mayo 2010, sa bahay ni kuya

You might also like