You are on page 1of 2

12th Mayo 2010

Isinaayos ni Noel Merano


May magagawa ako….

Ano-ano ang iyong ginampanang gawain sa


nakaraang halalan?

AKO si Eder Peligrino, nagmasid , nagpaalala sa mga


botante sa tamang pagboto at naayon sa batas ng
halalan. Kung mayroong di-pagkakaunawaan ay ako
na mismo ang nakiki-usap na iwasan ang kaguluhan
at tampuhan.

Ano ang pinakamagandang karanasan?

Na sa sandaling nagkaroon ng mainitang usapan na


nagdulot pagkaantala sa proseso ng botohan, na sa
halip na itigil ay natuloy pa rin ang botohan , sa halip na magbuno ay nagkaroon ng
pagkaunawaan, nakinig at naniwala naman sa akin ang bawat panig.

Ano naman ang pinakamasama o pangit na karanasan?

Dahil hindi kami nakapasok sa prisinto ng botohan, minarapat kung sumilip na lang sa
bintana at bigla akong tinulak na palayo ng isang watcher ng isang kandidato at
sinabihan ako na, “Huwag ka dyan hindi
ka naman boboto.”

Paano mo i-assest ang iyong sariling


pagtataya?

May pagod , mahirap din at may saya ring


naramdaman basta’t kahit sa paanong
paraan ay nakatulong din naman sa aking
kapwa botanteng kababayang Mangyan.

Paano mo-encourage ang iba?

1. Matanda na rin ako, para sa mga kabataan patuloy ko silang paalalahanan na patuloy
na magsumikap at huwag umasa sa mga pangako ng mga politiko. Mangarap at mag-
aral sa iskul para sa sariling pag-unlad at kinabukasan.
Mga Aral/malasakit na napulot.

1. Para sa sarili…nasubaybayan at nakita ko ang tunay na kalagayan ng politika


na patuloy na may na karahasan nararanasan ang mga kapwa ko katutubo.
Nananatiling hamon na patuloy silang paalalahan sa mga mapagsamantala.

2. Para sa kapwa ko botante…nagtutulungan dahil hindi bihasa at may kahinaan


sa pagbasa at pagsulat. palakasin at hubugin ang mga Mangyan na manindigan

3. Para sa mga kandidato…magmalasakit sa Mangyan di lamang sa panahon ng


botohan.

4. Para sa mga suportang grupo…nagbigay sa amin ng tapang at lakas ng loob sa


pagpapatupad ng batas at mga alituntunin ng halalan. Nagpapasamalat din sa
pagmumulat at sana ay may patuloy na may pagsasanay/kaalaman sa mga
aming mga karapatan.

You might also like